Ed Sheeran’s bodyguard apologizes for calling Filipino photog a “monkey”

Ed Sheeran’s crew explain to NAIA immigrant personnel that one of their companion’s “monkey” remark to a Filipino is just an expression and meant no harm.


Humingi na ng paumanhin ang isa sa mga kasamahan ng British singer na si Ed Sheeran pagkatapos nitong sigawan ang ilang Pinoy fans ng singer at tawaging “monkey” ang isang Pilipinong photographer.

Dumating sa bansa si Ed nitong Miyerkules, March 11, para sa kanyang concert sa Mall of Asia Arena, Pasay City, na gaganapin ngayong Huwebes, March 12.

Bahagi ito ng Asian leg ng kanyang World Tour.

Paglapag ng sinasakyang eroplano ng British singer sa NAIA Terminal 3, binigyan siya at ang kanyang 9-member entourage ng security assistance ng Manila International Airport Authority upang mapabilis ang inspeksiyon sa kanila.

Dahil maraming fans ang nakaabang, naging mahigpit ang mga kasamahang bodyguards ni Ed sa pagbabantay sa kanya, ayon sa ulat ng GMA News TV.

Nagkaroon umano ng tensiyon at narinig ang isa sa mga bodyguard ni Ed na sumigaw at tawagin ang isang Pilipinong photographer na “monkey.”

Agad naman daw kinausap ng immigration personnel ang 'di kinilalang bodyguard, na humingi naman ng paumanhin.

Pinagsabihan daw ng mga immigration personnel ang nasabing bodyguard na iwasan ang paggamit ng racial remarks at pinaalalahanan pa na posibleng hindi na siya makapasok sa bansa dahil dito.

Nagpaliwanag naman ang iba pang kasamahan ng singer at sinabing isang “expression” lamang ang sinabi ng kanilang kasama at wala itong intensiyong makasakit.

Pagkatapos sa Pilipinas, naka-schedule namang pumunta si Ed sa Singapore at Kuala Lumpur.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN