Edu Manzano stays out of Luis-Angel relationship; hesitant about Luis’s political plans

Edu Manzano on son Luis’s plan to enter politics: "I’m never against politics. Kung gusto niya, it’s up to him. My son is capable of doing anything he wants in his life, kaya lang there are always sacrifices."


Hindi raw pakikialaman ni Edu Manzano ang magiging desisyon ng anak na si Luis Manzano kaugnay ng relasyon nito sa aktres na si Angel Locsin.

Usap-usapan kasing malapit na raw magpakasal sina Luis at Angel.

Pahayag ni Edu, “Bahala siya sa buhay niya.

"Ang magulang ay hindi dapat nakikialam sa anak nila pagdating sa pag-ibig.

"First and foremost, nasa tamang edad na siya. You know, he’s 33 already.

"I think he has his priorities and ganun din ang babaeng kanyang napupusuan ngayon.

"Ang ganda ng takbo ng kanyang career. I’m very, very happy for him.

"The network is really taking good care of him."

Dagdag ng TV host-actor, "People are talking about getting married, but it also demands a lot of sacrifice, maaaring maging distraction also.

"I think, in time.

"Children today, I might say, are more pragmatic, mas iniisip nila ang kinabukasan.

"They already see how relationships can come and go.

"It will be best to be prepared for that moment when they decide to actually take the big step.

"I will support him in whatever they decide, but I’m just trying to read them, gusto ko silang basahin.

"Pero siguro, hindi ko sila dapat basahin.

"Sabihin na natin, my son has become astute pagdating sa negosyo..."

Nalaman din ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula kay Edu na maayos pa rin ang pakikitungo nila sa isa't isa ng ex-girlfriend ni Luis na si Jennylyn Mercado.

Sabi ni Edu, “We’re friends, actually she became my friend.

"Every time kami na nagkikita, kahit sa labas na kasama niya ang mommy niya, nagbabatian kami."


LUIS IN POLITICS. Tungkol naman sa balitang pagpasok sa pulitika ni Luis, hindi itinago ni Edu na may pag-aalinlangan siya tungkol dito.

Saad ng dati ring pulitiko, “I’m never against politics. Kung gusto niya, it’s up to him.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"My son is capable of doing anything he wants in his life, kaya lang there are always sacrifices.

"Nung ako pumasok sa gobyerno, itinigil ko ang pelikula, itinigil ko ang teleserye.

"Wala na ako sa gobyerno, I’m free to do as I choose."


DEATH THREATS. Noong nasa gobyerno pa si Edu, naging chairman siya ng Optical Media Board (OMB).

Noong nakaraang taon ay naging malaking balita ang alitan sa pagitan nila ng nasuspindeng OMB chairman na si Ronnie Ricketts.

Pinaghihinalaan kasing may kinalaman diumano si Edu sa pagkakatanggal ni Ronnie sa puwesto.

Umabot pa nga sa punto na nakakatanggap diumano ng death threats si Edu.

Ngunit diin ni Edu, “Wala kaming pinagdaanan, nagkataon lang na nasuspinde siya.

"I don’t know kung sino ang kanyang mga so-called advisers, kung bakit niya sinabi na mayroon akong kinalaman dun.

"Hindi ko kayang impluwensiyahan ang Ombudsman, everything is based on evidence.

"Yung sa kanya, he’s suspended based on the evidence presented by the field investigation office ng Ombudsman.

"Wala kong kinalaman dun. Naging personal lang nung may mga ano... death threats sa akin.

"Sabi ko, 'You know, I don’t think he knew what he was doing, he has too much on his plate.'

"Natigil lang mga death threats nung nasuspinde na siya."


OMB ISSUES. Tiniyak din ni Edu na wala siyang balak na bumalik pa sa puwesto bilang OMB chairman.

"No more na, I served faithfully for six years, tama na yun.

“Sometimes gusto kong makialam at sulatan ang ating Executive branch na mag-appoint naman sila.

"Hindi naman kailangang artista. Kailangan isang abugado, yung nakakaintindi ng batas.

"Hopefully, soon they will appoint somebody na, at least, puwedeng harapin ang lumalaking problema na naman [sa piracy].

“Natanggal na natin noon, 'tapos ang nangyari dun… sa mga areas, nawala sa kalye, sidewalks.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero pumasok na sa building, ginawang lehitimo ngayon."

Saad pa ni Edu, “To be honest, it was very, very sad, lalo na kasi dun sa nangyari kay Ricketts.

"Pati yung ibang mga dedicated na employees ng OMB, nadamay din sa naging kaso niya.

"After how many years of service, it’s possible that they might be losing their jobs at lahat, their benefits will be forfeited.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN