Ogie Alcasid defends Regine Velasquez on negative write-up about her work attitude

“My wife is the easiest person to work with. She will sing with anyone,” says Ogie Alcasid defending Regine Velasquez, who is rumored to be very choosy about the people she would work with.


Dismayado si Ogie Alcasid sa balitang nagpaka-diva diumano ang asawa niyang si Regine Velasquez kamakailan.

Naging subject ng blind item kamakailan ang Asia's Songbird sa diumano'y pagiging mapili niya sa makakatrabaho.

Pero agad na depensa ni Ogie, “Hindi niya ugali 'yon.

"Sa totoo lang, nabasa ko rin 'yon.

"Hindi magagawa ng asawa ko 'yon, never."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters ang singer-songwriter sa press conference ng bago niyang project sa TV5, ang singing talent search show na Rising Stars, noong Sabado, March 7.

Ayon kay Ogie, nakarating na rin mismo kay Regine ang naturang blind item, at ang natural niyang reaksiyon ay masaktan sa negatibong balita tungkol sa kanya.

Diin ni Ogie, “My wife is the easiest person to work with. She will sing with anyone.

“That's why kahit sino na ang ka-number niya o ka-concert niya, ni minsan hindi 'yan nagreklamo o nagsalita.

"She is not that kind of person.

“Nakita mo naman kung papaano niya alagaan ang mga bagets niya—sina Jonalyn Viray, Aicelle Santos, Kyla...

"She's the same person, very nurturing.”

Dagdag pa ni Ogie, “Nasaktan siya kasi hindi naman totoo 'yon.

"But, instead of her explaining na nasaktan siya, nagdasal na lang siya."

Bagamat nasaktan, mas naisip daw ni Ogie ang mga taong nagsusulat ng hindi totoo tungkol sa mga artista.

“It's sad that people will try to spread rumors that are like that.

“Kung papatulan mo naman 'yon, parang lalaki pa, e, di naman totoo,” aniya.

Diin pa ni Ogie, “I feel more for the person who's doing it.

"Kasi, kapag ang isang tao gumagawa ng ganun, may problema."

Sa halip na magpaapekto, ayon sa mister ni Regine, “Sabi nga, 'Bless those who hurt you and bless those who curse you.'

"Dapat ganun ang attitude. Siyempre, tao ka lang kaya mahe-hurt ka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang masasabi ko lang ay hindi ganun ang asawa ko, hindi niya magagawa 'yon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN