Nina denies trying to upstage Kyla, Juris in their ASAP performance

Nina explains that she did not try to upstage fellow singers Juris and Kyla during their performance in ASAP20 last February 22.


Nagpaliwanag ang Soul Siren na si Nina tungkol sa diumano’y pakikipagtalbugan niya kina Kyla at Juris sa production number nila sa anniversary episode ng ASAP 20.

Sa February 22 episode ng ASAP20, kinanta ng tatlong singers ang “Vision of Love” ni Mariah Carey.

Marami ang nag-react sa social media na diumano’y sinapawan ni Nina ang dalawang kasamahan nang mag-whistle ito sa huling bahagi ng kanilang song number.

“Ma-explain ko na ang sarili ko...” simula ni Nina nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media sa press conference ng Rising Stars Philippines ng TV5 noong Sabado, March 7.

“Yung whistle na 'yon, hindi 'yon surprise sa kanila [Kyla at Juris].

“Actually, hindi 'yon surprise sa production 'coz I was given the part na...

"Una, sabi, ‘O, Kyla, ikaw ang mag-whistle dito.’

"Sabi ni Kyla, ‘Hindi po ako. Si Nina.’

“So, sa akin ibinigay yung whistle.

"So, hindi 'yon surprise sa kanilang dalawa na magwi-whistle ako.

“Kasi ang akala nila, nag-whistle lang ako bigla.”

Pagpapatuloy pa ng singer, “Kaya para sa akin, kahit na sinasabi nila na nang-upstage ka or whatever, ibinigay sa akin yung part, e, so I should give my all, 'di ba?”


NOT INSECURE. Hindi ikinaila ni Nina na narinig niya ang mga paratang na gumawa siya ng eksena dahil sa pag-whistle niya, pero hindi na niya ito ikinagulat.

“Every time naman, lagi.

"Siguro the fact na kasama ko kasi si Kyla onstage sa ASAP, akala nila upstaging.

“Siguro kung si Kyla ang mag-whistle nun, baka siya rin ang sabihan mag-upstage siya sa akin.

“Parang nagkataon lang na ako ang binigyan ng part na mag-whistle.

"Siya din naman, ang galing niya nung part na yun.

"To each his own, e. Si Juris, ganun din."

Naaapektuhan ba si Nina kapag iniintrigang nai-insecure siya sa kapwa niya singers?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon niya, “Actually, sa mga ganyang issues, never akong naapektuhan sa ganyan.

"Kasi I do my best. I sing because of the Lord.

"Kasi ito ibinigay Niya sa akin, so I should give my best.

“I prepared for it,” pagtukoy niya sa kanyang ASAP20 performance.

Dagdag pa ni Nina, “Hindi ako yung biglaan na lang kumanta.

"Prepared ako talaga, kondisyon sa sarili, hindi yung binulaga ko lang sila na para magpa-upstage."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN