Betong Sumaya not affected by gay issues: “Kilala ko naman po sarili ko.”

Betong Sumaya on speculations about his sexuality: “Siguro po kasi nata-typecast po, kasi yung mga role ko po palagi sa Bubble Gang, either yung Antonietta o bakla. So siguro po kaya naaano [natsitsismis] kasi hanggang ngayon wala, wala pang karelasyon.”


“Wala po akong sinabi,” ang mabilis na reaksiyon ni Betong Sumaya sa tanong namin kung totoo ngang sinabi niyang may relasyon na sina Sef Cadayona at Andrea Torres.

“Wala akong sinabi, wala akong sinabi. Close lang po sila.

“Lahat naman po kami, close po, e,” at tumawa si Betong.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Betong noong Huwebes, March 5, sa GMA Network Center sa presscon ng bagong Kapuso show, ang Sabado Badoo, na eere na sa March 14, bago ang Pepito Manaloto.

THANKFUL. Compilation ito ng mga sari-saring klase ng mga videos na sumikat at pinag-usapan o maaaring nakalimutan na ng tao kaya babalikan ito ng mga hosts na sina Betong at Sef.

First time na magiging co-hosts nina Betong at Sef.

First time din nilang maging main hosts ng isang programa.

“Sobrang blessed po! Parang hindi ko po inasahan kasi marami po kaming nag-audition po, e.

“Siyempre nung audition, first call, bigay mo talaga lahat.

“Pero hindi ko inaasahan na may second call. E, sa second call po, kami na ni Sef yung mag-partner, 'tapos nag-buckle pa ako!

“Sabi ko, ‘Naku hindi ko makukuha ito!’

“Biglang all of a sudden, kami pala ang nakuha! Sobrang laking blessing po ito at hindi ko rin po inasahan na mabibigyan ng chance,” kuwento ni Betong.

GAY ISSUE. Samantala, ano ang reaksyon niya sa isyung kinukuwestiyon ang kasarian niya.

May mga nagsasabi kasing bakla si Betong, at nakarating na raw sa kanya ang balitang iyon.

Pahayag niya, “E, siguro po kasi nata-typecast po, kasi yung mga role ko po palagi sa Bubble Gang, either yung Antonietta o bakla.

“Mas masarap po kasing i-portray po yung role na ganun, e. So siguro po kaya naaano [natsitsismis] kasi hanggang ngayon wala, wala pang karelasyon.”

Hindi ba siya nasasaktan kapag may ganoong tsismis tungkol sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pag-amin niya, “Minsan po. Pero sa akin kasi, alam mo naman po yung, kilala ko naman po sarili ko. Pero minsan kasi yung iba naniniwala, e.

“So sabi ko, ‘Sige kung iyan ang akala niyo.’

“Kasi kahit ano man ang sabihin ko, hindi niyo naman po ako kilala.”

COURTING NON-SHOWBIZ GIRL. Walang karelasyon si Betong ngayon. Noon nga ay marami ang nagtaka kung bakit hindi sila nagkatuluyan na magkaroon ng relasyon ni Maey Bautista.

Sila kasi ang magka-tandem noon sa Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown, kung saan si Betong ang nanalo.

Sa ngayon ay may nililigawan raw si Betong na babaeng hindi taga-showbiz.

Sabi niya, “Hindi ako makapasa po, e. Ayaw nila sa akin, e.

“Mataas po standards nila.”

Hirit ng reporters: "E, artista naman siya, e."

Sagot ni Betong, “Yun nga po ang, pag nakikita po ako, hindi daw po ako mukhang artista."

Matagal na ba siyang nanliligaw sa babaeng ito?

“Marami po sila, e! E, kasi pagkatapos ng isa, 'di siyempre kailangan move on,” lahad niya.

Puro raw hindi taga-showbiz ang nililigawan niya.

SHOWBIZ CRUSH. Pero sa showbiz, ang crush niya noon pa man ay si Marian Rivera.

“Pero crush lang,” at tumawa si Betong.

Alam ba ni Marian na crush niya ito?

“Naku malalaman niya po ngayon, nakakahiya naman po sa kanya.”

Nakatrabaho na niya si Marian dati sa Tweets For My Sweet.

Bago pa man raw sila nagkasama ni Marian sa naturang show ay crush na niya ang Kapuso Primetime Queen.

“Matagal na po. Sino ba po ang hindi magkaka-crush kay Ms. Marian?”

Hanggang ngayon raw, kahit kasal na si Marian kay Dingdong Dantes ay crush pa rin niya ito.

PREFERS COMEDY. Pang-apat na show ni Betong ang Sabado Badoo sa GMA/ Kasalukuyang umeere ang Bubble Gang, Once Upon A Kiss, at Ang Pinaka (sa GMA News TV).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mas gusto raw niya ang mag-comedy kaysa mag-host.

“Kasi sa comedy, ang dami niyong role na puwedeng gawin, e.

“Pero siyempre malaking challenge din po ito [Sabado Badoo] kasi dito po, madami din kaming characters na pino-portray.”

Orihinal na konsepto ng GMA ang Sabado Badoo at hindi franchise mula sa ibang bansa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN