Miguel Tanfelix surprises loveteam partner Bianca Umali with a watch for her birthday

Miguel Tanfelix on his birthday gift to loveteam partner Bianca Umali: “Maliit na bagay lang po iyong regalo na iyon kay Bianca. Ang importante naman ay happy siya at napapaligiran siya ng mga nagmamahal sa kanya.”


Noong nakaraang March 2 ay birthday ng ka-lovetam ni Miguel Tanfelix na si Bianca Umali.

Nagkaroon daw ng swimming party si Bianca at naroon ang pamilya, mga kaibigan at pati na rin ang cast ng teleserye nilang Once Upon A Kiss.

Niregaluhan ni Miguel ang kanyang leading lady ng isang Fossil wrist watch na pinost pa ni Bianca sa kanyang Instagram account.

Heto pa ang nilagay na caption ni Bianca sa pinost niyang photo:

“A gift I received from someone I have the same nose with.. Myti... @migueltanfelix_ thank you! Not only for this, but also for the surprises you never fail to prepare and for always making me smile.”

MALIIT NA BAGAY.” Naka-receive nga ng 2,463 likes ang photo at 124 comments naman ang natanggap nito mula sa kanilang mga fans.

“Maliit na bagay lang po iyong regalo na iyon kay Bianca.

“Mahilig po kasi siya sa mga relo kaya yung ang alam kong ikatutuwa niyang matanggap na regalo.

“Ang importante naman ay happy siya at napapaligiran siya ng mga nagmamahal sa kanya.

“Siyempre, kasama na po ako roon sa malaki ang concern parati kay Bianca.

“Gusto ko po ay lagi siyang masaya at alam naman niyang nandito ako parati kapag kailangan niya ng isang kaibigan,” pagtatapat ni Miguel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN