Mich Liggayu’s wish on her birthday: "Sana makita ko si Jam sa dream ko na this time happy and healthy siya."

Mich Liggayu on boyfriend Jam Sebastian: "So far, wala pa naman. Ang pinaka paramdam na ginawa niya sa akin, paggising ko the next day, may unexplainable love and comfort akong nararamdaman. And sure ako dahil kay God yun at kay dahil kay Jam," says Mich, who wants to dream of Jam on her upcoming 24th birthday.


Bagamat hindi na makakapiling ni Mich Liggayu si Jam Sebastian, ang tanging hiling ng dalaga ay magpakita kahit sa kanyang panaginip ang yumaong longtime boyfriend.

Magdiriwang si Mich ng kanyang ika-24 kaarawan sa March 17, at gusto niya, “Ngayong birthday ko, naglu-look forward ako na gawin niyang special ang birthday ko.

“Sana makita ko siya kahit sa dream ko na this time healthy and happy siya.

"Para lang alam kong masaya talaga siya.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mich sa huling gabi ng lamay kay Jam sa Loyola Memorial Chapel sa Sucat, Parañaque, noong Sabado, March 7.

Sa halos pitong taon nila bilang magkarelasyon, nakagawian na raw kasi ni Jam na gawing espesyal ang kaarawan ni Mich.

Katulad na lamang noong nakaraang taon kung saan sinurpresa ni Jam si Mich pagtungtong pa lang ng alas-dose ng hatinggabi ng March 17.

Kuwento ni Mich, “Kinuntsaba niya yung dalawa naming kaibigan na bumili ng necklace, cake, at balloons.

“'Tapos pagdating ng 12 [midnight], nasa condo lang po kasi kami nun, hindi siya puwede bumili nun kasi mahahalata ko bakit siya umalis, kasi palagi kaming magkasama.

“Napanood ko nga lang actually kagabi yung video na yun.

“Binasa ko ulit yung video description, sabi niya gusto niya every birthday ko, gawin niyang special.”


Matatandaang May 2014 nang mag-propose ng kasal si Mich kay Jam sa loob ng isang simbahan.

Nabanggit din noon ng dalaga na pangarap niyang magkaroon sila ng beach wedding at pagkatapos ay mag-honeymoon sa Paris.

Umasa si Mich na gagaling si Jam bago sila ikasal, kaya masakit umano para sa kanya na hindi na ito maisasakatuparan.

“After ng proposal ko sa kanya, napag-usapan namin na mag-focus muna kami sa pagpapagaling niya.

“Siyempre pareho naming gusto na pareho kaming okey sa big day sana namin.”

Pumanaw si Jam sa edad na 28 pagkatapos ng halos isang taong pakikipaglaban sa stage 4 lung cancer noong March 4.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Linggo ng hapon, March 8, ginanap ang interment ng yumaong YouTube sensation sa Manila Memorial Park sa Sucat, Parañaque.

Hinding-hindi makakalimutan ni Mich ang pinagsamahan nilang magkasintahan at ang mga aral na iniwan sa kanya ng nobyo.

Mula sa paggawa nila ng videos hanggang sa simpleng “food trip”at pag-uusap sa tuwing magkasama sila.

Sabi pa ni Mich, “Siguro dahil sa na-experience ko sa buong relationship namin, yung maging strong at positive sa kahit na anong mangyari at yung faith namin kay Lord, importante.”

Pumanaw man si Jam ay mananatili umanong bukas ang komunikasyon sa pagitan ni Mich at ng naiwang ina at kapatid ng nobyo.

Nagpasalamat din si Mich sa kanyang mga magulang na todo ang suporta sa kanila ni Jam, sa hirap man o ginhawa.

Sa huli, ibinahagi ni Mich ang huling mensahe ni Jam sa kanya bago ito binawian ng buhay.

“Dati kasi ‘pag may bashers kami, siya yung mas affected, ako yung nagko-comfort sa kanya.

“This time po, bago siya mawala, may sinabi siya sa 'kin na ipagpatuloy ko pa rin yung pagiging positive ko.

“Kapag may mga haters, hayaan ko lang sila.

“Kasi, ano naman daw yung konting tao na yun sa dami ng sumusuporta sa amin,” pagtatapos ni Mich.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN