Alex Gonzaga admits she was courted by gay: "Ang sakit, ‘di ba?"

Wala raw sini-set na deadline si Alex Gonzaga kung kailan siya magkaka-boyfriend. Sabi niya, “Wala akong deadline. Hindi importante yun. Don’t deadline yourselves!”


Dahil walang lovelife si Alex Gonzaga ngayon, sinabi ng co-star niya sa Inday Bote na si Matteo Guidicelli na may ipapakilala ito sa kanya sa birthday ng aktor.

Sagot daw ni Alex: “Really? Let’s see.”

Hindi ba siya interesado?

Paliwanag ng Kapamilya TV host-actress, “Hindi, marami talaga ang nagsasabi sa akin na, ‘Uy, may ipakikilala ako sa iyo, may ipakikilala ako sa iyo…’ Pero hindi nga nagma-materialize.”

Baka naman masyadong mataas ang standards niya?

“’Eto po ang aking pananaw, I don’t wanna settle yung standards na meron ako.

“Ayaw ko pong ibaba yun just to have someone beside me.

“Para po kasi sa akin, kapag dumating yung the one for me, at wala siya sa standards ko at sinabi ni Lord na para siya sa akin, magiging magkakagusto ako.”

Ano ba yung pinakauna sa listahan ng standards niya?

“Number one po sa akin yung lalaki siya… oo.

“Kasi minsan, ano... parang hindi na lalaki siya.”

Natanso na ba siya?

“Uhm… I think… I think!” sabay tili niya na sinundan ng halakhak.

Kambiyo agad ni Alex, “Pero non-showbiz siya.”

Paano niya nadiskubre?

“Hindi, parang may feeling lang ako… ayoko na siyang pag-usapan baka magalit siya.

“Huwag na lang. Non-showbiz naman siya kaya huwag naman.”

Pero sa kapipilit ng ilang entertainment press na sabihin niya kung paano niya nadiskubre, nagpaunlak na rin si Alex.

“May mga umamin sa akin na mga ano niya… may mga nagsabi sa akin. Ang sakit, ‘di ba?

“So, parang it’s up to them na lang to come out of the closet. Or baka naman phase lang yun [ng life].”

Tiniyak naman ni Alex na wala isa man sa kanyang mga leading men sa Inday Bote na sina Matteo at Kean Cipriano ang maging closet gay.

“Ay, hindi! Hindi talaga.”

GOD-FEARING. Maliban sa pagiging lalaki, ang isa pang priority sa kanyang standard ay ang pagiging God-fearing ng isang lalaki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Alex, “Kahit hindi siya religious, pero kilala niya si Lord.

“Ina-acknowledge niya ang presensiya ni Lord. Alam niya na may Diyos.”

Pero malaking bagay ba sa pamilya nila na isa ring born-again Christian ang makakarelasyon niya, gaya ni Paul Soriano na mapapangasawa ng kapatid niyang si Toni Gonzaga?

Sabi ni Alex, “Ako, hindi tumitingin.

“Basta, lahat naman tayo may Diyos. Ang Diyos niya ay Diyos ko at kinikilala niya.”

May deadline ba kung kailan siya magkaka-boyfriend?

“Wala akong deadline. Hindi importante yun.

“Don’t deadline yourselves!” pabiro niyang sabi.

Payag na ba sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy na magka-boyfriend siya?

“Puwede naman. Ngayon, puwede naman.

“Pero dahil personally natuto ka na nga rin, ayaw mo nang masaktan sa mga taong hindi naman worth it,” sabi niya.

TONI’S CAREER. Sa pamamayagpag ngayon ni Alex sa bakuran ABS-CBN, may nagsasabing parang pinapaikli nito ang career sa showbiz ng kanyang Ate Toni.

Parang gusto raw ni Alex na palitan agad ang kanyang kapatid.

Ngunit agad namang pagkontra ni Alex, “Alam niyo, ‘pag nakita ninyo ang gagawin ng ate ko, hindi niya iniiklian, pinapahaba pa nga niya.

“So, hindi. Kasi nakikita ko yung plano niya, yung mga gagawin niya.

“I don’t see her stopping anytime soon.

“Siguro puwedeng mag-slow down after magpakasal, mga ilang weeks lang, hindi buwan… hindi talaga.”

Sa palagay ni Alex, kapag nagpahinga kaya ang ate niya sa showbiz ay maaapektuhan ang career nito?

Sagot niya, “Hindi. Kasi nga, hindi ko siya nakikitang magpapahinga.

“Puwera na lang kung mabaldo siya… huwag naman sana.

“Pero wala pa, e. Wala pa sa plano nila yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN