Bangs Garcia on why she stopped dating Phil Younghusband: “He’s too laidback for me.”

Bangs Garcia admits that she and Phil Younghusband lack chemistry that’s why they didn’t end up together. However, Bangs says about Phil: “Pero sobrang bait niya. I think he’s the nicest guy na na-date ko.”


“We stopped dating last year pa, end of November. We’re just better off as friends.”

Ito ang paliwanag ni Bangs Garcia nang tanungin tungkol sa kinahinatnan ng pagdi-date nila ng Azkals football player na si Phil Younghusband.

Dagdag pa ng sexy actress, “One thing I’ve learned in 2014, it doesn’t mean that if both of you are nice in a relationship, you’re gonna work out as a couple.

“Sometimes, you’re just really better off as friends.”

Anim na buwan daw silang exclusively dating ni Phil, pero nagdesisyon silang maging magkaibigan na lang.

Saad ni Bangs, “We tried, but mas okay kaming friends, e.

"You have to have that real chemistry.

"Kailangan maging in sync kayo sa maraming bagay, so siguro hindi lang talaga kami siguro in sync."

Ngunit nilinaw ni Bangs na walang third party sa kampo man niya o ni Phil.

“Hindi naman seloso si Phil.

“Actually, si Phil is a very nice guy. Sobra-sobrang bait.

“We were exclusively dating, and when I date someone, I just date one guy. One-man woman ako."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang piling miyembro ng press si Bangs sa contract signing niya sa Viva Entertainment, Inc., ngayong Huwebes ng hapon, March 5.


WHY IT DIDN’T WORK OUT WITH PHIL. Pagkatapos ng presscon proper, nilapitan ng PEP si Bangs upang usisain pa tungkol sa kanila ni Phil.

Sa anim na buwan na pagdi-date nila, hindi ba talaga ito nauwi sa pormal na relasyon?

“No, never kaming naging committed,” sabi ng aktres.

Cultural differences ba ang dahilan?

“Siguro, partly culture differences.

"Pero, I think, he’s too laid back for me.

"Ako, strong yung personality ko.

“Pero sobrang bait niya. I think he’s the nicest guy na na-date ko.

"So, akala ko nung 2014, ‘Ay! Mabait ito, sige ipu-push ko ‘to.’ Pero hindi pala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kailangan makuha mo yung spark na 'yon, yung chemistry.

“Hindi puwede yung mag-boyfriend kayo na biglaan na 'di niyo naman nararamdaman dahil pinagpilitan.

“So, mabuting as early as possible, napag-usapan na naman para hindi mas masakit.”


NEW INSPIRATION. Inamin naman ni Bangs na mayroon siyang bagong inspirasyon ngayon, isa ring half-British ngunit negosyante naman.

“Na-meet ko siya sa Boracay, unexpectedly, we clicked so much!” natatawang pagbabahagi ni Bangs.

“Para kaming mag-best friends, so let’s hope for the best.

“It’s long-distance.”

Hindi ba siya nababahala na magkalayo sila sa isa't isa?

“It’s okay, I’ll be busy naman, e.

“I just wanna be inspired, so darating naman siya dito next month.”

Isang buwan daw mananatili sa bansa ang lalaki bago lumipad uli sa London.

Kinumpirma ni Bangs na plano ng bago niyang inspirasyon na magpabalik-balik sa Pilipinas.

“Yun ang plano niya.

"Businessman siya, 'di ba? So, he owns his time.

“Yun ang advantage, 'tapos property development, 'yon...

"So, puwede niyang dalhin ang business niya dito and he’s actually planning [to do that].”

ENRIQUE GIL. Natawa naman si Bangs nang tanungin kung may katotohanang nililigawan siyang muli ni Enrique Gil, na minsan nang na-link sa kanya.

“Wow, grabe! Ang tagal na ng isyu na ‘yan. Sobrang tagal na.

“Bakit bumabalik ang isyu na ‘yan?” balik-tanong pa ng aktres.

Gayunpaman, kinumpirma ni Bangs na may komunikasyon pa sila ni Enrique, ngunit itinangging nanliligaw ito sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN