George Clooney’s wife takes ex-President GMA’s case to United Nations

Kumbinsido ang asawa ni George Clooney na si Amal Alamuddin-Clooney na biktima ng political persecution ng gobyerno ng Pilipinas si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.


Nagsumite ng kaso laban sa gobyerno ng Pilipinas ang human rights lawyer na si Amal Alamuddin-Clooney sa United Nations, hinggil sa patuloy na pagditena kay dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo.

Si Amal, 37, ay asawa ng Hollywood actor na si George Clooney na nag-i-specialize sa international law, criminal law, human rights, at extradition cases.

Kinumpirma ni Atty. Modesto Ticman, abugado ni Arroyo, na isinumite ni Amal ang kaso sa UN Working Group on Arbitrary Detention (UNWGAD), noong February 26, ayon sa ulat ni Xianne Arcangel ng GMA News Online.

Ang UNWGAD ay grupong mula sa UN Commission on Human Rights.

Ipinaliwanag ni Atty. Ticman na ang kasong isinumite ni Amal ay hinggil sa “protracted detention” ng pamahalaan sa dating Pangulo sa kabila ng kanyang edad, kalagayan ng kanyang kalusugan, at ang hindi pagpayag ng korte na makapagpiyansa ito.

Nakasaad sa kaso ni Amal ng paghimok ng UN sa pamahalaan ng Pilipinas na palayain si Arroyo, na ngayon ay nasa ilalim ng hospital arrest sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City.

Nasa VMMC si Arroyo para sa kanyang spine treatment.

Inaresto si Arroyo dahil sa kasong plunder na may kinalaman sa maling paggastos ng intelligence funds ng state lottery firm na nagkakahalaga ng P366 milyon noong kanyang panunungkulan bilang Pangulo.

Sinabi naman ni Atty. Ticman na ikinatuwa ni Arroyo ang pag-akyat ni Amal sa kanyang kaso sa United Nations.

“She [Arroyo] appreciates what Atty. Amal did.

"She’s happy because Atty. Amal, who has international stature, is concerned about her plight.

"Now her case has gotten the attention of the UN and the international community," saad ni Atty. Ticman.

Kabilang sa mga prominenteng taong naging kliyente ni Amal ay sina Julian Assange, founder ng Wikileaks, at former Ukrainian prime minister Yulia Timoshenko.


AMAL'S INTEREST IN ARROYO'S CASE. Ipinaliwanag naman ng isa pang miyembro ng legal team ni Arroyo kung paano nagsimula ang interes ni Amal sa kaso ng dating Philippine President.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Atty. Larry Gadon, 2013 nang magsimula ang interes ni Amal sa kaso ni Arroyo, na binisita pa niya para malaman ang kalagayan nito sa ospital.

“It was around that time we found out that a case may be filed before the UN for the violation of Mrs. Arroyo’s human rights.

"We’ve been in touch with Mrs. Clooney since the second quarter of 2014."

Naging madalas daw ang komunikasyon ni Amal at ng kampo ni Arroyo noong November 2014, pagkatapos ng kasal ng British lawyer kay George Clooney.

Hiniling umano ni Amal sa legal team ni Arroyo na ipadala sa kanya ang mga dokumento at iba pang impormasyon tungkol sa plunder case ng dating Pangulo.

Sinabi pa ni Gadon na kumbinsido si Amal na biktima ng “political persecution” si Arroyo.

Gaya na lamang daw ng hindi pagpayag ng Sandiganbayan kay Arroyo na makapagpiyansa kahit na ang mga kasama niyang mga akusado sa plunder ay nakapagpiyansa.

Nang matanong si Gadon kung paano makakatulong ang pamamagitan ng UN sa kaso ni Arroyo, sinabi ng abugodo, “Sana magising ang ating mga justices sa ginagawa nilang panggigipit kay Mrs. Arroyo.

"Mrs. Clooney has already brought international attention to the case by filing it before the UN."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN