X-Factor Israel winner Rose Fostanes hailed as ambassador of goodwill

X-Factor Israel first season grand winner Rose Fostanes has been hailed as an ambassador of goodwill by Israeli Ambassador to the Philippines Effie Ben Matityau. “She has a very special story—a caregiver who, from a very humble position, became a superstar. She is a phenomenon and an ambassador of goodwill,” according to Matityau.


Maituturing isang ganap na celebrity si Rose Fostanes, ang Pinay caregiver na nakilala hindi lamang sa Israel kundi sa buong mundo dahil sa pagkapanalo niya sa first season ng X-Factor Israel noong nakaraang taon.

Sa isang VTR interview kay Rose ng Myx Channel, ikinuwento ni Rose na kapalit naman ng kanyang kasikatan ay ang pagkawala ng kanyang privacy.

Ayon kay Rose, “May mga ginagawa ako noon na hindi ko na puwedeng gawin ngayon. Kumbaga may limit na [ako].

“Lalo na ang patience ko. Kailangan laging kontrolado.

“Imbes na lalabas ako sa umaga, gabi na ako nakakalabas para konti lang ang makakilala sa akin.

“Yung dating ten minutes lang na nagagawa ko ay umaabot na ng thirty minutes kasi ang daming gustong magpa-picture sa akin.

“Masaya naman kasi, natutuwa rin ako sa attention na binibigay nila sa akin.”

HOMECOMING. Kailan lang ay nasa bansa si Rose at naging special guest siya sa Embassy of Israel para sa Thank You Philippines Friendship Concert sa Music Museum na parte ng Philippine International Jazz and Arts Festival.

Nag-perform din siya sa Cultural Night show ng Philippine Jazz International Festival sa Century City Mall sa Makati City noong nakaraang February 23.

STRUGGLING YEARS. Malaki na nga raw ang pinagbago ng buhay ni Rose simula noong manalo siya sa The X-Factor Israel. Pero nagbabalik-tanaw pa rin siya sa kanyang naging buhay noon sa Tel Aviv bilang isang Overseas Filipino Worker noong 2008.

Hindi nga lang daw siya isang caregiver, kundi tumanggap din siya ng trabaho na maglinis ng mga bahay.

“There are Israelis na walang time maglinis ng mga bahay nila. Kaya isa ako sa mga kinukuha nila para maglinis.

“Since everything pays well abroad, I took other jobs in my spare time so I can save up for the future,” kuwento niya.

Naging lead singer si Rose ng isang banda at nagse-set sila sa isang maliit na bar sa Tel Aviv. Kasama sa repertoire ni Rose ang mga awitin nina Rihanna, Cher, Katy Perry, Lady Gaga at ang Pinoy glam-rock band na Aegis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nauwi nga ang lahat sa pag-audition niya sa The X-Factor Israel and the rest, as they say, is history.

RECORDING. Nakapag-release na nga pala si Rose ng kanyang single sa Israel titled “Walk Away” na naging maganda ang pagtanggap.

“Okey naman ang sales nung single ko. Pero karamihan kasi ay gusto nila ng mga Hebrew songs.

“Gusto nilang mag-record ako ng isang Hebrew song. Medyo nahihirapan lang ako na mabigkas ang ilang words nila.

“Kaya may papasukan ako na isang local school para maging maayos ang pagbigkas ko ng Hebrew,” detalye pa niya.

BUSY WITH TOURS. Hindi pa nga masabi ni Rose kung kailan lalabas ang kanyang debut album dahil sunud-sunod daw ang kanyang biyahe para mag-perform sa iba’t ibang bansa. Kelan lang daw ay nanggaling siya ng U.S., Australia at dito sa Pilipinas.

Kapag natapos na raw ang album niya, gusto niyang magkaroon ito ng malaking launch sa Pilipinas.

CELEBRITY PERKS. Dahil sa pagiging celebrity na ni Rose sa Israel, hindi na niya inaalala ang pag-renew ng kanyang work visa.

Binigyan siya ng Israeli government ng permiso na i-renew anytime ang kanyang visa na isa na ngang foreign expert visa na.

AMBASSADOR OF GOODWILL. Hindi na nga raw siya pinapayagang magtrabaho bilang isang caregiver sa Israel dahil sa estado niya ngayon.

Si Rose din ang pinili ng Israeli Ambassador Effie Ben Matityau na maging tulay sa pagitan ng Israel at Pilipinas na manatili ang maayos na pagkakaibigan ng dalawang bansa.

Sabi ni Matityau, “Rose Fostanes works as a singer in Israel. She has a very special story—a caregiver who, from a very humble position, became a superstar. She is a phenomenon and an ambassador of goodwill.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN