Sef Cadayona denies bad breakup with Yassi Pressman: “Kung meron man siyang sinasabi, nasa kanya na yun.”

Ayaw nang patulan pa ni Sef Cadayona ang paminsa-minsan pa ring patutsada ng ex-girlfriend niyang si Yassi Pressman. Sabi ng Kapuso comedian, “Ako, never naman ako magsasalita anything against her.”


Mukhang may sama pa ng loob si Yassi Pressman sa ex-boyfriend nitong si Sef Cadayona.

Hiningan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Yassi ng birthday message para kay Sef noong nakaraang linggo, pero wala raw siyang mensahe para rito.

Kaya naman nang matiyempuhan ng PEP si Sef, inusisa namin ito kung talaga bang “bad breakup” ang naging hiwalayan nila ni Yassi.

Tugon nito, “Kami ni Yassi? Hindi naman.

“Pero yun nga, I guess, uulitin ko lang ulit yung sinabi ko.

"Kung meron man siyang sinasabi, nasa kanya na yun."

Halos dalawang taon na ang nakalilipas mula nang mag-break sina Sef at Yassi, pero bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin okey ang kanilang pakikitungo sa isa’t isa?

Saad ng Kapuso star, “Actually, ayos na kami.

"Kung meron man nga siyang sinasabi na mga ganyan, bahala siya.

“Kung yun yung gusto niyang sabihin, e, di okay, God bless.

“Pero as far as I’m concerned, nung naghiwalay kami, alam naman ng lahat na maayos, kaya hindi ko alam kung bakit ganun.

“Pero ganun talaga, e.

"Ako, never naman ako magsasalita anything against her. Hindi ako ganun.

"So, yun, good luck to her."

Nakausap ng PEP si Sef sa birthday celebration nito, kasama sina Benjamin Alves at Dion Ignacio, sa Kanlungan ni Maria (Home for the Aged), Antipolo City, nitong Huwebes ng hapon, March 12.

So, hinahayaan na lang niya kung may mga sinasabi pa si Yassi laban sa kanya?

Saad ng 26-year-old comedian, “Oo. Dapat.

"Alam mo namang… ayoko namang parang sabihin pa na nagiging masama pa ako.

“E, ayoko naman ng ganun.

"Siyempre dapat, happy-happy lang. 2015 na, ‘di ba?

"I-celebrate na natin ang 2015 na isa siyang magandang taon at magandang career."

Ang wish lang daw niya sa kanyang ika-26 kaarawan ay maging successful ang sarili nitong comedy show na Sabado-badoo, kasama si Betong Sumaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN