Nina has forgiven Nyoy Volante, but vows never to work with him again

Nina on former boyfriend Nyoy Volante and the money that he still owes her: “Actually, kahit nga hindi siya mag-sorry sa akin, pinapatawad ko na siya. Pero never kami talaga magkakatrabaho.”


Ang pagiging magkaibigan at kawalan ng matinding isyu sa pagitan nilang dalawa ang rason ng Soul Siren na si Nina kung bakit naging panatag ang loob niyang makasama sa isang show ang ex-boyfriend niyang si Jimmy Bondoc.

Sina Nina at Jimmy ay parehong resident judges ng bagong reality singing search show sa TV5, ang Rising Stars, hosted by Ogie Alcasid. Kasama rin nila bilang judge ang radio love guru na si Papa Jack.

Matatandaang naging maasim ang hiwalayan nina Nina at Jimmy dahil sa pagpasok sa eksena ng isa pang mang-aawit, si Nyoy Volante, na nakarelasyon ng seksing songstress.

Bagamat umusbong ang relasyon nila noon, nauwi naman ito sa mas mapait na hidwaan dahil sa pagkakautang ni Nyoy kay Nina.

Naging kontrobersiyal ang nasabing pagkakautang dahil sa pag-iwas ni Nyoy sa kanyang obligasyon, pati na rin ang kanyang pagtanggi sa mga paratang ni Nina.

Read: Singer Nina says ex-boyfriend Nyoy Volante still owes her money

Sa tinagal ng panahon, hindi man naareglo ang nasabing utang ay minabuti ni Nina na mag-move on na lang sa kanyang buhay at career.

Sa kabilang banda, laking pasalamat na lang niya na magpasahanggang ngayon ay nananatili pa ring maayos ang pagkakaibigan nila ni Jimmy.

Sabi nga ni Nina, wala silang naramdamang ilangan ni Jimmy sa pagsasama nila sa show.

“Matagal na rin kaming friends ni Jimmy. At saka matagal na rin kaming wala.

“And sobrang marami kaming experiences as friends before.

"And bago pa nga dumating itong Rising Stars, magkaibigan kami, nagti-text-an kami.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nina matapos ang presscon proper ng nasabing franchise talent search mula sa abroad, noong Sabado, March 7, sa Imperial Palace Suites, sa Timog Avenue, Quezon City.


HURT BY LIES, DENIALS. Mas madali ba silang naging magkaibigan ulit ni Jimmy kumpara kay Nyoy?

Ayon kay Nina, “Oo, kasi parang... there was this gentlemanly thing na ginawa niya [Jimmy] compared kay Nyoy na sobrang nasaktan ako, hindi dahil naghiwalay kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nasaktan ako sa ginawa niya sa akin na... yun nga, nagsinungaling siya na wala siyang utang sa akin na parang imbes na…

“For me, ha, yung ungentlemanly na [dapat] ginawa mo, hindi mo na lang idinenay, hindi mo na lang din inamin. Kumbaga, neutral lang.

“Kumbaga, kunwari kung may utang man ako o wala kay Nina, nasa akin na lang yun. Kami na lang magpa-patch things up.

"Hindi yung kailangan mo pang i-deny na nandiyan naman yung ebidensiya.

“So, parang nasaktan ako na, 'Ay, hindi pala kita kilalang tao!' nung pinapanood ko siya sa TV.

"'Oh, my God, ganyan ka pala magsinungaling.'

“Ang tingin ko sa kanya, paladasal, mabait.

"Iba pala yung biglang naiba yung conception ko sa kanya sa ginawa niya sa akin.”

Ibig bang sabihin ni Nina ay mas maganda ang foundation ng friendship nila ni Jimmy?

“Oo. Natutuwa nga ako kasi mas matagal naman kami [ni Jimmy] kaysa sa naging kami ni Nyoy.

“Ngayon, napatawad ko na siya [Nyoy], pero hindi siguro kami magkakaroon ng chance na mag-work together.

"Parang hindi puwedeng maging magkaibigan. Okey lang sa akin.”

Paano kapag nagkikita sila Nina at Nyoy, gaya sa ASAP?

Ayon sa Soul Siren, “Buti na lang hindi kami nagkikita. Thank you, Lord, talaga. Actually, hindi talaga.”


NO PLANS TO REKINDLE FRIENDSHIP. Nagsasalita ba si Nina nang patapos na wala na talagang chance na mabuo muli kahit friendship lang sa pagitan nila ni Nyoy?

Umiling si Nina sabay sabing, “I don’t think so.

"Doon sa ginawa niya? Hindi siguro.

"Sobrang pangit nun. Sobrang nasaktan ako sa ginawa.

“Para sa akin, okey lang naman na mambabae. Kumbaga, innate na sa lalaki yun. Pinipigilan mo lang.

“Pero 'eto yung saktan mo siya, gawin mo siyang sinungaling, yung taong ito. Iba yung feeling.”

Kahit mag-sorry si Nyoy sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, kahit nga hindi siya mag-sorry sa akin, pinapatawad ko na siya.

"Pero never kami talaga magkakatrabaho,” diin ni Nina.

Totoo bang umiiwas si Nina na makasama si Nyoy sa mga shows? Na kapag may offer at kasama si Nyoy sa lineup ay tinatanggihan niya?

“Hindi naman. Siguro nagkakataon lang din na hindi kami nagkakasama sa show,” paglilinaw niya.


NO REGRETS. Hindi ba nanghinayang si Nina na ipinagpalit niya si Jimmy kay Nyoy?

Napangiti si Nina sabay sabing, “Kasi nung time na yun, hindi naman ako nanghinayang kasi it’s a choice, e.

"Choice ko na parang piliin siya [Nyoy].

“Hindi naman piliin, pero dumating naman siya sa buhay ko na wala naman kami ni Jimmy.

"So, choice ko yun. Wala namang regrets, whatsoever.

"Actually, natutuwa ako na nangyari ito kasi it made me a better person.

“It made me who I am now. It made me a stronger woman.

"It made me look at people more na hindi mo kailangang basahin na hindi porke mabait or kakilala mo lang itong taong ito, magtitiwala ka na.

“Magtitiwala ka, yes, pero maging wise ka rin.”

Paano kung magkita sila ni Nyoy sa isang event? Hindi na niya papansinin si Nyoy?

“Siguro. Diretso na, oo,” nangingiting sagot ng mahusay na mang-aawit.

Kung si Nyoy daw ang kinuha bilang judge ng Rising Stars at hindi si Jimmy, malamang na tinanggihan ni Nina ang project.

“Ayaw ko namang magsinungaling, e. Ay, hindi talaga!” giit niya.

Nabalitaan na ba ni Nina na ikakasal na si Nyoy?

Gulat na tugon ni Nina, “A, talaga? Good for him. I’m happy for him kung ganon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN