Julia Montes admits Coco Martin is the standard of her ideal guy

Julia Montes on Coco Martin: "Saludo ako sa kanya bilang lalaki, bilang tao... Kasi minsan, sa umpisa, ‘pag nakilala mo na ang isang tao, sa umpisa lang ‘yan. Pero sa kanya, sa tagal po naming nagkasama, mas nakikilala ko siyang lalo. Wala pa akong hindi nakikitang hindi okey.”


Itinuturing ni Julia Montes na isang inspirasyon si Coco Martin dahil sa naabot ng aktor sa buhay.

Gusto rin tularan ng Kapamilya young actress ang pagsisikap ng aktor para maabot din niya ang kanyang sariling mga pangarap sa buhay.

Saad ni Julia, “Kasi, parang parehas kami na nagsimula sa wala and then pumasok lang kami sa work na ito para…

“Prangkahan po talaga, para po sa money, to help our family.

“Pero ngayon, nabigyan ng opportunity na napagkakatiwalaan.

“Iba talaga more than anything, masaya.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Julia matapos ang presscon proper ng Wansapanatym Presents: Yamishita’s Treasure, noong Martes, March 10, sa Limbaga 77 restaurant.

IDEAL GUY. Obserbasyon ng ilang miyembro ng press, tila isinusunod din ni Coco sa pattern ng kanyang buhay si Julia dahil sa pag-amin ng aktor na pinipigilan niyang magpaligaw ang kapareha para hindi raw masira ang focus nito sa pagtatrabaho.

Paglilinaw naman ni Julia tungkol dito, “Hindi naman pigil. May mga advices lang siya.

“Tama naman kasi binibigyan nga ako ng opportunity at hindi lahat ng kabataan, nabibigyan ng opportunity na ganito.”

Hindi ba naiisip ni Julia na parang tinatrato siyang girlfriend ni Coco kaya ayaw nitong paligawan siya o feeling kuya siya nito?

Saad niya, “Walang category na ano, e…

“Pero saludo ako sa kanya bilang lalaki, bilang tao.

“Parang lagi kong sinasabi na parang wala akong masabing masamang tinapay.

"Kasi minsan, sa umpisa, ‘pag nakilala mo na ang isang tao, sa umpisa lang ‘yan.

“Pero sa kanya, sa tagal po naming nagkasama, mas nakikilala ko siyang lalo.

“Wala pa akong hindi nakikitang hindi okey.”

Maliban dito sa Yamishita’s Treasure, nagkasama na sina Julia at Coco sa mga teleseryeng Walang Hanggan at Ikaw Lamang, at sa pelikulang A Moment In Time.

Masasabi bang si Coco ang standard ng kanyang ideal guy?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Julia, “I think, yes.

“Kasi kung paano siya sa family, kung paano siya sa mga katrabaho niya, iba siya, e.”

NEEDS TO BE IN LOVE. Sa presscon proper, inamin ni Coco na kailangan niyang ma-in love sa kanyang leading ladies para mai-deliver nang tama ang kanyang romantic scenes.

Ilang acting projects na ang pinagsamahan nila ni Julia, sa pelikula at TV series. Ibig sabihin, ilang beses na ring “na-in love” sa kanya si Coco.

Ano ang reaksiyon dito ni Julia?

Sagot ng 19-year-old actress, “Mixed emotions po…. Nahihiya po ako, katabi ko po siya kasi, e.”

Siya ba ay na-in love na rin kay Coco o muntik nang umibig pero pinigil lang niya?

“Crush ko siya,” mabilis niyang pag-amin.

“Siguro crush, yes. Iba yung paghanga ko sa kanya.”

Paano yung paghanga?

“Ang hirap naman pong i-elaborate yun… siguro po hindi ako mabilis ma-amaze sa isang lalaki.

“Pero sa kanya, naa-amaze ako kung paano niya… buong pagkatao niya.

“Ang hirap i-express kasi hindi lang bilang artista o bilang aktor ka magagalingan, kundi kung paano siya sa buhay bilang tao, apo, bilang kapamilya.”

Ano ba ang dapat gawin ni Coco para maging pormal na ang kanilang relasyon?

Sagot ni Julia, “Focus muna sa work… siya naman ang nag-advice nun, e.

“Siguro ngayon, nandun pa ako sa point na siyempre family pa rin talaga.

“Ako kasi, ‘pag nagbigay ako ng time and effort, all out.

“Siguro 'pag darating ako sa ganung point na magkakaroon ng relationship and anything, yung alam ko sa sarili ko na settled ang family ko.”

May mga nanliligaw ba sa kanya ngayon?

Sagot ni Julia, “Takot sila sa akin, e. Wala.

“Medyo ang dating nila sa akin, suplada.

“Pinangungunahan ko na, ‘O, ganito tayo, ha?’

“Para mapi-feel nila na parang, ‘Wala ‘ata akong [pag-asa] dito, e.’

“Sumusuko na agad.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN