GMA Artist Center denies allegations of Atty. Ferdinand Topacio

Itinanggi ng GMA Artist Center ang paratang ni Atty. Ferdinand Topacio na kaya raw ito nagbitiw bilang legal counsel ni Aljur Abrenica ay dahil ito ang kundisyon nila upang buksan ang usapin ng settlement.


Mariing pinabulaanan ng GMA Artist Center ang mga alegasyon ni Atty. Ferdinand Topacio tungkol sa mga dahilan ng kanyang pagbibitaw bilang abugado ni Aljur Abrenica.

Ito ay kaugnay ng inihaing reklamo ni Aljur laban sa GMA Network upang mapawalang-bisa ang kontrata niya rito.

Sa statement na ipinadala niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, March 10, sinabi ni Atty. Topacio na kahit mutual ang desisyon nilang ito ng kanyang kliyente, may nakarating sa kanya na kung hindi siya bumitaw bilang lawyer ni Aljur ay hindi magbubukas ang anumang pinto ng settlement nito sa GMA.

Read: Atty. Ferdinand Topacio withdraws as Aljur Abrenica's legal counsel

Ngunit ayon sa talent arm ng Kapuso network, walang katotohanan ang paratang na ito ni Atty. Topacio, base na rin sa ipinadalang statement ng GMA Corporate Communications sa PEP ngayong araw, March 11.

Mariin din nilang itinanggi ang iba pang akusasyon ng abugado.

Saad pa sa pahayag: “GMA Artist Center did not demand for the withdrawal of Atty. Topacio and his law office as legal counsel of Aljur Abrenica in the case he filed against GMA Network.

"There is also no truth to the other allegations mentioned in Atty. Topacio’s statement about GMA Artist Center."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN