Nora Aunor wins her fifth Star Awards for Movies Best Actress trophy

Superstar Nora Aunor dedicates her Best Actress win at the 31st Star Awards for Movies for her loyal fans. She says, "At kahit hindi ninyo ako nakakausap, ’andito lang po ako. Kahit ano’ng mangyari po, walang iwanan... Sa lahat ng mga naniniwala at nagtitiwala, maraming-maraming salamat po sa inyong lahat."


Si Nora Aunor ang nagwaging Movie Actress of the Year sa 31st Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club (PMPC) para sa pagganap niya sa Dementia, isang horror-drama na idinirek ng first-time movie director na si Perci Intalan.

Ikatlong lead performance award na ito ni Nora sa local awards-giving body para sa Dementia.

Una'y sa 13th Gawad Tanglaw ng mga academician at, ikalawa, sa 17th Gawad Sining-Sine ng PASADO (Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro) na may awarding ceremonies sa April 11.

Ang PMPC Star Awards for Movies ay ginanap kagabi, March 8, sa The Theater At Solaire, sa Parañaque City.

Maagang dumating sa venue si Nora para magbigay muna ng special award, ang Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime Achievement award na ang recipient sa taong ito ay ang kaibigang character actress na si Celia Rodriguez.

Backstage ay sandaling nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Nora habang naghihintay ng kanyang bahagi sa programa.

That was prior to the announcement of the best actress winner.

Natanong muna si Nora kung ano ang damdamin niya sa magkasunod na parangal ng Gawad Tanglaw at PASADO, kung saan dalawang pagganap niya ang winner: para sa Hustisya na idinirek ni Joel Lamangan at Dementia ni Intalan.

“'Oo nga, puwede palang ganun?'” sambit niya.

Dagdag ni Nora, “Natutuwa naman ako dahil na-appreciate nila ang pagganap ko sa dalawang pelikula.”

A few hours later, tinawag namang winner sa Star Awards si Ate Guy ng presenter na si John Estrada, at tuwang-tuwa uli siya sa simula ng kanyang acceptance speech.

''Kahit matagal na akong hindi nanalo nito… ilang taon na ba mula noong [huli akong manalo]?''

Truth is, 19 years na ang nakalipas mula nang huling manalo bilang Movie Actress of the Year sa PMPC si Nora; para iyon sa The Flor Contemplacion Story noong 1996.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At nagpasalamat si Nora sa pagkilalang natamo para sa Dementia.

Ikalimang best actress award na ito ni Ate Guy mula sa Star Awards for Movies, na una siyang kinilala noong 1985 para sa 'Merika; then Andrea, Paano Ba Ang Maging isang Ina? in 1991; Elwood Perez's Ang Totoong Buhay Ni Pacita M., in 1992; at sa nasabing Flor Contemplacion filmbio.

Saad pa ni Nora sa kanyang acceptance speech: “Asahan niyo po na sa mga susunod na paggawa ko ng pelikula ay gagawin ko ang lahat, para po makagawa pa rin ng mga pelikulang kapupulutan ng aral at magsisilbing [inspirasyon]... na hindi niyo makakalimutan sa habang panahon."

''LANDSLIDE'' VICTORY. Sa napanalunang parangal ay nanalo si Nora sa mga katunggaling nominado, ‘tulad nina Anne Curtis (The Gifted), Eugene Domingo (Barber's Tales), Cherie Gil (Mana), Toni Gonzaga (Starting Over Again), Aiko Melendez (Asintado), at Jennylyn Mercado (English Only, Please).

Ano ang feeling na balitang ''landslide'' victory ang panalo niya over the other nominees?

Sagot ni Nora sa panayam matapos ang awarding rites, ''Magagaling lahat sila, siyempre naman.

“Nagkataon lang na mas [na-appreciate ang pagganap ko] dahil siguro yung role...”

Lagi din itong nababanggit ni Nora, lalo't natatalo siya ng ibang aktres.

“Depende kasi ‘yan sa role, may umaangat talaga dahil mas mabigat at mas challenging ang papel na ginagampanan kaysa mga kalaban.'”

MESSAGE TO DETRACTORS. Earlier, nabanggit din ni Nora sa PEP na ang pagdalo niya sa ginanap na event ng PMPC ay para rin sa “mga nagtatanggol, lalo na sa mga fans.”

Maraming Noranians ang dumadalo sa awards events lalo't nominated si Nora. ‘Tulad din sa ginanap na Gawad Tanglaw at sa katatapos na Star Awards for Movies.

Ipinapakita ng mga tagahanga ang pagsuporta sa idolong aktres sa kabila rin ng mga batikos na natatamo nito, mula sa detractors, na nagpapakalat ng kung anu-anong kasiraan laban kay Nora.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya sa kanyang speech ay may mensahe rin si Nora para sa mga naninira sa kanya.

"Isa lang po ang sasabihin ko.

“May isang Nasa Itaas, ang ating Panginoon, na nakatingin sa lahat sa atin dito sa mundo.

“At Siya po ang higit na nakakaalam sa lahat ng mangyayari sa isang tao.

“Kaya 'wag po kayong malulungkot kung ano yung nababalitaan ninyo [laban sa akin], sapagkat darating ang araw na Siya ho ang magpapatunay kung ano ang totoo at hindi.”

At muli, nagpasalamat si Nora sa kanyang matatapat na tagahanga.

''Maraming-maraming salamat. Mahal na mahal ko po kayong lahat, mga fans!

''At kahit hindi ninyo ako nakakausap, 'andito lang po ako.

''Kahit ano'ng mangyari po, walang iwanan...

“Sa lahat ng mga naniniwala at nagtitiwala, maraming-maraming salamat po sa inyong lahat.

“I love you very much!'”

ANGGE'S FIRST "PUBLIC APPEARANCE". Bilang napabalitang bagong manager ni Nora, dumalo sa PMPC event ang beteranang talent manager na si Angge (Cornelia O. Lee), at in-acknowledge siya ng Superstar sa kanyang acceptance speech.

''Kay Tita Angge, ang akin pong [bagong] manager, maraming salamat po.''

Nasa backstage si Angge during Nora's speech at sinusulyapan siya ni Nora habang nagsasalita.

''Kita niyo naman, ha! Ngayon lang kami nagkita ni Tita Angge, nanalo na naman ako ng award!

''Isa lang ang ibig sabihin, suwerte si Tita Angge sa akin talaga!''

Binanggit din ni Nora sa kanyang talumpati ang tumatayong sekretarya ni Angge na si Marge at si John Rendez, her longtime friend.

Backstage, prior to accepting her award, natanong din ng PEP si Ate Guy about Angge.

She has good words for the veteran manager, na nagma-manage din sa ibang talents ‘tulad nina Sylvia Sanchez at Rustica Carpio.

Nakangiting sambit ni Nora, “Maasikaso siya, laging namamalengke... very motherly.”

UPDATES. Tinanong din ng PEP si Angge hinggil sa mga tunguhin ng career ni Nora sa kasalukuyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano na ba ang una niyang gagawing project, o kung may linaw na ang tungkol sa napabalitang guesting nito sa Maalaala Mo Kaya?

But Angge remains non-committal.

Si Ate Guy ay may tiniyak namang sisimulan niyang indie film, na in fairness ay nasagutan niya noong hindi pa sila nagkakasundo ni Angge ukol sa pagma-manage nito sa kanya.

“By the end of March, sisimulan,” sabi ni Nora tungkol sa indie film, na kukunan ang kabuuan sa Bicol province at ang gagamiting dialect ay Bicolano, na siyang native tongue ng aktres na tubong-Iriga, Camarines Sur.

Ang magdidirek ng pelikula ay ang baguhang indie director na si Kristian Sendon Cordero.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN