Dominique Cojuangco and mom Gretchen Barretto not attending Julia Barretto’s debut party

“I understand, hindi naman ako mababaw para magtampo roon. It’s not a big deal,” says Julia Barretto about the absence of her cousin Dominique and Tita Gretchen at her debut party tonight.


Nananatiling malapit ang magpinsang sina Julia Barretto at Dominique Cojuangco sa kabila ng โ€œsilent warโ€ na namamagitan sa kanilang mga ina na sina Marjorie at Gretchen Barretto.

Sa Instagram account ni Dominique ay nag-post siya ng mensahe para sa kanyang pinsan na si Julia, na nagdiriwang ng kanyang ika-18 kaarawan ngayong araw, March 10.

Ang post ay lumang larawan nina Dominique at Julia, kung saan sa caption ay sinabi ng una: โ€œLife can be tough, but it can be great too. [Here's] to trudge and fly through it hand in hand with you, just like in this photo:)โ€

Noong Huwebes, March 5, nag-post din si Dominique sa Twitter at sinabing hindi siya makakadalo sa debut party ni Julia dahil hindi pa tapos ang second term ng school year nila sa London, England.

Kaugnay nito, hindi rin makakadalo sa debut ni Julia si Gretchen dahil kasalukuyan na itong nasa London para bisitahin si Dominique.

Naiintindihan naman daw ito ni Julia.

Sa nakaraang panayam sa kanya, sinabi ng 18-year-old Kapamilya star, โ€œI'm not just thinking about myself.

โ€œSiyempre, birthday niya. If she wants to be with her daughter in London, anak niya 'yon and pamangkin lang naman ako, di ba?

โ€œI understand, hindi naman ako mababaw para magtampo roon. It's not a big deal.โ€

Nagdiwang ng kanyang ika-45 kaarawan si Gretchen noong March 6.

PHOTOS: Info about Julia Barretto's upcoming debut: is it really worth P5M?


WILL CLAUDINE ATTEND HER PARTY? Samantala, nagbigay rin ng mensahe ang isa pang tiyahin ni Julia na si Claudine Barretto sa pamamagitan ng Instagram.

My Star!โค๏ธ Happy 18th birthday @juliabarretto

A photo posted by @claubarretto onMar 9, 2015 at 11:59pm PDT

Sa nakaraang press conference ng Star Magic para kay Julia, ipinakita ang isang special video presentation kung saan nagbigay ng pagbati si Claudine para sa kaarawan ng pamangkin.

Inaasahan umano ni Julia na makita ang kanyang Tita Claudine sa kanyang kaarawan, na sinasabi niyang ang โ€œpurposeโ€ ay makitang magkaayos na ang kanilang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dadalo kaya si Claudine sa debut party ni Julia mamayang gabi sa Shangri-La Hotel Makati? Maging daan na rin kaya ito para magkabati na sina Marjorie at Claudine?

Read: Julia Barretto on Just Julia, Beautiful @ 18 party: "It will really showcase who I really am behind the camera."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN