Revilla spokesman lambasts PNP for “overacting” investigation on Jolo’s gunshot incident

Wiling daw makipagtulungan ang pamilya Revilla sa imbestigasyon kaugnay ng pagkabaril ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla sa sarili, pero hindi raw nila makita ang punto kung bakit nag-organisa pa ang Philippine National Police ng task force para rito.


Inalmahan ng spokesperson ng pamilya Revilla ang diumano’y kuwestiyonableng atensiyon na ibinibigay ng Philippine National Police (PNP) sa kaso ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla, na aksidente umanong nabaril ang sarili noong Sabado, February 28.

Sa ulat ng Aksyon ng TV5 ngayong gabi, March 4, sinabi ni Atty. Raymund Fortun na "overacting" ang pag-oorganisa ng task force para imbestigahan ang insidente.

“Kung bakit magkakaroon ng task force over something like this...

"‘Di ba, dapat magkaroon sila ng task force sa Mamasapano, hindi yung dito sa Jolo Revilla?

“Sorry, ha, pero medyo OA [overacting] yata yung kung sino man ang nagbigay ng utos na ‘yan.

“There’s no need for a task force here.

"It’s a private matter, nangyari sa loob ng bahay, walang ibang mga taong involved.

"Iisa lamang ang nasaktan, yung mismong biktima, kung sino ang kumalabit."

Iginiit ni Atty. Fortun na handa silang makipagtulungan sa isinasagawang imbestigasyon, ngunit hindi raw nila makita ang punto ng naturang imbestigasyon.

Kasabay ito sa pag-turnover ni Atty. Fortun sa Glock 40 caliber pistol, ang baril na ginamit ni Jolo, sa Muntinlupa City Police ngayong araw, March 4.

Saad pa ng abugado, “In any case, hindi naman itinatanggi ni Jolo Revilla na siya yung kumalabit ng baril, e.

"So, what’s the purpose of the paraffin test?"

Giit pa niya, “Wala pong krimen na suicide. Hindi po krimen ang suicide.

"Hindi rin po krimen ang depresyon, hindi rin po krimen ang accidental discharge."

Sa hiwalay na panayam naman sa malapit na kaibigan ng pamilya na si Portia Ilagan, sinabi nitong nakakaranas ng trauma at tumaas daw ang presyon ni Jolo dahil sa araw-araw itong kinakatok ng mga pulis sa kuwarto nito sa ospital.

Dagdag pa ni Portia, bahagyang sumigla na raw si Jolo matapos ang pagbisita ng ama nitong si Senator Bong Revilla kahapon, March 3.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa Biyernes, March 6, isusumite ni Jolo at ilan pang mga kasamahan nila sa bahay ang kanilang affidavit tungkol sa nangyaring insidente noong Sabado.

LATEST MEDICAL UPDATE. Samantala, sa inilabas na pinakabagong medical bulletin ng Asian Hospital and Medical Center ngayong hapon, hindi na raw nangangailangan ng agarang atensiyon si Jolo pero hindi naman daw ibig sabihin nito ay wala na sa peligro ang actor-politician.

Dagdag pa sa medical update, bahagya raw nag-collapse ang baga ni Jolo dahil sa tagos ng bala.

Tinamaan din ito ng pneumonia at may bali sa ikalima at ikaanim na kanang tadyang.

Mayroon din daw hangin at dugo sa chest cavity nito.

Sa kabilang banda, hindi na raw hihilingin ni Senator Bong sa Sandiganbayan na muling mabisita ang anak sa ospital.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN