Liezl Martinez dies at 47

Former actress Liezl Martinez, wife of actor Albert Martinez and only daughter of Amalia Fuentes and Romeo Vasquez, passed away Saturday morning, March 14, after a long battle with breast and lung cancer.


Pumanaw na ang aktres na si Liezl Martinez sa edad na 47.

Si Liezl ay misis ng aktor na si Albert Martinez at nag-iisang anak ng veteran stars na sina Amalia Fuentes at Romeo Vasquez.

Ilang taon ding nakipaglaban si Liezl sa sakit na breast at lung cancer.

Ayon sa statement na ipinadala ng mga kaanak ni Liezl, mapayapang pumanaw ang aktres ngayong Sabado ng umaga, March 14.

Ayon naman sa tiyuhin ni Liezl na si Cheng Muhlach, mula pa noong March 9, Lunes, ay nasa ospital na ang kanyang pamangkin.

Narito ang opisyal na pahayag ng mga malalapit kay Liezl tungkol sa kanyang pagpanaw:

"Anna Lisa ‘Liezl’ Sumilang Martinez, peacefully passed away in her sleep at 6:15 this morning, 14th of March 2015. She was 47.

"Liezl is surrounded by her beloved husband, Albert; precious children, Alyanna, Alfonso, and Alyssa; loving mother, Amalia; father Bobby; and her relatives at this time of love and grief.

"Thank you for your continued prayers. The family shall be sharing the funeral announcement soon."

Napag-alaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na ang burol ng mga labi ni Liezl ay gaganapin sa Heritage Park Chapels and Crematory sa Taguig City.

Bumuhos naman ang pakikiramay mula sa mga kaibigan at netizens sa huling Instagram post ni Albert (@albertmartinez_) noong March 7, Sabado.

Ang nasabing post ni Albert ay kuha nila ni Liezl habang nasa isang bus stop sa biyahe nila sa Barcelona, Spain noong 2013.

Caption niya dito: "#Barcelona2013 ..advance Happy Birthday @liezlmartinez .. Next #Hawaii2015!"

Magdiriwang sana ng kanyang 48th birthday si Liezl sa March 27, at tila nakaplano na rin ang kanilang biyahe sa Hawaii ngayong taon.

#Barcelona2013 ..advance Happy Birthday @liezlmartinez .. Next #Hawaii2015!

A photo posted by Albert Martinez (@albertmartinez_) onMar 6, 2015 at 7:26pm PST

Isa marahil sa mga huling kuha nila bilang isang pamilya ang larawang ipinost ni Albert sa Instagram noong Christmas 2014:

Merry Christmas to all ...........

A photo posted by Albert Martinez (@albertmartinez_) onDec 23, 2014 at 6:50pm PST

FROM CHILD STAR TO WIFE, MOTHER... Si Liezl ay nagsimula sa showbiz bilang child actress sa edad na 4, gamit ang screen name na Anna-Lissa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kabilang sa mga nagawa niyang pelikula bilang child actress ay ang Portrait of an Angel (1971), Liezl at ang 7 Hoods (1971), Europe Here we Come (1971), Pinokyo en Little Snow White (1972), Poor Little Rich Girl (1972), at Anghel ng Pag-ibig (1972).

Nang magdalaga siya ay inilunsad siya, gamit na ang screen name na Liezl, sa pelikulang Ibulong Mo Sa Puso na ipinalabas noong 1984.

Naging katambal niya rito ang isa sa pinakasikat na matinee idol noon—si Albert Martinez.

Habang ginagawa nila ang pelikula ay nagkagustuhan sina Liezl at Albert.

Sa kabila ng mahigpit na pagtutol ng ina ni Liezl na si Amalia Fuentes ay nagtanan ang dalawa at nagtungo sa Amerika kung saan binuo nila ang kanilang pamilya.

Nang bumalik ang kanilang pamilya sa Pilipinas ay lumabas muli si Liezl sa ilang pelikula at TV shows.

Kahit na may sakit ay nanungkulan din si Liezl bilang miyembro ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN