Daniel Padilla urges KathNiel fans to apologize to Vice Ganda

Daniel Padilla’s message to KathNiel fans who supported his latest movie with Kathryn Bernardo: "Sa lahat ng mga KathNiel, maraming-maraming salamat. Talagang kami ay thankful sa lahat ng ginagawa ninyo sa amin ni Kathryn. Sa ganitong paraan na lang namin siguro maibabalik sa inyo, sa paggawa ng mga magagandang palabas."


Nanawagan si Daniel Padilla sa KathNiel fans na humingi ang mga ito ng paumanhin kay Vice Ganda.

Ito ay kaugnay ng pamba-bash ng ilang fans nina Daniel at Kathryn Bernardo kay Vice dahil diumano sa maikling exposure ng kanilang mga idolo nang mag-guest sila sa weekly show na Gandang Gabi Vice para i-promote ang pelikula nilang Crazy Beautiful You.

Read: Vice Ganda on KathNiel fans: “Di na nga nagpasalamat, nagalit pa…”

Sabi ni Daniel, “Siyempre, gusto naming humingi ng pasensiya kay Vice at nangyari yun.

“Kung ako lang, ayokong gawin yun kay Vice. Never kong maiisip yun kay Vice.

“So, tayong mga KathNiel, mag-sorry tayo kay Vice.

“Mag-sorry tayo dahil hindi naman siya ang may hawak ng editing.

“Sumusuporta nga siya sa atin.

"Ganun talaga, okay lang yun, guys.”

Ulit pa niya, “Mag-sorry kayo kay Vice.”

Kilalang malapit si Vice at ang ina ni Daniel na si Karla Estrada, kaya nalungkot daw ang Kapamilya young actor sa nangyari.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Daniel sa victory party ng Crazy Beautiful You kagabi, March 9, sa ABS-CBN compound.

OVERWHELMING SUPPORT. Sa kabila ng isyung ito ay sobra-sobra namam ang suportang ipinakita ng KathNiel fans sa Crazy Beautiful You, kung saan sunud-sunod daw ang block screenings na ginawa ng mga ito.

Nagpapasalamat naman si Daniel sa walang patid na suporta na ibinibigay ng kanilang fans sa mga proyekto nila ni Kathryn.

“Siyempre, maraming-maraming salamat sa lahat-lahat.

“Sa lahat ng mga KathNiel, maraming-maraming salamat.

“Talagang kami ay thankful sa lahat ng ginagawa ninyo sa amin ni Kathryn.

“Sa ganitong paraan na lang namin siguro maibabalik sa inyo, sa paggawa ng mga magagandang palabas.

“Hindi namin alam kung maganda, pero gagawin namin ang best para mapasaya din sila.

“Yun ang paraan para maibalik din namin ang pasasalamat namin sa kanila.”

Sa nasabing victory party ng Crazy Beautiful You ay inanunsiyo na umabot na raw ng P225 million ang kinita nito sa loob lamang ng halos tatlong linggo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang reaksiyon dito ni Daniel?

“Happy, ang galing, napakagaling!” bulalas niya.

“Nag-expect kami sa wala, hindi namin inisip kung ano ang kikitain ng palabas.

“Basta ginawa namin ang best namin at alam namin maganda itong palabas na ito.”

Maganda rin ang feedback sa kanilang pelikula, kung saan isa sa napuri ay ang malaking improvement daw sa acting ni Daniel.

Pahayag ng Kapamilya actor tungkol dito, “Kasi yung character ko, ako yun.

“Kaya medyo… hindi naman nadalian pero kumportable ako sa karakter ko.

“Saka na-feel namin, e.

"Kasi sa location, lahat, na-feel namin kung sino kami talaga.

“Yun lang, niyakap ko lang talaga yung character.”

Isa sa napanood sa Crazy Beautiful You at tumatak sa mga manonood ay ang Aetas sa Zambales.

Ayon kay Daniel, maraming itinuro sa kanya ang karanasang nakilala at nakasama niya ang ilang mga Aetas ng Zambales.

“Sobrang napaka-inosenteng mga tao.

“Kung paano mo ma-appreciate ang napakaliliit na bagay.

"Natuto kaming mag-appreciate ni Kathryn kung ano ang mayroon kami ngayon.

“Sa kanila, nabuksan ang mga mata namin.

“Parang bumalik ako sa dati para magpasalamat sa kung ano ang mayroon ka at nangyayari sa buhay ko.”

PANGAKO SA ‘YO. Pagkatapos ng tagumpay ng Crazy Beautiful You, susunod namang mapapanood sina Daniel at Kathryn sa remake ng teleseryeng Pangako Sa ‘Yo.

Mixed emotions daw si Daniel ngayong sila na ang bida sa nasabing serye.

“Pressure and excitement… basta abangan nila.

“Sobrang laking project, maraming salamat sa tiwala na ibinigay nila sa amin ni Kathryn para kami ang gumanap.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN