Sharon Cuneta on leaving ABS-CBN before: “It was admittedly a little stupid of me and a little selfish.”

“So now I know, why did I let go of the trust for a minute. It was admittedly a little stupid of me and a little selfish,” says Sharon Cuneta about the “tiny reason” she left ABS-CBN in 2012.


“You have to learn and you have to admit it.”

Ito umano ang aral na natutunan ni Sharon Cuneta nang umalis siya sa ABS-CBN, na naging home network niya sa loob ng 23 taon.

Sa press conference na inihanda ng Kapamilya network para sa kanyang pagbabalik ngayong Lunes ng hapon, March 9, nabanggit ni Sharon na ang pag-alis niya sa ABS-CBN ay nag-ugat sa kanyang maliit na pagtatampo.

Dahil dito, natutunan daw niya na, “Kapag mayroon kang tampo, hindi dapat may ibang nagbi-bridge between you and pinagkakatampuhan mo.

“Like ako, I had a tampo here, which was really the real reason why I left. It could have been fixed.

“It was so simple. Iba yung nakakarating sa kanila, iba yung nakakarating sa akin.

“So now I know, why did I let go of the trust for a minute.

“It was admittedly a little stupid of me and a little selfish.”

Napagtanto raw ni Sharon ang kanyang pagkakamali nang muli niyang makausap ang mga tao sa ABS-CBN.

Kuwento niya, “Now, nagkaharapan noong nagmi-meeting, lumabas na iba yung nakakarating sa akin.

“From that experience, mas gusto ko na kaharap ko [yung tao] so you'll be able to express your feelings and express also, and listen to what they have to say, especially there's a lot of love between us.

“There was a very tiny reason, na parang dapat hindi na ganun.”

Umalis si Sharon sa ABS-CBN noong 2012. Noong taon ding ito ay pumirma siya ng kontrata sa TV5. Matatapos dapat ito sa susunod na taon, subalit na-"pre-terminate" ito noong 2014.

Samantala, tumangging magbigay ng komento si Sharon tungkol sa biglaang pag-alis niya sa Kapatid network.


PAINFUL AWAKENING. Kasunod nito, nabanggit ni Sharon ang pagiging mas malapit niya sa Diyos dahil sa mga pagsubok na pinagdaanan niya.

Aniya, “I think this is the most important of all, I woke up.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“More accurately, God woke me up, it was a painful awakening.

“It reminded me that all my blessings na nakasanayan ko na, I have become too complacent about.

“So, natuto akong mag-appreciate ulit ng bawat biyayang dumating.

“At saka hindi na ako gumagawa ng desisyon na hindi ako nagkukonsulta sa pagdarasal.

“Kapag may guidance ka, kung anuman ang outcome, alam mong yung ang gusto Niya.”

Patuloy pa niya, “Those are the lessons I've learned.

“I've been humbled so much that I want to be a great co-worker sa ngayon, sa mga kasama ko sa show, at mga muling nagtiwala sa akin kahit hindi nawala ang pagmamahal.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN