Does Kean Cipriano have repressed feelings for Alex Gonzaga?

Kean Cipriano couldn’t be any happier for Alex Gonzaga now that she’s a soaring success. "Hindi naman siya nagbago, ever. Kung nagbago man siya, it’s for the better, or best."


Muling magkakatrabaho ang dating naugnay sa isa't isa na sina Kean Cipriano at Alex Gonzaga sa TV remake ng Inday Bote sa ABS-CBN.

Huli silang magkasama sa Praybeyt Benjamin 2, na naging topgrosser noong 2014 Metro Manila Film Festival.

Dahil sa madalas na pagsasama nina Kean at Alex, marami ang naghihinalang posibleng madugtungan ang naunsiyami nilang relasyon noon.

Pagkatapos ng grand presscon ng Inday Bote noong March 10, inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kean kung wala na ba talagang pag-asang muli niyang suyuin si Alex.

Sagot ng singer-actor, "That's something we never know, I can't really tell.

"Kasi 'pag sinabi ko na 'Yes, oo meron, ' parang ang feeling ko naman, 'di ba?

"Hindi naman.

"One thing is for sure, this is gonna be magical.

"Magical yung part na yun, na hindi namin alam kung ano ang mangyayari.

"I'm single, she's single.

"Kumbaga... enjoy namin yung gagawin naming show, 'di ba?"


SAME ALEX. Marami ang gustong malaman kung bakit parang naghu-hold back siya sa nararamdaman niya para kay Alex.

Dahil ba ibang Alex Gonzaga na ang actress-TV host ngayon at malayo na kung ikukumpara noong panahong malapit pa sila sa isa't isa?

Ayon kay Kean, "Well, she's always gonna be the Alex Gonzaga that I know.

"Hindi naman siya nagbago, ever.

"Kung nagbago man siya, it's for the better, or best, I assume.

"'Pag may nakikita kang tao na kasama mo from way back, kilala mo na kaibigan mo off cam and on cam, you're gonna be always proud of the girl.

"Nakikita ko siyang gumagawa ng teleserye on a primetime, gumawa kami ng movie, sobrang namamayagpag yung career ni Alex Gonzaga.

"I can never be happier for her.

"Kasi magkasama sa... part ng rise niya to where she is now.

"Malaking bagay na nasaksihan ko yun."


REGRETS? May panghihinayang ba sa parte niya na pinakawalan niya noon si Alex?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakangiting pahayag ni Kean, "Nandiyan lang naman siya.

"When it comes to emotions kasi, mahirap i-describe yun, e.

"Kung lagyan ko kasi ng romantic aspect yung bagay na, 'Sayang, baka puwede naman tayong mag-date?'

"Yung mga ganyan, I don't think it's gonna work like that.

"It's more like us being genuinely friends.

"Let's take it from there."


FEELING LUCKY. Patuloy pa ni Kean, "She's definitely a part of the definition of my whole career.

"Ayun nga, since day one, magkasama na kami.

"Hindi ko nga alam kung bakit [noon] ay nagti-taping ako. Kumbaga, she guided me through.

"Ang suwerte ko, kasi sa simula, ang kasama ko ay isang maayos na tao—si Alex yun."


MAGICAL. Hindi kaya ito rin ang dahilan kung bakit pareho silang single ngayon? Na sa huli ay silang dalawa pala ang nakatakdang magkatuluyan?

Biglang napaisip ang lead vocalist ng bandang Callalily.

"Now I'm thinking about that. Ayaw ko lang talaga kasing mag-ano...

"Although, I know you guys, what you wanna hear. I know what you want from me.

"Pero kumbaga, I'm just being honest.

"Kasasabi pa lang ni Alex na kapag na-distract kami dun sa 'Hey, let's do something na may emotions involved o may affair,' baka hindi pa siya sa ganyan.

"Ako, kumbaga, 'andun ako sa tagline nung show namin sa Dreamscape na Inday Bote, na it's gonna be 'summer-magical love,' alam niyo yun?

"Whatever happens naman, yun ang mangyayari, and I'm diving into the unknown.

"Yun naman ang gusto ko.

"Kasi when we start talking na... yung before, I don't think it's gonna help."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN