Coco Martin explains why he is not yet ready to settle down

Coco Martin explains why he is not yet ready to settle down" data-url="https://www.pep.ph/news/49783/coco-martin-explains-why-he-is-not-yet-ready-to-settle-down" data-desc="Coco remains a "probinsiyano" despite his success in showbiz." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/26af35db5.jpg"> Coco Martin explains why he is not yet ready to settle down" data-url="https://www.pep.ph/news/49783/coco-martin-explains-why-he-is-not-yet-ready-to-settle-down" data-desc="Coco remains a "probinsiyano" despite his success in showbiz." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/26af35db5.jpg"> Coco Martin explains why he is not yet ready to settle down" data-url="https://www.pep.ph/news/49783/coco-martin-explains-why-he-is-not-yet-ready-to-settle-down" data-desc="Coco remains a "probinsiyano" despite his success in showbiz." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/26af35db5.jpg">

Coco Martin explains why he is not yet ready to settle down" data-url="https://www.pep.ph/news/49783/coco-martin-explains-why-he-is-not-yet-ready-to-settle-down" data-desc="Coco remains a "probinsiyano" despite his success in showbiz." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/26af35db5.jpg"> Coco Martin explains why he is not yet ready to settle down" data-url="https://www.pep.ph/news/49783/coco-martin-explains-why-he-is-not-yet-ready-to-settle-down" data-desc="Coco remains a "probinsiyano" despite his success in showbiz." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/26af35db5.jpg"> Coco Martin explains why he is not yet ready to settle down" data-url="https://www.pep.ph/news/49783/coco-martin-explains-why-he-is-not-yet-ready-to-settle-down" data-desc="Coco remains a "probinsiyano" despite his success in showbiz." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/26af35db5.jpg"> Coco Martin explains why he is not yet ready to settle down" data-url="https://www.pep.ph/news/49783/coco-martin-explains-why-he-is-not-yet-ready-to-settle-down" data-desc="Coco remains a "probinsiyano" despite his success in showbiz." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/26af35db5.jpg">

Coco Martin says it is worth it to sacrifice his personal happiness for the sake of building a comfortable life for his family. Now 33, Coco says his ideal age for settling down is from 35-40.


Vocal si Coco Martin sa pagsasabing hindi pa siya nag-aasawa dahil gusto muna niyang bigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya.

Sa press conference ng kanyang upcoming weekend TV series na Wansapanataym Presents: Yamishita’s Treasure, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Coco kung worth it ba na isakripisyo ang sarili niyang kaligayahan para sa kanyang pamilya.

Tugon ng 33-year-old Kapamilya actor, “Oo naman.

"Sabi ko nga, kagaya ng mga magulang ko, kagaya ng lola ko, mas inisip nila ang pamilya niya, mas inisip niya ang palakihin kami nang maayos kesa sa sarili niya.

“Kumbaga, yun lang ang mga bagay na sinusuklian ko na natutunan ko nung bata ako, na parang mas gusto ko munang i-priority ang pamilya ko ngayon.

“And then, 'pag maayos na talaga, settled na ako, dun ko lang talaga medyo maiisip na ilagay sa maayos ang sarili ko.

"Na, this time, siguro ito na ang tamang panahon para magkapamilya na ako."

Nakapanayam ng entertainment press si Coco sa presscon ng Wansapanataym Presents: Yamishita’s Treasure nitong Martes, March 10.


IDEAL AGE. Sabi pa ng award-winning actor, 35 hanggang 40 years old ang ideal age ng pag-aasawa para sa kanya.

Paliwanag niya, “Kasi ngayon, ang mga kabataan, hindi naman nagmamadali, e.

“Nakakatuwa nga ngayon kasi mas iniisip natin yung kinabukasan, yung future.

“Saka ngayon, hindi lang yung traditional na lalaki lang yung nagtatrabaho.

"Ngayon, pati dapat ang babae, kahit papa'no, kumbaga may magandang career, may magandang trabaho.

"Para makipagtulungan sila na para mas mapabuti nila yung pagpapalaki ng pamilya nila."

Sundot na tanong ng PEP: Hindi pa ba siya sinasabihang mag-asawa na ng mga mahal niya sa buhay?

Sagot ni Coco, “Madami, honestly, sobrang dami.

"Siyempre, lalo na yung mga batchmates ko nung high school, nung college, parang ako na lang yata yung hindi pa lumalagay sa tahimik.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko nga, may tamang panahon para diyan.

"Sabi ko nga, ang inaasikaso ko, yung pamilya ko talaga, yung mga kapatid ko, yung mga magulang ko.

“After that, sana magkaroon ako ng kahit two years or three years para sa sarili ko.

"And then, after that, bubuuin ko ang sarili kong pamilya."


FOR HIS FAMILY. Matagumpay man ang kanyang showbiz career, para kay Coco, ang kanyang pamilya ang tunay niyang kayamanan.

“Para sa akin po talaga, kung anuman lahat na meron ako ngayon, siguro sobra-sobra yung dumating sa akin.

"Pangarap ko lang talaga dati magkaroon ako ng trabaho.

“Hindi ako pinalad na magkaroon ng maayos na pamilya nung bata ako dahil separated ang parents ko.

“Ang pinaka-treasure ko lang, magkaroon ako ng maayos na pamilya.

“Kaya ngayon, sabi ko nga, ang mga kapatid ko, nakikita ko na kahit papa'no, nagkakaroon ng direksiyon ang buhay.

"Nagagampanan nila o naging maayos ang anak nila.

“Yun yung kayamanan na maituturing ko.”

Ibinahagi rin ni Coco na sa loob ng isang taon (365 days), “Siguro 340 days, nagtatrabaho ako.

"Hindi ako napapagod, kasi 'pag umuuwi ako sa bahay, honestly, sobrang saya ko kahit wala akong ginagawa.

"Kapag nakikita ko ang pamilya, nandiyan na buo, nakikita ko na masaya sila...

“Hindi man kami kumakain ng sobrang yamang pagkain, pero nakikita ko na kumakain sila nang tama.

“Hindi ko man sila nabibigyan ng sobrang garang damit, pero napagsusuot ko ng malinis na damit kahit papa'no.

"So, masaya ang pakiramdam ko."

Saad pa ni Coco, “Mapapansin niyo, as a person, sa bahay ko, may katabing lote 'yon, hindi akin 'yon.

"Pero meron dun kubo, 'di ba... kung napanood niyo sa Kris TV.

"Ang dami kong kubo kasi yun lang ang pangarap ko, e.

“Yung pagkatao ko, para akong probinsiyano, yun bang yung simpleng ganito lang, sobrang saya na ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Makakita lang ako ng konting tanim, 'tapos makikita ko ang pamilya ko, magkakasama kami, sabay-sabay kaming kumakain, hindi matutumbasan ng pera 'yon.

“Minsan, hindi ko alam kung paano ko gagastusin ang pera ko, kasi hindi ako sanay na maraming hinahawakang pera.

“Gabi-gabi, ganito lang ang kinakain namin, simple lang.

"Dahil ang ginagawa ko, lalo na ngayon, ini-invest ko yung kinikita ko.

"Kahit papa'no, hindi para sa akin, para sa kanila.

"Dahil siguro sa sobrang pinaghahandaan ko, na laging iniisip na matatapos ito, mawawala rin ako, hindi na ako kikita ng ganito kalaki.

“Iniisip ko, pagkatapos nito, lahat kami gusto ko pantay-pantay. Maayos ang buhay namin.”

Dagdag pa ng aktor, “Yung bahay ko, yung ibang mga lote, nakapangalan sa kapatid ko, hindi sa akin.

“Kasi iniisip ko na kapag dumating yung time nagkaroon na ako ng pamilya, ayoko namang darating yung time na palalayasin ko sila, dahil gusto ko na mayroon silang karapatan dun.

“Dahil nung time na student ako, nagtatrabaho ako, pinosisyon ko na sila dun para kahit anong mangyari, hindi sila maaapi.”

Ang Wansapanataym Presents: Yamishita’s Treasure ay magsisimulang mapanood sa March 22, Linggo, sa ABS-CBN.

Makakatambal dito muli ni Coco si Julia Montes.

Makakasama rin sa espesyal na episode na ito ng Wansapanataym sina Eddie Garcia, Bing Loyzaga, Angel Aquino, Noni Buencamino, Arron Villafor, Marlan Flores, at Ryan Bang.

Coco Martin explains why he is not yet ready to settle down" data-url="https://www.pep.ph/news/49783/coco-martin-explains-why-he-is-not-yet-ready-to-settle-down" data-desc="Coco remains a "probinsiyano" despite his success in showbiz." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/26af35db5.jpg"> Coco Martin explains why he is not yet ready to settle down" data-url="https://www.pep.ph/news/49783/coco-martin-explains-why-he-is-not-yet-ready-to-settle-down" data-desc="Coco remains a "probinsiyano" despite his success in showbiz." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/26af35db5.jpg"> Coco Martin explains why he is not yet ready to settle down" data-url="https://www.pep.ph/news/49783/coco-martin-explains-why-he-is-not-yet-ready-to-settle-down" data-desc="Coco remains a "probinsiyano" despite his success in showbiz." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/26af35db5.jpg">


Coco Martin explains why he is not yet ready to settle down" data-url="https://www.pep.ph/news/49783/coco-martin-explains-why-he-is-not-yet-ready-to-settle-down" data-desc="Coco remains a "probinsiyano" despite his success in showbiz." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/26af35db5.jpg"> Coco Martin explains why he is not yet ready to settle down" data-url="https://www.pep.ph/news/49783/coco-martin-explains-why-he-is-not-yet-ready-to-settle-down" data-desc="Coco remains a "probinsiyano" despite his success in showbiz." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/26af35db5.jpg"> Coco Martin explains why he is not yet ready to settle down" data-url="https://www.pep.ph/news/49783/coco-martin-explains-why-he-is-not-yet-ready-to-settle-down" data-desc="Coco remains a "probinsiyano" despite his success in showbiz." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/26af35db5.jpg"> Coco Martin explains why he is not yet ready to settle down" data-url="https://www.pep.ph/news/49783/coco-martin-explains-why-he-is-not-yet-ready-to-settle-down" data-desc="Coco remains a "probinsiyano" despite his success in showbiz." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/26af35db5.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN