Niño Muhlach on Jam Sebastian: "Sa pagkakakilala ko sa kanya, kalog pero magalang."

Niño Muhlach recalls the first time he met Jam Sebastian: “Nagkakilala kami when I brought my kids, Sancho and Alonzo, to Yexel’s Museum [located in Pillar Village, Las Pinas City]. Nagkataon nung dumalaw kami, nandun sina Jam at Mich. They were very accommodating," says Niño who attended the Mass for the deceased YouTube sensation at Loyola Memorial Park last night, March 7.


Isa si Niño Muhlach sa daan-daang nagpaabot ng pakikiramay sa huling gabi ng lamay para kay Jam Sebastian, Sabado ng gabi, March 7.

Si Jam ang yumaong YouTube sensation, na sumikat dahil sa viral online videos nila ng kanyang real-life sweetheart na si Mich Liggayu.

Pumanaw si Jam matapos ang halos isang taong pakikipaglaban sa stage four lung cancer noong Miyerkules, March 4.


Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ibinahagi ni Niño kung paano niya nakilala si Jam at kapatid nitong si Yexel Sebastian noong 2013.

“Nagkakilala kami when I brought my kids, Sancho and Alonzo, to Yexel’s Museum [located in Pillar Village, Las Pinas City].

“Nagkataon nung dumalaw kami, nandun sina Jam at Mich. They were very accommodating.

“Tapos yun, naging magkakaibigan kami,” balik-tanaw ni Niño .

Madaling nakagaanan ng loob ni Niño si Jam dahil pareho silang mahilig magpatawa, lalo na kapag kasama ang kanilang mga kaibigan.

“Sa pagkakakilala ko sa kanya, very down-to-earth, kalog, palabiro pero magalang,” dagdag pa ni Niño.

Kuwento pa ni Niño, siya ang nagrekomenda kina Jam at Mich na sumailalim sa Viva talent management.

“Actually, ako ang nag-recommend sa kanila sa Viva kasi I was supposed to direct a project for them sa Viva TV.

“Kaso nung time na pumirma sila [ng kontrata], yun na yung time na nagkaroon siya [Jam] ng sakit.”

Matatandaang March 2014 nang unang isapubliko ni Jam ang tungkol sa kanyang malubhang karamdaman.

Naalala pa ni Niño na medyo nagtampo pa siya kay Jam ilang linggo bago nakumpirma ang tungkol sa stage four lung cancer ng 28-year-old YouTube sensation.

“Actually, nung birthday ni Alonzo [February 22, 2014], nung ininvite ko siya medyo nagtampo pa ako.

“Sabi ko, ‘Pare, bakit hindi ka nakapunta?’ Yun pala yun na yung time na nagkakasakit na siya.

“Pero hindi pa niya alam [nun]. Nalaman niya siguro after two weeks ng birthday ni Alonzo,” lahad ng beteranong aktor

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bagamat ikinalungkot ni Niño ang pagpanaw ni Jam, naniniwala ang beteranong aktor na masaya at wala na itong nararamdamang anumang sakit sa piling ng Panginoong Diyos.

Nagpaabot din si Niño ng pakikiramay para sa naiwang pamilya ni Jam, kabilang na ang ina nitong si Maricar at kapatid na si Yexel.

Sabi niya, “Alam ko nandiyan pa rin si Jam sa tabi niyo.

“Kahit maiksi yung naging buhay ni Jam, sa dami ng ginawa niya at sa dami ng pagmamahal na kanyang ipinundar, mananatili yung pagmamahal na yun panghambangbuhay sa inyo.”

Hiling din ni Niño na manatiling matatag ang naiwang fiancée ni Jam na si Mich.

"And kay Mich, siyempre masakit talaga 'yan, but I'm sure hindi siya pababayaan ni Jam. I'm sure Jam will guide her sa future niya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN