Sef Cadayona on FHM cover of Andrea Torres: "Wow! Wow! Wow!"

Sef Cadayona is happy that he finally gets to showcase his comic talent in his new show, Sabado Badoo, which he co-host alongside Betong Sumaya. He says, “I think napansin naman po iyon ng mga tao sa Bubble Gang. Kasi lagi kaming nagkakaroon ng sketches together, e.”


“Usually, mga past videos, past incidents, past news, ipapakita ulit namin.

"'Tsaka yung mga highlight nun na parang hindi na napansin ng ibang generation kung bakit nagsimula yung shoulder pads, yung mga ganyan-ganyan.

“So ipapakita po naming lahat,” paliwanag ni Sef Cadayona tungkol sa bagong GMA-7 show na Sabado Badoo na compilation ng mga videos na ang iba ay irere-enact nina Sef at Betong Sumaya.

Ito rin ang pinakaunang main hosting stint ni Sef, kasama si Betong Sumaya.

“Siyempre sobrang blessed, unang-una po sa lahat, sa lahat ng boss ng GMA at ng Artist Center, thank you sa pagbibigay ng tiwala sa amin.

“Sa pagbibigay ng opportunity sa amin hindi lang sa Bubble Gang kundi lalo na ngayon dito.

“Kasi parang binigyan na nila kami ng responsibility na magkaroon ng show na dadalhin namin. So thankful,” masaya niyang saad.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sef sa presscon ng Sabado Badoo noong March 5, sa GMA Network Center.

Hindi raw sila magpapatalbugan ni Betong as hosts.

“Kasi una sa lahat ang kailangan namin siguro talagang problemahin sa lahat is yung chemistry namin.

“Iyon po yung lagi naming winu-work. I think napansin naman po iyon ng mga tao sa Bubble Gang. Kasi lagi kaming nagkakaroon ng sketches together, e.

"So imbes na kunwari ako, itago ko yung mga adlib ko, sasabihin ko sa kanya para mag-partner yung mga adlib namin, na magmumukha siyang scripted pero hindi naman,” detalye pa niya.

FRESH CONCEPT. Isang orihinal na konsepto ng GMA, magsisimulang umere ang Sabado Badoo sa March 14 bago ang Pepito Manaloto.

May input rin daw sila ni Betong sa bawat episode ng show.

Kuwento ni Sef, “Usually kasi pagka binibigay sa amin yung mga research items, dinadagdagan po namin.

“And as much as possible, gusto po naming maging hands-on kasi kami rin po yung magde-deliver nung mga sasabihin namin sa show so kailangan din po talaga, parang necessity po na kailangan kaming maging hands-on.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Para at least sa ikagaganda po ng show.”

Mas gusto ni Sef na inililinya siya sa comedy at hosting at hindi sa mga teleserye.

“Well, siyempre po kasi nung after StarStruck naman po, alam na nila na iyon po talaga ang gusto kong gawin dito sa GMA.

“So ngayon na talagang nilagay na nila ako rito e siyempre thankful po ako.”

HAPPY ABOUT ALJUR'S RETURN. Speaking of StarStruck, nagbabalik-Kapuso ang kaibigan niyang si Aljur Abrenica. Bukod sa magkaibigan ay parehong produkto ng naturang artista search sina Sef at Aljur.

Sambit niya, “Siyempre natuwa po ako!”

Hindi pa raw sila nakakapag-usap.

“Pero siyempre magkikita’t magkikita naman kami, so iyon, masaya naman po,” ulit pa niyha.

Napanood daw ni Sef ang guesting ni Aljur last Sunday sa Sunday All Stars.

“Wala po ako sa SAS nung Sunday, nasa summer special po kami ng Bubble Gang. Napanood ko lang po [sa TV].

“Siyempre, I’m happy 'tapos kita naman po sa kanya na hindi naman nawawala yung performance level niya, so ayun,” pahabol pa niya.

ANDREA'S FHM COVER. Hiningan naman namin ng reaksyon si Sef nang una niyang makita ang very sexy FHM pictorial ni Andrea Torres na nali-link sa kanya.

Nagpaalam ba sa kanya si Andrea bago gawain ang naturang pictorial?

“Hindi! Hindi naman niya po ako kailangang pagpaalaman, e.

“Para sa trabaho naman niya po iyon, e. So nung nalaman rin po namin dun sa Bubble Gang, nakita namin yung finished product, ‘Wow! Wow! Wow!’

“So iyon, okay naman po.”

Bago ang pictorial ay walang kaalam-alam si Sef na gagawin iyon ni Andrea. Kailan lang daw niya nalaman.

“Nung lumabas na.”

May kopya raw siya ng naturang men’s magazine.

“Bumili po ako 'tsaka yung kay Max Collins ngayon, bumili rin po ako.”

Si Max ang FHM cover girl for the month of March, si Andrea noong February.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May rason raw kung bakit siya bumili ng kay Max na edition.

“Nandun po ako, e! Binigyan po ako ng magandang-magandang article ng FHM.

“May spread po ako dun sa magazine. About sa future ng young comedians. So ayun po.”

Nag-congratulate raw siya kay Andrea sa FHM pictorial nito.

“Ah, lagi! Sabi ko, ‘Good job!’

“Slight,” ang tumatawang sagot ni Sef sa tanong kung lagi niyang tinititigan ang sexy photos ni Andrea sa FHM.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN