Nina clarifies engagement rumors: “Wala pa talaga.”

Soul Siren Nina on possibility of tying the knot soon with boyfriend of eight years: “I don’t know, hindi ko alam. Pero dapat hindi naman kailangang manggaling sa akin, ’di ba? Pero it would be nice kung mangyari yun. Why not? Matagal na rin naman.”


Itinanggi ng Soul Siren na si Nina ang bali-balitang engaged na siya sa kanyang non-showbiz businessman boyfriend.

Matagal nang usap-usapang magpapakasal na rin ang mang-aawit pero inililihim lang daw niya ito sa press para protektahan ang privacy ng kanyang lovelife.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Nina matapos ang presscon para sa Rising Stars, ang franchised talent/singing search ng TV5, mariing itinanggi ni Nina ang balitang engagement.

Nakapanayam si Nina ng PEP noong Sabado, March 7, sa pressscon na ginanap sa Imperial Palace Suites, Timog Avenue, Quezon City.

Ipinakita pa ng mang-aawit ang kanyang daliri na walang engagement ring na nakasuot.

Sambit pa nito sa amin, “Naku, sana ito dito, 'no? Teka lang,” at inilipat ang kanyang accessory ring sa daliri kung saan dapat nakasuot ang engagement ring.

“Wala pa. Wala pa talaga.”


EIGHT-YEAR RELATIONSHIP. Kinumpirma ni Nina na patuloy ang romantic relationship niya sa anak ng nagmamay-ari ng R&E Taxi.

May walong taon na raw ang kanilang relasyon.

Bakit wala pang wedding plans?

“I don’t know, hindi ko alam.

"Pero dapat hindi naman kailangang manggaling sa akin, 'di ba?

"Pero it would be nice kung mangyari yun.

"Why not? Matagal na rin naman."

Naghihintay ba siya?

“Hindi naman sa naghihintay ako.

"Pero 'pag dumating, darating siya.

"Pero 'pag hindi, okey lang.

“Totoo, promise. Kasi 'pag it's meant to be talaga, meant talaga.

"Marami diyang parang 13 or 14 years pero hindi sila nagkakatuluyan.

“After nung relationship, ayun, nagkaroon sila [ng iba].

"After a year, ikinasal sila at mas tumagal pa sila. Kaysa doon sa...”


WEDDING PROPOSAL SOON? Sa tinagal ng kanilang relasyon, masasabi ba ni Nina na wedding proposal na lang ang kulang?

Sagot niya, “Siguro every girl naman naghihintay talaga na mag-propose yung guy sa iyo, e.

"Hindi naman ako yung nag-i-initiate na, 'Mag-propose ka na.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero I believe na 'pag hindi pa ready yung guy, hindi talaga ready.

“Kung hindi pa siya ready ever at may dumating man sa kanya na bago or sa akin na bago, ganun talaga, e. You have to accept it.”

Nilinaw ni Nina na hindi sila nagli-live in ng boyfriend niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN