Rap Fernandez shocked over Jolo Revilla’s gunshot incident

Rap Fernandez on reports that Jolo Revilla tried to commit suicide: “Parang hindi ko nga ma-imagine kaya ako nagulat. Kasi, yung impression niya sa akin, generally, stable naman siya at saka malakas naman siyang tao. Sana magpatuloy siyang maging malakas despite this, he’ll get stronger after this happened.”


Bilang malapit ang kanilang pamilya sa pamilya Revilla, tinanong si Rap Fernandez kung ano ang masasabi niya sa nangyari kay Cavite Vice Governor Jolo Revilla.

Nagulat daw siya nang mabalitaang naospital si Jolo dahil sa diumano’y aksidenteng pagkakabaril nito sa sarili.

Sabi ni Rap, “Oo naman! Sino ba hindi, ‘di ba?

“Parang ano yun, e, shock of the shock.

“Hindi ko ini-expect na ganun, e.”

Ano ba ang pagkakakilala niya kay Jolo?

Ayon kay Rap, “Parang ang dating niya sa akin, ang lakas niya, ‘di ba? Si Gov, ‘di ba… Vice.”

Ano ang ibig niyang sabihin sa sinabi niyang hindi niya “ini-expect” ang nangyari kay Jolo?

Paliwanag ni Rap, “Actually, hindi ko masasabi, kasi hindi ko alam kung ano ang nangyari talaga.

“Wala naman ako dun. Wala akong forensic evidence.

“So, wala akong conclusion na puwedeng gawin, aside sa testimony ni Nay Lolit [Solis], testimony ng family through the lawyer... ang dami na nun, through the media na.”

Pero mas kapani-paniwala ang testimonya ni Lolit?

Sagot ni Rap, “May tiwala kasi ako kay Nay Lolit.

“I don’t wanna make conclusion and, you know, I just hope that he [Jolo] gets out of it alive and, alam mo yun, without disability.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng kinabibilangan niyang primetime series sa GMA, ang Pari Koy, noong March 2.

THE OTHER ANGLE. Naniniwala ba siya sa anggulong nagtangka diumanong magpakamatay si Jolo?

Saad ni Rap, “Parang hindi ko nga ma-imagine kaya ako nagulat.

“Kasi, yung impression niya sa akin, generally, stable naman siya at saka malakas naman siyang tao.

“Sana magpatuloy siyang maging malakas despite this, he’ll get stronger after this happened.”

Bilang magkaibigan, may mga pagkakataon bang nakakapag-usap at nakakapaglabas ng anumang saloobin si Jolo sa kanya?

“Hindi kami masyadong nag-aano… basta alam namin, yung family namin, magkakampi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ganyan… maraming pinagdaanan in the past, may history.

“Kasi, bata pa kami, magkakasama na kami.

“Pero mas close ako kay Bryan,” pagtukoy ni Rap sa panganay na kapatid ni Jolo.

Plano rin daw ni Rap na dalawin si Jolo sa hospital kapag puwede na itong tumanggap ng mga bisita.

LT'S LOVELIFE. Sa kabilang banda, kung si Rap daw ang masusunod, ayaw na niyang magkaroon ng panibagong karelasyon ang kanyang ina na si Lorna Tolentino.

Halos pitong na ang nakalilipas mula nang pumanaw ang ama ni Rap na si Rudy Fernandez noong 2008.

“Ayoko na. Wala na rin naman siyang balak, okey na yun,” sagot ni Rap nang tanungin kung pabor ba siyang magkaroon ulit ng boyfriend ang kanyang ina.

Bakit ayaw niyang magkaroon pa ng karelasyon ang mama niya, gayong si Zsa Zsa Padilla ay nakahanap ng bagong mamahalin ilang taon pagkatapos namayapa ang Comedy King na si Dolphy?

Sabi ni Rap, “Puwede siguro, pero hindi ko ma-imagine.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN