Judy Ann Santos admits “maliit na tampo” with ABS-CBN

Judy Ann Santos will be paired with Richard Yap for the first time via the upcoming ABS-CBN series Someone To Watch Over Me.


Inamin ni Judy Ann Santos na nagkaroon siya ng maliit na tampo sa ABS-CBN management kamakailan.

“Yung tampo naman with ABS-CBN, come and go naman siya, 'di ba?” sabi ni Judy Ann nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters sa press conference ng bago niyang teleserye, ang Someone To Watch Over Me, nitong Miyerkules, March 5.

Ayon sa ulat ni Reggee Bonoan sa Balita, na lumabas noong March 26, nagsimula ang pagtatampo ni Judy Ann nang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan niya at ABS-CBN sa huling bahagi ng pagtratrabaho niya para sa reality show na Bet On Your Baby.

Sa presscon kahapon, tumanggi nang magbigay ng detalye ang actress-TV host tungkol sa isyu.

Paliwanag niya, “Bilang artista at nagtatrabaho sa kanila, ako ay isang empleyado lang.

"May pagkakataon na hindi mo maiiwasan na magkaroon ka talaga ng tampo sa mga boss mo.

“Pero lahat naman 'yon naaayos kapag napag-uusapan.”

Dagdag niya, “Yes, nagkaroon ng tampo, pero maliit lang.

“Maliit na bagay na napag-usapan din naman namin after a while.”

Para kay Judy Ann, natural lamang ang magkaroon ng tampo sa trabaho.

Saad niya, “Ganun lang din naman talaga kami.

“Siguro may mga pagkakataon na dumarating yung time na 'yon para maging open kayo sa isa't isa at kung ano yung puwedeng 'di na maulit sa susunod.

“Maliit lang. It's still part of work. It's still part of me with ABS-CBN.”

Hindi naman daw nagtagal ang pagtatampo ni Judy Ann sa management ng Kapamilya network.

Sabi nga niya, “Obviously, we're okay now. We have projects coming.

"May mga bagong proyektong puwedeng maluto along the way.

“Ano lang 'yon, paano ko ba sasabihin...

"Wala namang isyu sa trabaho. It's the relationship, basically."

NEW TV PROJECT. Dahil naayos na ang maliit nilang tampuhan, matutuloy na ang teleseryeng gagawin ni Judy Ann kasama si Richard Yap, ang Someone To Watch Over You.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

First time na-meet ni Judy Ann ang kanyang leading man sa story conference ng kanilang teleserye kahapon.

Ayon sa aktres, "Siyempre, nandoon yung paano ko ba sisimulang makipag-usap.

“Kilala ko naman si Richard Yap by Be Careful [With My Heart] and Papa Chen.

“So, I'm also excited to know him better, kasi we will be working with each other twice or thrice a week.

“Wala naman akong masyadong takot, kasi feeling ko naman, hindi siya nangangagat.”

Paano naman kaya mabubuo nina Judy Ann at Richard ang chemistry nilang dalawa?

Sagot ng young superstar, “Ako, I believe that chemistry just happens, e.

“It happens through friendship. It happens through working with each other over time.

“We will work for it.

"But I guess, hindi masyadong matindi, kasi baka kapag tinindihan namin, maging seryoso ang dating namin sa isa't isa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN