Robin Padilla appalled by QC RTC decision to grant bail to Maguindanao massacre suspect Sajid Islam Ampatuan

Isiniwalat ni Robin Padilla ang kanyang saloobin kaugnay ng pagpayag ng Quezon City Regional Trial Court na magpiyansa ng P11.6 million ang Maguindanao Massacre suspect na si former Maguindanao officer-in-charge Sajid Islam Ampatuan para sa pansamantalang kalayaan nito.


Ang pagpayag ng Quezon City Regional Trial Court na magpiyansa ng P11.6 million ang Maguindanao Massacre suspect na si former Maguindanao officer-in-charge Sajid Islam Ampatuan para sa pansamantalang kalayaan nito ang source ng disappointment ngayon ni Robin Padilla.

Nangyari ang Maguindanao Massacre noong November 23, 2009 na, interestingly, nataon sa 40th birthday ni Robin.

Limampu’t walo ang nasawi, kabilang ang mga journalist na hindi pa nabibigyan ng katarungan ang pagkamatay hanggang ngayon.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account (@robinhoodpadilla) nitong Lunes, March 9, hindi napigilan ni Robin na maglabas ng sama ng loob nang malaman niyang pinayagan ng korte na makalaya si Sajid Islam Ampatuan.

Dahil sa sobrang disappointment, nagsalita si Robin na aalis na siya ng Pilipinas, at humingi ng paumanhin sa kanyang pamilya dahil sa desisyon niya.

Narito ang kabuuan ng Instagram post ni Robin kahapon:

"Tunay po na wala nang naghaharing batas sa Inang Bayan Pilipinas.

"Tunay po na walang piring ang mata ng hustisya.

"Tunay po na walang ngipin ang gobyerno para sa mga makapangyarihang tao.

"Tunay po na ang kagawaran ng hustisya sa bansang ito ay pinamumugaran ng sindikato.

"Tunay po na nalalapit na ang eleksyon kaya’t ang mga pangil at kuko ng mga pulitiko ay nagsisimula nang magplano at magtanim ng mga warlords.

"At tunay rin po na ang nalalapit na eleksyon ay gaguhan.

"My Almighty God, my creator Allah, please take me out of this Forsaken Land...

"My wife, Mariel Padilla, bring me out of this Lawlessness, Insanity, Underworld, before it's too late for us...

"My leader, Ricardo Penson, I am leaving the Motherland ASAP.

"I am sorry gentlemen and women of the Katipunan, no room for change in this country.

"All this I cannot bear to witness any longer, Omeng [Rommel] Padilla.

"Forgive me, my everdearest mother, Eva Cariño Padilla."

Tunay po na wala ng naghaharing batas sa Inangbayan Pilipinas, tunay po na walang piring ang mata ng hustisya, tunay po na walang ipin ang gobyerno para sa mga makapangyarihang Tao, tunay po na ang kagawaran ng hustisya sa bansang ito ay pinamumugaran ng syndikato, tunay po na nalalapit na ang eleksyon kayat ang mga pangil at kuko ng mga politiko ay nagsisimula ng magplano at magtanim ng mga Warlords, at tunay rin po na ang nalalapit na eleksyon ay gagohan.. My Almighty God, my creator Allah, pls take me out of this Forsaken Land....my wife @marieltpadilla bring me out of this Lawlessness,Insanity, Underworld,before its too late for us ... My leader @ricardopenson i am leaving the Motherland ASAP, i am sorry gentlemen and women of the Katipunan, no room for change in this country, all this i cannot bear to witness any longer @omengq Forgive me my everdearest mother @evacarinopadilla

A photo posted by robin padilla (@robinhoodpadilla) onMar 9, 2015 at 5:06am PDT


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN