Jake Vargas, Yassi Pressman saddened by Jam Sebastian’s death

Jake Vargas and Yassi Pressman expressed their grief over Jam Sebastian’s death. The two young stars portrayed the popular YouTube couple Jamich in an episode of Magpakailanman, and have since been avid followers as well.


Hindi maiwasang malungkot ni Jake Vargas sa pagpanaw ni Jam Sebastian.

Matatandaang si Jake ang gumanap noon bilang Jam sa isang episode ng Magpakailanman kunsaan na-feature ang popular YouTube teen couple na nabansagang JaMich.

Ayon kay Jake nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Walang Tulugan with the Master Showman last March 06, 2015, sa GMA Annex Studio 6, “Nalungkot ako nang mabalitaan ko na namatay na si Jam, matagal-tagal din kasi siyang nakipaglaban sa sakit na cancer.

“Naalala ko nga yung mama ko, kasi katulad ni Jam, may cancer din siya, at five years din siyang nakipaglaban. Pero ang ending, nawala din siya.

“Kaya nga alam kong sobrang sakit yung naramdaman nung mga taong naiwan ni Jam, dahil ganun din yung naramdaman ko nung nawala yung mama ko.

“Kahit nga hindi kami ganun magkakilala ni Jam at minsan lang kami nagkita, alam ko at naramdaman ko na lumalaban siya sa kanyang sakit.

“Alam naman natin na ang cancer, sakit pang-mayaman 'yan—yung akala mo na magaling ka na at wala na, hindi mo alam bumabalik pala.

“Nakakabilib nga si Jam kasi lagi ko noon nakikita sa post niya sa Instagram na kaya niya yung laban niya.

“Pero yun nga, bandang huli, ganun talaga—it's either maka-survive ka or mawala ka. Siguro may plan at may reason si Lord kung bakit ganun."


Gusto sana ni Jake na bumisita sa wake ni Jam.

Pakli niya, “Siyempre naman gusto ko ngang pumunta agad.

“Gusto ko kasing makiramay din sa mga naiwanan ni Jam like yung mommy niya [Mommy Maricar], yung brother niya [Yexel], yung girlfriend niya [Mich].



MESSAGE. Kung hindi man siya makarating, nag-alay si Jake ng kanyang mensahe bilang pakikiramay sa pamilya.

“Be strong. Acceptance. Kasi kailangan nila matanggap na wala ni Jam na nasa tabi na siya ni Lord.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Para maging masaya din siya doon at tuluy-tuloy lang ang buhay kahit wala na siya.

“Ganyan lang naman kasi yun. Sa umpisa, sobrang sakit talaga. Pero later on, mawawala na rin yung sakit lalo na pag iisipin mo na na kay Lord na siya at wala nang nararamdamang pain sa katawan at masaya na rin siya sa piling ng Diyos,” pahayag ni Jake.

YASSI PRESSMAN. Sa kabilang banda, hindi naman daw naiwasang maiyak ni Yassi Pressman nang makarating ang balitang patay na si Jam.

Gaya ni Jake, minsan din niyang nakasama sina Jam at Mich dahil siya ang gumanap na Mich.

Ayon kay Yassi nang makausap namin sa presscon ng Wattpad Presents: My Fiance Since Birth na ginanap sa TV5 Media Center, Reliance, Mandaluyong, “Nabigla ako at naiyak nung makarating sa akin yung balita.

"Tumahimik talaga kami kahapon nang malaman namin yung balita.

“Ang hirap nung laban na pinagdaanan ni Jam for almost a year.

“Nung ginagawa namin yung life story nila [Jam and Mich] sa Magpakailanman, naramdaman ko yung sobrang pain na nararamdaman ni Mich.

“Tinext ko nga si Direk Miggy [Tanchanco] dahil naging choreographer din siya ng JaMich before, at gumawa pa ng charity event for him.

“Nakaka-sad kasi alam mo lumalaban talaga siya para mas humaba pa yung buhay niya."



LAST ENCOUNTER WITH JAMICH. Kailan huling nakita ni Yassi sina Jam at Mich?

Sagot niya, “Ang tagal na, after kasi naming gawin yung love story nila, hindi ko na sila ulit nakasama pa.

“Puro balita na lang, siyempre pina-follow ko sila sa Instagram, kaya nakakabalita ako sa kanila on what's happening.

“And that time kasi, hindi ko rin siya kayang makita sa ganung sitwasyon.

"Kasi natatakot ako kasi nagpa-flashback yung nangyari sa friend ko at hindi ko talaga maiwasang maiyak at malungkot dahil pareho ng case.

“Kaya nga nung pinortray ko yung role ni Mich, nasaktan talaga ako ng ilang araw dahil naaalala ko yung friend ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nung taping nga namin, umiyak ako sa direktor namin kasi parang 'di kayang mag-taping that day kasi nung araw na yun namatay yung friend ko na may cancer.

“Kaya until now, takot pa rin ako 'pag may nababalitaan akong may cancer 'tapos kilala ko."

Balak pumunta ni Yassi sa wake ni Jam.

“Oo, sana mabigyan ng pagkakataon.

“Alam kong may phobia na ako 'pag nalalaman kong cancer ang dahilan ng pagkamatay, pero dadaan kami, magpi-pray para kay Jam."



ADVICE TO MICH. Ano naman ang mensahe ni Yassi para kay Mich?

“Tandaan na lang niya na Jam is in a better place right now.

“Wala na siyang mararamdaman na pain sa heaven, wala nang hirap.

“Be strong and accept what happened, kasi tuloy lang ang buhay,” payo niya.

SONG FOR JAMICH. Bago binawian ng buhay si Jam ay isang awitin ang inialay ng isa sa mga miyembro ng teen boyband na Upgrade na si Armond Bernas.

Ayon kay Armond, nabuo niya ang kantang “Ikaw Lang at Ako” dahil na rin sa na-inspire ito sa kuwento ng pag-iibigan nina Jam at Mich.

Nanghihinayang lang si Armond at ang kanyang grupong Upgrade dahil hindi nila nagawang kantahin ito bago bawian ng buhay si Jam.

Last March 2 lamang nito natapos ang nasabing kanta at na-post sa YouTube ang video na patuloy na tumataas ang views at likes. Nag-trending din ito sa Twitter.

Dahil hindi siya nakabisita sa ospital, balak daw ni Armond na pumunta na lang sa burol ni Jam at kung papayagan ay doon niya iaalay ang kanyang awitin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN