Frencheska Farr nurtures musical career more than acting

Frencheska Farr says it’s no big deal that she is relegated to support role in the Jennylyn Mercado-starrer Second Chances after doing the lead part in the movie musical Emir.


Marami nang naisulat na kanta si Frencheska Farr, pero ang "Let My Fire Out" pa lang ang nai-record niya at available na ito sa iTunes.

“Marami pa po akong mga ginawa, pero sa bahay lang, ni-record ko,” sabi ng Kapuso singer-actress sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).


Ito ba ang lamang niya kay Jonalyn Viray na isa ring songwriter?

“Wala po akong sinabi!” at tumawa si Frencheska bilang pag-iwas na intrigahin sila ni Jonalyn.

Ayon nga sa kanya ay magkaibigan sila ng kapwa niya Kapuso singer, “As in friends po kami.”

Gaano kahalaga kay Frencheska ang pagsusulat ng kanta?

Tugon niya, “Actually yung project ko, mas more on myself, na gusto ko sanang ma-hone pa yung craft na dala-dala ko gamit yung sa pagsulat ko nga.

"At yung sariling tunog na naririnig ko sa utak ko, na maita-translate ko siya into a song nang maayos at ma-share ko sa lahat ng tao.

“Nagkaroon kasi ako ng time sa buhay ko na parang iniisip ko talaga yung gusto kong gawin, at ito talaga yung gusto kong gawin.

"Gusto kong mag-express ng sarili ko, through my own music at maka-inspire ng mga tao na makaka-relate din.”


ACTRESS, TOO. Bukod sa pagiging singer ay aktres fin sa telebisyon si Frencheska.

Gumaganap siyang best friend ng bidang si Jennylyn Mercado sa primetime series ng GMA na Second Chances.

Hindi ba siya naiilang o nai-intimidate na kaeksena si Jennylyn, na isang Best Actress awardee sa Metro Manila Film Festival 2015 para sa English Only, Please?

Natatawang sagot ni Frencheska, “Hindi! Actually, mas naa-amaze ako kasi ang ganda niya, e.

"Every time magkaeksena kami, nawawala yung pagtingin ko sa kanya na artista, kasi very approachable siya.

“'Tsaka nae-encourage ako na gawin ko yung best ko, lalo na kasi si Direk Laurice [Guillen] ang direktor namin, so kailangang laging gagalingan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagbida na si Frencheska sa isang musical film ni Chito Roño, ang Emir noong 2010.

Pero wala raw kaso kung support lang siya ni Jennylyn sa Second Chances kahit nagbida na siya sa pelikula.

“Of course, why not?

"Every chance naman po, I mean, hindi naman siya naging big deal for me na palaging bida.

“Kasi, wala, hindi lang siya naging big deal...

“Kumbaga, every time na may opportunity, tanggap lang nang tanggap.

“Kasi okay rin namang maging support, iba rin yung feeling na nagsusuporta ka sa ibang mga artista.

"So, okay rin siya."

Hindi ba siya nagre-request sa GMA na i-launch na siya bilang isang aktres sa isang drama series na siya ang bida?

Tugon niya, “Right now po, ang pinag-uusapan po namin ay singing po talaga.

"Kasi gusto naming ma-push yung pagiging singer and performer ko on stage.

“So, yung acting, na-try ko na mag-teatro, mag-movie, musical...

"For now, gusto kong mag-focus talaga sa creating my own craft in music talaga.

“This year, iyon talaga yung focus ko.”


AUDITIONING. Sinubukan na rin ni Frencheska na mag-audition para sa isang play sa London, 'tulad ni Rachelle Ann Go na bumukadkad ang career sa Miss Saigon.

“Sumubok po ako, magkakasabay kami nina Shin [Rachelle], Aicelle [Santos].

"Pero siyempre, hindi naman po lahat pinapalad.”

Susubok pa ba siya muli o na-disappoint na siya?

Ayon kay Frencheska, “Oo, siyempre kung meron po ulit open auditions, why not, 'di ba?

"Kasi opportunity yun 'tsaka iba rin yung pakiramdam na kasabay mo lahat ng singers, nag-o-audition sa harap ng foreign panels at makakapasok ka ng ilang rounds.

“Malaking fulfillment din yun sa sarili mo na hindi lang yung mga tao dito ang nakaka-appreciate sa iyo kundi pati yung mga foreigners na pumupunta dito.”

Sa mga singers ngayon, kanino siya nate-threaten o sino ang maituturing niyang karibal niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Right now, wala talaga akong naiisip na karibal, wala…

"May mga idol ako, pero wala akong nakikita na kaparehas at kakumpitensiya ko.

"Kasi ang maganda sa singers ng GMA, hindi kami pare-pareho ng atake.

“Mula kay Julie [Anne San Jose], si Maricris [Garcia], si Aicelle, si Ate Jaya, si Ate Regine [Velasquez], iba-iba yung style at genre na tinatahak namin.

“So, wala ka talagang makikitang kumpitensiya, e. Support lang talaga sa isa’t-isa.”

Kung nagkaroon na ng Fearless concert si Jonalyn at Hologram concert si Julie Anne, last October ay nagkaroon na rin si Frencheska ng Let My Fire Out concert.

DARING & SEXY. Samantala, wala pa raw sa plano ni Frencheska na maging daring at sexy bilang isang artist.

“Mas dine-dare ko lang po na mas maging out-of-the box yung mga performances, hindi regular na nakikita, at mas mag-explore pa.

“Hindi para makapag-impress ng iba, pero mas dahil gusto kong mag-explore sa sarili ko, ma-reach man lang yung limits ko, at ma-push talaga yung sarili ko sa limits.”

Hindi na siya pa-tweetums as a singer, pero hindi rin daw siya magpapaseksi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN