Alex Gonzaga on issue that she gets big projects because of sister Toni: "Dapat pala, lahat ng artista ay sa kanya kumapit!"

On accusation that she’s simply riding on Toni Gonzaga’s coattails, Alex answers back, "Ang lakas pala ng ate ko sa management. Dapat pala, lahat ng artista ay sa kanya kumapit."


Halos dalawang taon pa lang mula nang bumalik si Alex Gonzaga sa ABS-CBN galing sa TV5, pero marami ang nakakapansing sunud-sunod ang proyekto niya.

Sabi ni Alex tungkol dito, "Parang hindi pa nagsi-sink in, hindi pa ako makapaniwala na ganito.

"Pero, always thankful naman, kasi puwedeng sa iba maibigay ang ibinibigay sa 'yo.

"At dapat thankful ka na lang kay Lord and, of course, sa management [ng ABS-CBN] na nagtitiwala."

Sa pocket presscon ng Inday Bote noong March 3, hindi itinanggi ni Alex na malaking bahagi ang kapatid niyang si Toni Gonzaga sa kung anumang tagumpay na tinatamasa niya ngayon.

"Yes, ako naman, hindi ko naman ipagkakait yun na kaya ako nakapasok sa showbiz, because of my sister.

"She paved the way for me.

"And kung anuman po ang naibibigay sa akin na opportunities, I know she's behind me 24/7.

"She suppports me, and ganun din po ang suporta ko sa kanya.

"Wala pong isyu 'yan na dahil sa ate ko, parang... it's okay.

"Kung iniisip man nila na ang lahat ng projects ko ay dahil sa kanya, ang masasabi ko lang na, ang lakas pala ng ate ko sa management.

"Dapat pala, lahat ng artista ay sa kanya kumapit!" natatawang biro ni Alex.


TRUST, NOT INFLUENCE. Ayon kay Alex, hindi si Toni ang dahilan kung bakit siya nabibigyan ng magandang trabaho sa ABS-CBN.

Giit ng actress-TV host, "Hindi naman, kasi ang mommy ko [Pinty Gonzaga] at ate ko ang...

"Wala naman kaming backers...

"Ang alam ko, hindi naman ganun ang ate ko na magbabraso ng mga trabaho para sa kapatid niya.

"Siyempre, kung ano lang po ang ibibigay ng management, yun lang din po talaga.

"So, nagpapasalamat na lang ako, kami ng family ko, na napagkakatiwalaan lang po.

"Ako, alam ko na hindi yun ang ginagawa ng ate ko kasi may career din on her own po siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May sarili naman daw siyang kakayahan na puwedeng ipagsugal ng management ng Dos.

Pagbibiro ulit ng 27-year-old actress-TV host, "Mas mababa nga lang ang budget.

"Kasi nga, nung pumasok ako sa showbiz, ang laging itinatanong sa akin na, 'Kung kaya naman ng ate mo, bakit ka pa namin kukunin? Copycat ka lang naman ng ate mo.'

"So, lagi ko ring sinasabi na... at the end of the day, wala naman talagang parehong tao.

"You'll see naman the difference.

"Right now po, nagpapasalamat ako dahil napapansin na ang pagkakaiba namin

"Kung ano ang kaya niyang ibigay na hindi ko kayang ibigay ay puwede kong ibigay na hindi niya maibibigay. Charot!"


HURTING. At one point, inamin ni Alex sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nasasaktan din siya sa mga paratang na ito.

"Noon, nasasaktan ako, ngayon ay hindi na.

"Mas masasaktan siguro ako kapag management ang magsabi sa akin niyan.

"Pero kung ibang tao lang naman, pakonti-konting tao ang nagsasabi nun, parang it's part of your job naman.

"So, you don't have to feel bad about it.

"At least, kung ganun ang tingin nila, malakas talaga ang backer ko at hindi ako mawawalan!"

Ano naman ang reaksiyon ng kanyang ate sa intrigang yun?

Mabilis na tugon ni Alex, "Wala, kasi hindi nga naman....

"Para sa amin po, ba't mo naman pagtuuunan [ng pansin] ang isang bagay na wala namang katotohanan?

"Hindi na lang namin 'yan pinapansin.

"Basta ang ate ko ang laging, 'Gawin mo ang trabaho mo, ayusin mo 'yan' o 'hindi na nagre-rehearse...'

"Kasi gusto niya, kahit 2 A.M. ay nagre-rehearse ako, ganyan 'yan.

"'Pag nakikita niyang petiks ako, nagagalit siya."

Stage sister ba si Toni?

Natatawang pambubuking ni Alex, "Oo, may pagkagrabe talaga ang ate ko.

"Sabi niya, 'Lagi ka na lang nanonood sa YouTube.'

"Sabi ko, 'Nanonood ako ng performances ng mga tao.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi niya, 'Hindi, hindi ka nag-aano.'

"Kanina lang, bago pa ako umakyat dito [presscon venue], pinagalitan pa ako niyan sa dressing room, magkatabi kasi kami."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN