Zoren Legaspi reveals his fear if twins Mavy and Cassy enter showbiz

Zoren Legaspi on allowing his twins to join showbiz: "Dapat, maintindihan din nila na kapag nag-offer sila, maintindihan din nila na ang priority ng mga bata ay yung school at yung pagiging bata pa rin nila. In a sense na hindi natin sila pagtatrabahuhin kagaya ng mga regular child actors na talagang nagiging career na nila."


Ipinaliwanag ni Zoren Legaspi kung bakit hindi pa tuluyang sumasabak sa showbiz ang kambal nilang anak ni Carmina Villarroel na sina Maverick at Cassandra.

Bagamat lumalabas na ang dalawa sa commercials ay hindi pa sila nakakagawa ng teleserye o pelikula.

Saad ni Zoren sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong March 10, “Yung pag-aartista kasi, nandiyan ‘yan.

“Depende lang kung ano ang magiging offer.

“Pero dapat, maintindihan din nila na kapag nag-offer sila, maintindihan din nila na ang priority ng mga bata ay yung school at yung pagiging bata pa rin nila.

“In a sense na hindi natin sila pagtatrabahuhin kagaya ng mga regular child actors na talagang nagiging career na nila.”

Fourteen years old na ngayon sina Mavy at Cassy. Ito ang edad na nagki-click ngayon sa mga manonood.

Sabi naman ni Zoren, “Malapit na, lalo na kapag nag-hit na ‘yan ng fifteen, sixteen… ‘yan na ‘yan.”

Okey lang sa kanyang mag-artista ang kambal niya?

Sagot ng aktor, “Open ako, pero natatakot ako na mawala ang childhood nila. Gusto ko nae-enjoy nila yun.”

Okey lang din ba kay Carmina na mag-artista ang kanilang mga anak?

Ayon kay Zoren, “Mas okey ako, e.

“Kasi pagtanda mo, talagang magtatrabaho ka na.

“Ngayon, kung pupuyatin mo ‘yang kambal na ‘yan at nasa right age na, okey na.

“‘Di ba nga, ‘yan ang regret ni Michael Jackson, iyak siya nang iyak, ‘Where is my childhood?’

“Kasi, hindi mo na talaga mababalikan.”

Gusto ba ng kambal na mag-artista?

“Minsan gusto, minsan ayaw.

“Pero nakikitaan ko sila, ayaw pa lang nilang mag-concentrate doon.

“Pero yung focus nila, kung saan-saan na. Minsan nababanggit nila, e.”

POPULAR. Hindi pa man nag-aartista ang mga anak, pero dahil sa TV commercials na ginagawa nila ay marami na ring tagahanga ang mga ito.

Sabi ni Zoren tungkol dito, “Minsan nasa-shock sila. Hindi kasi nila akalain na celebrity sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Minsan si Maverick, hinahabol na talaga ng babae.

“Minsan sa mall, meron na talagang humahabol na mga babae.

“Sabi ko, ‘Wala kang choice, magpa-picture ka.’”

Sino ang mas habulin ng babae—siya o si Mavy?

“Iba ang dating nito,” pag-amin ni Zoren.

“Ang dating nito, may pagka-Elvis Presley. Yung pagka-magnet sa tao, ha, hindi lang sa babae, pati sa lalaki.

“‘Di ba, si Elvis noon, the way he looks, get-up niya, ayos ng buhok niya, ina-idol ng babae at lalaki?

"Yun ang lalaking ‘yan. Kaya nga, sabi ko, kung meron akong idol, siya.

“Naiinggit ako sa pagkaguwapo niya, pagkakulot niya. Yung katawan niya.

“Sana siya ako.”

May mga crush na ba si Mavy?

“Meron siyang crush, pero no big deal.

“Ang tawag nila dun, happy crush yata.

“Sabi ko, ‘Ano na namang bagong term ‘tong happy crush?’” natawa niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN