Newbie singer Neo Domingo denies rumored romance with Michelle Liggayu: “Huwag nating bigyan ng mas dinadala pa si Mich.”

Newbie singer Neo Domingo clarifies that Michelle Liggayu of Jamich is just a friend: “Baka nami-misinterpret ng mga tao.”


Nagsalita na ang baguhang singer na si Neo Domingo tungkol sa pagkakaugnay niya kay Mich Liggayu ng YouTube sensation na Jamich.

Ayon sa singer, magkaibigan lamang sila ni Mich.

Sa Facebook ay may nag-comment na sinabihan daw ng “I love you” ni Mich ang isang lalaki habang naghihingalo na ang fiancé nitong si Jam Sebastian.

May nagpangalan sa nasabing lalaki bilang si Neo.

Subalit itinanggi ito ni Mich nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa burol ni Jam noong Biyernes, March 6.

Sinabing nitong kaibigan nila ng namayapang boyfriend si Neo.

Read: Mich Liggayu of JaMich on bashers: “Pinapabayaan ko na lang po sila..."

NEO’S SIDE. Nilinaw naman ni Neo ang isyung ito nang makausap siya ng PEP at isa pang miyembro ng press sa music video shoot ng kanyang single na “Kaching-Kaching,” kasama ang newbie rock band na Fifth Dynamics, ngayong Lunes, March 9.

Saad niya, “Actually, friends ko sila [Jamich].

"Nagkasama kami sa isang short film na Classmates, 'yan ang first time ko silang nakasama, naka-work.

“Baka nami-misinterpret ng mga tao.”

Sa kabila raw ng isyu, ipinaparamdam pa rin ni Neo at ng ibang kaibigan ang suporta at pakikiramay nila kay Mich sa pagyao ni Jam.

“Siyempre magkaibigan kami, may pinagdadaanan si Mich ngayon.

"Lahat naman kami, nandiyan para kay Mich, iko-comfort na nagpapahalaga para sa kanya [at] pagmamahal naming lahat."

Diin pa niya, “'Di ko alam kung saan nanggaling yung isyu, baka na-misinterpret lang.”

Nang may pinagdadaanan daw si Mich sa kalagayan ni Jam, ayon kay Neo, “Minsan, kami nung manager ko, ini-invite sila with her family or with her friends.

"Baka akala ng iba may something, kasi 'pag nakitang magkasama kami... alam mo naman ang mga tao."

At dahil magkaibigan, maging hanggang ngayon ay bukas daw ang komunikasyon nila ni Mich.

“Of course, hindi naman mawawala yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko nga, kung may isang bagay na kailangan si Mich, is malaman niya na mayroon siyang kaibigan na naniniwala, sumusuporta sa kanya at hindi siya tinatalikuran.

"So, hindi namin siya puwedeng talikuran, at saka mabait naman talaga siya."

Ano naman ang kanyang mensahe sa mga taong nag-aakusang may namamagitan sa kanila ni Mich?

Sagot ni Neo, “Sa akin, huwag muna tayong mag-isip, lalo ngayon.

"Huwag nating bigyan ng mas dinadala pa si Mich.

“Siguro bigyan muna natin siya ng love, pagpapahalaga o pang-unawa.

"Kasi hindi muna niya kailangan ng negative vibes, lalo na ngayon after nung napagdaanan niya."


NEO DEFENDS MICH. Samantala, ipinagtanggol naman ni Neo si Mich sa bashers dahil sa pagiging aktibo ng dalaga sa pag-update sa social media sa kabila ng sinapit ng kanyang fiancé.

Aniya, “For me, sa trabaho namin, lalo na sa industry, kailangan naming i-update yung mga tao.

"Kasi, for example, yung mga friends, yung mga supporters namin, kailangan nilang magkaroon ng update, kasi part na sila kung nasaan kami ngayon.

“Hindi naman puwedeng, ‘O, sige, balewalain na lang namin kayo.’

"Siyempre sila nalulungkot din, naaapektuhan din.

“So, kung sa akin nangyari 'yon, magbibigay update pa rin ako para, at least, alam nila yung nangyayari.

"Hindi sila yung parang wala lang."


ALL FOR OPM. Samantala, masaya ang aspiring singer na makasama sa kanyang music video ang ilang stars kagaya nina Ella Cruz, Kiray Celis, Xyriel Manabat, ang model na si Jun Macasaet, at Bayani Agbayani sa “Kaching-Kaching.”

Ang nasabing kanta ay komposisyon ni Jonathan Ong, na siya ring nag-compose ng kantang “Dahan Dahan” ni Maja Salvador.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN