Manny Pacquiao buys Beverly Hills mansion previously owned by Jennifer Lopez

“May privacy siya at maganda. I’m pretty sure that my wife will love it,” says Manny Pacquiao about the Beverly Hills property he bought. The mansion was previously owned by Hollywood singer-actress Jennifer Lopez.


Binili na ni Manny Pacquiao ang isang mansion sa Beverly Hills, California, na naging pag-aari umano ng Hollywood singer-actress na si Jennifer Lopez.

Ayon sa ulat ng GMA News ngayong Sabado ng gabi, March 14, nabili ng Pambansang Kamao ang nasabing property sa Amerika sa halagang $12 million o katumbas ng mahigit PhP400 million.

“May privacy siya at maganda. I'm pretty sure that my wife will love it,” sabi ni Manny sa isang panayam na iniere ng Startalk kanina.

Ang 3,000 square-meter property ay may siyam na kuwarto, home theater, at salt water swimming pool.

Tumingin din ng isang warehouse property si Manny sa East L.A. kamakailan para sa binabalak niyang sports complex.

NO RETIREMENT YET. Samantala, sa eksklusibong panayam ng Startalk sa asawa ni Manny na si Jinkee Pacquiao, nabanggit nitong puspusan na ang pag-eensayo ng asawang boksingero para sa laban nila ni Floyd Mayweather Jr. sa May 2.

“Ngayon pa lang nagte-train na tayo for the victory.

“Alam ng mga tao sa buong mundo, alam na maglalaban sila.

“Siguro there's a little bit pressure kay Manny kasi dala-dala niya ang bansang Pilipinas,” sabi ni Jinkee.

Kaya naman hiling niya, “Ini-encourage ko po ang lahat ng mga Kapuso, lahat ng fans ni Manny sa buong mundo, sa Pilipinas, sana magtulungan tayo at magkaisa tayo na ipagdasal siya sa kanyang upcoming fight on May 2.

“Ipagdasal talaga siya para manalo sa laban.

“Ngayon pa lang, nagpapasalamat na ako sa inyong lahat, sa lahat ng prayers at suporta ninyo.”

Tinanong din si Jinkee kung magreretiro na si Manny pagkatapos ng laban nila ni Mayweather.

Tugon niya, “Nakapirma pa siya sa kontrata, e.

"Parang may ilang fight pa siya na natitira sa pinirmahang kontrata.

"Hindi pa siya magre-retire.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN