Albert Martinez pays tribute to his late wife Liezl: "I owe everything to her."

IMAGE Albert Martinez's Instagram account

Isang madamdaming mensahe ang ipinost ni Albert Martinez sa Instagram para sa kanyang asawa na si Liezl Martinez, na pumanaw kaninang umaga, March 14, pagkatapos ng ilang taong pakikipaglaban sa sakit na cancer.


Ilang oras pagkatapos lumabas ang balita tungkol sa pagkamatay ng aktres na si Liezl Martinez ay isang madamdaming mensahe ang ipinost ng kanyang mister na si Albert Martinez sa Instagram ngayong hapon, March 14.

Sa kanyang mensahe ay nagbigay-pugay si Albert kay Liezl na tinawag niya bilang "my wife, my partner, my best friend."

Dagdag pa niya, "We grew up together. We raised a family together."

Bilang isang ina ay ibinigay raw ni Liezl ang kanyang buong buhay para sa kanilang mga anak.

Sina Albert at Liezl ay mayroong tatlong anak—sina Alyanna, Alfonso, at Alyssa.

Ayon pa sa aktor, utang niya ang lahat—matagumpay na career at masayang tahanan—dahil sa kanyang misis."

Narito ang kabuuan ng Instagram post ni Albert kalakip ang larawan nila ni Liezl:

Nagkakilala sina Albert at Liezl nang gawin nila ang pelikulang Ibulong Mo Sa Puso noong 1984.

Habang ginagawa nila ang nasabing pelikula, na magsisilbi sanang relaunch ni Liezl bilang young actress, ay nagkagustuhan sila.

Bagamat mahigpit na tinutulan ng ina ni Liezl na si Amalia Fuentes ang kanilang relasyon ay ipinaglaban pa rin ng dalawa ang pagmamahalan nila. Nagtungo sila sa Amerika at doon bumuo ng saril nilang pamilya.

Pumanaw si Liezl kaninang bandang 6:15 A.M. matapos ang mahabang pakikipaglaban sa breast at lung cancer. Siya ay 47 years old.

Sa March 27 ay ipagdiriwang sana ni Liezl ang kanyang ika-48 kaarawan.

Ang burol ng mga labi ni Liezl ay gaganapin sa Heritage Park Chapels and Crematory sa Taguig City.

Read: Liezl Martinez dies at 47


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN