Is Paulo Avelino’s sighting with Jasmine Curtis-Smith related to KC Concepcion’s "emo" IG posts?

Speculations about the real score between Paulo Avelino and Jasmine Curtis arose following The Buzz’s report about a recent sighting of the two of them in a restaurant (right). Paulo was recently romantically linked to KC Concepcion, who has been posting mysterious "emo" posts lately.


Naging tampulan ng espekulasyon ang larawan ng Kapamilya actor na si Paulo Avelino kasama ang Kapatid actress na si Jasmine Curtis-Smith na kuha sa loob ng isang restaurant kamakailan.

Ipinadala ito sa The Buzz sa pamamagitan ng e-mail ng isang ‘di kilalang source na may user name na “Sheena xyz.”

Dito ay makikitang parehong nakangiti at tila masayang nagkukuwentuhan sina Paulo at Jasmine.

Sa ngayon, hindi malinaw kung maituturing na romantic o simpleng friendly date lamang ang paglabas nila.

Magkatrabaho ngayon sina Paulo at Jasmine dahil ginagawa nila ang horror film na Mara under Regal Films.


PAULO AND KC’S RUMORED BREAKUP. Ngunit hindi maiwasang magkaroon ng espekulasyon sa ugnayan ng dalawa, lalo pa’t noong nakaraang linggo ay nabalita ang tungkol sa hiwalayan ng magkasintahang Jasmine at Sam Concepcion.

Sa kabilang banda, si Paulo ay huling naiugnay sa kapwa-Kapamilya star na si KC Concepcion.

Bagamat mailap sila pagdating sa tunay na estado ng kanilang relasyon, matagal nang usap-usapan sa showbiz circles, pati na rin sa social media, ang tungkol sa pagkakamabutihan ng dalawa.

Matatandaang namataang magkasama sina Paulo at KC sa hometown ng aktor sa Baguio noong June 2014.

Maging ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ay naging saksi sa pag-alalay ni Paulo kay KC sa lamay para sa lola ng aktres na si Elaine Cuneta sa Santuario de San Antonio Parish sa Makati City noong November 10.

Sa kanilang guest appearance sa January 11 episode ng Gandang Gabi Vice, inihayag ni Paulo na “special” ang kung anumang namamagitan sa kanila ni KC.

Read: Paulo Avelino admits saying "I love you" to KC Concepcion in person

Ngunit tila nagkalabuan sina Paulo at KC kamakailan, base na rin sa emosyunal na Instagram posts ni KC nitong nakaraang Linggo.

Una na rito ang pag-post ni KC ng kanyang Muay Thai training na mayroong hashtag na “#ultimatehugotworkout” at “#hugotpamore.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Muay Thai ... Na itago na natin sa hashtag: #UltimateHugotWorkout 👊😆😈

A photo posted by KC Concepcion (@thisiskcconcepcion) onMar 1, 2015 at 5:50am PST

Hindi rin nakaligtas sa Instagram followers ng dalaga ang caption sa isang hiwalay na beach photo, na tila nagpapahiwatig na mayroon siyang pinagdadaanang problema sa kanyang buhay pag-ibig.

Sabi pa ni KC sa caption ng naturang beach photo: “Isisisid ko na ‘to…One step at a time #EMOceans.”

Isisisid ko na 'to... One step at a time. #EMOceans

A photo posted by KC Concepcion (@thisiskcconcepcion) onMar 2, 2015 at 11:04pm PST

Kasama ni KC sa kanyang beach trip ang kanyang ama na si Gabby Concepcion, na inilarawan ng aktres na: “With the first man I ever loved! Hahaha! Breakfast date with the father.”

Samantala, halos kasabay ng emotional Instagram posts ni KC ay ang panayam ng PEP at ibang reporters kay Paulo noong March 3.

Dito ay inihayag ni Paulo na walang anumang namamagitan sa kanila ni KC.

Pinagtakhan din ng aktor ang usap-usapang hiwalay na sila gayong “magkaibigan” lang daw sila ni KC.

Read: Paulo Avelino denies breakup with rumored girlfriend KC Concepcion: "Wala naman sigurong nagbi-break na magkaibigan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN