Robin Padilla serious about his intention to leave the Philippines

Robin Padilla says he is serious about leaving the Philippines because of his disappointment with the country’s justice system. Robin made a strong statement via Instagram last Monday, March 9, after Sajid Ampatuan, a suspect in Maguindanao massacre, was granted bail for P11.6 million.


Seryoso si Robin Padilla sa kanyang pahayag na lilisanin niya ang Pilipinas dahil dismayado siya sa sistema ng pamahalaan at hustisya sa ating bansa.

Matatandaang nag-post si Robin ng kanyang sentimyento sa Instagram noong Lunes, March 9, hinggil sa pagpayag ng Quezon City Regional Trial Court na makapagpiyansa ng P11.6 milyon at pansamantalang makalaya ang Maguindanao Massacre suspect na si Sajid Islam Ampatuan.

Read: Robin Padilla appalled by QC RTC decision to grant bail to Maguindanao massacre suspect Sajid Islam Ampatuan

Bahagi ng matapang na pahayag ni Robin sa kanyang Instagram post:

"Tunay po na wala ng naghaharing batas sa Inang Bayan Pilipinas, tunay po na walang piring ang mata ng hustisya, tunay po na walang ipin ang gobyerno sa mga makapangyarihang Tao...

"...I am leaving the Motherland ASAP, I am sorry gentlemen and women of the Katipunan, no room for change in this country, all this I cannot bear to witness any longer.

Tunay po na wala ng naghaharing batas sa Inangbayan Pilipinas, tunay po na walang piring ang mata ng hustisya, tunay po na walang ipin ang gobyerno para sa mga makapangyarihang Tao, tunay po na ang kagawaran ng hustisya sa bansang ito ay pinamumugaran ng syndikato, tunay po na nalalapit na ang eleksyon kayat ang mga pangil at kuko ng mga politiko ay nagsisimula ng magplano at magtanim ng mga Warlords, at tunay rin po na ang nalalapit na eleksyon ay gagohan.. My Almighty God, my creator Allah, pls take me out of this Forsaken Land....my wife @marieltpadilla bring me out of this Lawlessness,Insanity, Underworld,before its too late for us ... My leader @ricardopenson i am leaving the Motherland ASAP, i am sorry gentlemen and women of the Katipunan, no room for change in this country, all this i cannot bear to witness any longer @omengq Forgive me my everdearest mother @evacarinopadilla

A photo posted by robin padilla (@robinhoodpadilla) onMar 9, 2015 at 5:06am PDT

SERIOUS WITH HIS WORDS. Sa press conference ng Ascof Lagundi, ang bagong produktong iniendorso niya, ngayong Huwebes ng tanghali, March 12, tumanggi ang action superstar na pag-usapan ang isyu.

Ngunit nagbigay siya ng maiksing pahayag at pahaging na hindi siya nagbibiro sa planong umalis na lang ng Pilipinas.

Tinanong si Robin kung puwede ba siyang makaalis ng bansa kahit na may kontrata siya bilang endorser ng organic cough syrup.

“Alam niyo, yung bad news, 'kita mo naman ang suot ko puting-puti…” simula ni Robin na nakasuot ng puting damit.

“Para sa akin kasi, ang organic, wala itong lugar na pinipili,” dugtong niya, na ang tinutukoy ay ang kanyang organic living at gamot sa ubo na organic din.

“Kahit saan man ako makarating, hindi na rin siguro bibitaw ang Pascual [Laboratories, makers ng Ascof Lagundi].

"Siguro kahit hindi naman kami magkita ng Pascual, o may Ascof o wala, tuluy-tuloy ako sa organic revolution.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero itong rebolusyon na ito, hindi ito may lugar na sinasabi kung 'andito man ako sa Pilipinas o wala ako dito sa Pilipinas.

"Kahit saan man ako lupalop, maririnig at maririnig mo ang boses ko na may kinalaman sa organic.”

Sundot na tanong: Seryoso ba siya sa sinabi niyang aalis siya ng bansa?

“Baka ako palayasin nila dito kasi nagiging presscon ko na,” biro ni Robin.

Dagdag niya, “'Tsaka na natin pag-usapan ang tungkol diyan kasi sa ngayon, ayoko naman kainin ng panahon ng ating Pascual Laboratories sa presscon na hindi ganang akin.

"Ito ang bida dito. Ayoko munang pag-usapan ang personal ko."

Ngunit kambiyo ng aktor: “Pero isa lang ang sasabihin ko sa 'yo, hindi ako magpo-post ng isang bagay na hindi ako seryoso.

“Yun lang po. Tapusin muna natin dun.”

Pagkatapos ng presscon proper, tumanggi na si Robin na magpa-interview sa press.

Sinabi ng kanyang kampo na magkakaroon ng separate press conference para ibigay ang panig ng aktor tungkol sa kanyang pahayag na aalis na siya ng Pilipinas.


WILLING TO WORK WITH SHARON. Sa presscon ay inusisa rin si Robin kung willing ba siyang i-recommend ang bagong endorsement niya kay Sharon Cuneta, na nagbalik-Kapamilya at dating naging leading lady ng aktor.

Sinabi kasi ni Sharon sa kanyang contract signing sa ABS-CBN nitong Lunes, March 9, na kagagaling lang niya sa sakit.

Ayon kay Robin, “Si Ma’am Shawie, organic na 'yon.

"Si Sen. Kiko [Pangilinan, asawa ni Sharon], e, naging farmer 'yon, naging organic [enthusiast].

“Hindi imposible.

"Baka alam din ni Ma’am kasi nakita ko, napanood ko sa TV si Senator na nag-farming 'ata siya ng dalawang taon na organic.”

Willing pa ba siyang makatrabaho ang Megastar?

“Sa abroad namin gagawin yung pelikula. Bakit hindi?” makahulugang sagot ni Robin.


HEALTH IS WEALTH. Samantala, gaya ng kanyang iniendorsong gamot sa ubo, hinihimok ni Robin ang mga tao na magkaroon ng organic lifestyle, na ayon sa kanya ay susi para maging malusog.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Napakadami ko nang dinaanan sa buhay ko at napatunayan ko naman na naka-recover ako. At malaking bahagi nun 'pag organic po.

"Palagay ko, yun ang isang message natin sa mga kaeded ko na hindi pa huli ang lahat para ayusin ang kalusugan natin.

“Hindi po masama ang mag-invest sa kalusaugan.

"Yun po ang unang-unang dapat natin binibigyan ng investment, yung kalusugan natin.

"Dahil ‘yan ang isang bagay na masasabi nating tunay na kayamanan, yung ating kalusugan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN