(UPDATED) It’s confirmed: Sharon Cuneta returns to ABS-CBN!

Isang presscon ang ginaganap ngayong hapon, March 9, para sa pagbabalik ng Megastar na si Sharon Cuneta. Ang una niyang proyekto ay ang reality show na Your Face Sounds Familiar.


Kumpirmado na ang pagbabalik ng Megastar na si Sharon Cuneta sa bakuran ng ABS-CBN.

Nitong mga nakaraang araw ay nagpahiwatig ang actress-singer, sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, ng kanyang pagbabalik sa Kapamilya network matapos niyang lisanin ang kanyang home network sa loob ng 23 years noong 2011 upang lumipat sa TV5.

Pero hindi natapos ni Sharon ang limang taong kontratang pinirmahan niya sa Kapatid network at noong 2014 ay na-pre-terminate ito.

Read: Sharon Cuneta leaves TV5 with "unresolved issues"

Ngayong hapon, March 9, ay natapos na ang mga espekulasyon dahil pumirma na nga ng kontrata si Sharon sa ABS-CBN na dinaluhan ng pinakamatataas na opisyal ng network, sa pangunguna nina Ms. Charo Santos-Concio at Ms. Cory Vidanes.

Ang unang proyekto ni Sharon sa kanyang pagbabalik bilang Kapamilya ay ang reality show na Your Face Sounds Familiar.

Kasalukuyang ginaganap ang presscon para kay Sharon sa ABS-CBN.

Ang pinakahuling post naman ng Megastar sa kanyang Facebook account ay ito:


TODAY IS THE DAY. Bago ang kanyang pagpirma muli ng kontrata sa ABS-CBN ay nagbigay ng ilang pahiwatig si Sharon sa kanyang mga tagahanga.

Kagabi, March 8, nag-post si Sharon ng tila logo ng dati nitong palabas sa ABS-CBN na Sharon.

Ngayong umaga naman ng Lunes, March 9, nag-post mensahe si Sharon sa kanyang followers.

Ayon sa Megastar, "When in prayer we say, 'No weapon formed against me (or us or someone we love) shall prosper, in Your mighty name, Lord Jesus!' We mean just that.

"Today is a day I have been praying for and looking forward to for some time now. Sure, I've known about this day since August (!), but still had lots of preparation to do.

"And today of all days, just as she was on her way to recovering from the bad cough and flu we've all been beset with almost at the same time (Miguel and Kiko are still sick), my Miel was rushed by her Daddy to the hospital early this morning. She couldn't breathe. It was a terrible cough and asthma attack.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"My husband, bless his heart, did not wake me up. He knew what today meant to me so he let me sleep (I didn't get too much but at least a good some!).

"Around 3:00 a.m. he left with Miel and came home around 7. Just when I woke up. I was shocked when he told me. But was I scared?

"No. I knew something bad was bound to happen, because that is how the devil works. He does everything he can to steal our joy. He still refuses to learn that our God is THE God.

"Yan naman ang role ng enemy sa ating buhay, ang magnakaw, manggulo, mang-agaw, manira, pumatay. Eh may pananalig tayo sa Diyos, di ba? Sorry siya!

"I am on my way to my Makati condo now to 'prepare' for the special appointments I have later. (J) I have already visited my baby girl in the hospital and she is up and about, walking, watching cartoons on TV (oooookay... okay lang yon kasi sick siya!).

"She was smiling when I walked in and until I left. My staff and I prayed in my van on our way there, and are now confident to face the day we have thanked and praised God for, and offered to Him.

"This is how to deal with problems, as far as I'm concerned. You focus on your Lord God. Everything else will fall into place.

"I hope that if you woke up feeling a bit low today, this somehow makes your burdens lighter!

"Have a wonderful, beautiful day, everyone! God bless us all.

"I love you!

"Sharon."


"HOME IS WHERE THE HEART IS." Kaninang umaga ay muling nag-post ito ng larawan na may nakasulat na "Home is where the heart is."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN