Ogie Alcasid remains committed to TV5; reveals one wish for Sharon Cuneta

Ogie Alcasid on departure of some of the big stars of TV5: “Nakakalungkot siyempre, kasi nami-miss ko sila. But sadyang ganun, e. Hindi ko alam ang mga puno’t dulo ng mga pangyayaring ’yan, pero nakakalungkot na wala na sila.”


Hindi ikinaila ni Ogie Alcasid ang pagkalungkot niya sa pag-alis ng ibang kasamahan niyang artista sa TV5.

Sa ginanap na press conference ng bago niyang show, ang singing talent search program na Rising Stars, sinabi ni Ogie ang kanyang saloobin tungkol dito.

Sa umpisa, nagbiro ang singer-songwriter, “Nakakalungkot din, siyempre. Kami na lang ni Derek [Ramsay] ang nandito.

“Kaya minsan, ako na lang din ang nagbabalita. Pati sa PBA, ako na lang ang nagba-basketball. Ako na rin ang gumagawa ng weather report.”

Pagkatapos ay sinabi niya, “Nakakalungkot siyempre, kasi nami-miss ko sila.

“But sadyang ganun, e. Hindi ko alam ang mga puno't dulo ng mga pangyayaring 'yan, pero nakakalungkot na wala na sila.”

Ayon kay Ogie, may kaunting pagsisisi siyang nararamdaman dahil nami-miss niya ang mga kasamahan niya noon sa GMA Network.

Gayunman, sabi niya, “Ganun talaga ang buhay, 'di ba? You have to do other things, you have to move on.”

Idiniin din niya na sa kabila nito, “committed” pa rin siya sa TV5.

Kuwento pa niya, “Gaya ng sinabi ko noon, nang mag-usap kami ni Boss MVP [Manny V. Pangilinan], committed ako sa kanya.

“Kahit ano ang mangyari, tutulong ako.

“Sa ngayon, naghihintay tayo ng isa lang, makatsamba tayo ng isang show.

“Pero ngayon, nagkakaroon na ng porma yung gusto nilang gawin, which is a 'happy network' sa sports, sa comedy, and sa music.

“Pasok sa akin kasi nag-i-sports, nagko-comedy ako, at sa music.”

Nabanggit ni Ogie na hanggang sa 2016 ang kontrata niya sa TV5. Kung sakali ba ay mananatili siya sa Kapatid network?

“Sa tingin ko... kung gusto pa nila ako,” sagot ni Ogie.

Nagpapasalamat din ang asawa ni Regine Velasquez dahil hindi naman siya nawawalan ng trabaho sa TV5.

“Alam mo, looking back, hindi naman ako nabakante.

“May ilang buwan na relax lang ako, pero nandiyan naman ang Tropa Mo 'Ko Unli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Noong nagsimula ako sa Confessions of A Torpe, naging maganda naman ang resulta.

“Noong ginawa ko yung run ng Let's Ask Pilipinas... kumbaga, 'di ako nabakante.

“Ang maganda sa nangyari sa akin, nag-e-enjoy ako sa trabaho.”

Sa March 14, magsisimula naman ang kanyang hosting job para sa Rising Stars.

Makakasama niya rito as co-host si Mico Aytona. Samantala, magiging judges naman ang singers na sina Nina at Jimmy Bondoc, at radio jock na si Papa Jack.


ADVICE FOR SHARON. Isa sa mga umalis sa TV5 at bumalik sa ABS-CBN ay si Sharon Cuneta, na nakatrabaho ni Ogie sa dating musical show na Megastar and the Songwriter ng TV5.

Nang hingin ang kanyang reaksiyon tungkol dito, ang maiksing sagot ni Ogie, “Sadyang ganun ang buhay. Kapag hindi na masaya, e, di hindi.”

Samantala, kung maaari, may isang hiling lang ang presidente ng Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit (OPM) sa Megastar.

“Sana gumawa siya ng albums.

“Oo, magaling siyang artista, pero ang strength niya talaga, for me, kapag kumakanta na siya ng mga kanta niya.

“Iba talaga siya, e. Iba talaga si Shawie.

“Kasi sa dami niyang alam gawin, hindi na napapansin na Sharon is really a singer at heart.

“So, ang wish ko sa kanya, sana gumawa siya ng maraming-maraming albums.

“Kasi, she really loves music, so dapat gawin pa niya 'yon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN