Arron Villaflor not in a rush to court Jasmine Curtis-Smith again

Arron Villaflor explains why he doesn’t want to rush his decision to court Jasmine Curtis-Smith: “Siguro it’s normal to ask what happened to them pero on the private side, on their relationship and what really happened, parang nahihiya naman akong magtanong. Both of them are my friends.”


Si Arron Villaflor ang gaganap muli bilang kontrabida ni Coco Martin sa Wansapanataym Presents: Yamishita’s Treasure.

Unang naging magkatunggali sina Arron at Coco sa seryeng Juan dela Cruz kung saan nanalo bilang Best Drama Actor si Coco samantalang inuwi naman ni Arron ang tropeo ng Best Drama Supporting Actor ka-tie si Arjo Atayde.

Dahil dito ay inaasahang makikita na naman ang husay ng dalawang actor sa Yamishita’s Treasure.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Arron sa nakaraang presscon ng Yamishita’s Treasure nung nakaraang Martes, March 10 sa Limbaga 77 resto, siniguro naman ng aktor na ibang atake ang ibibigay niya sa bago niyang role.

“Siguro mas lessen natin yung authority, kasi sa Juan dela Cruz may authority ako, kasi 'di ba pulis ako dun? May position sa police department.

"Dito I have to lessen being kontrabida, ginawa ko siya as normal although same sila as Prince. Prinsipe ako ng aswang sa Juan dela Cruz.

“Dito naman prinsipe ako ng mga engkanto. Ang ginawa ko, mas binawasan ko ng kaunti, mas ginawa kong ako. Ibang atake naman ang gagawin ko dito,” lahad niya.

VILLAIN ROLE. Binigyan kami ni Arron ng idea kung ano ang role niya sa Yamishita’s Treasure at kung gaano siya kasaya na nakasama siya sa nasabing show.

“I play the role of Arkin. Si Arkin is kontrabida ni Coco Martin.

“Gusto ni Arkin na mapasakanya si Julia [Montes] kasama niya sa Engkantao ngunit sa kasamaang palad, itong si Coco who is Yami hinahangad niya na makuha yung mga diyamante na nawawala.

“Para mahanap niya yun, nalaman niya na nandun sa lugar namin, kailangan niyang pumunta sa Engkantao world,” detalye pa niyang kuwento.

HAPPY WORKING WITH COCO AGAIN. Hindi naman maitago ang tuwa ni Arron noong nalaman niyang kasama siya sa naturang show.

Sabi niya, “Wow again! Unang-una nung tinawagan ako ng manager ko, 'Arron, makakatrabaho mo uli si Coco.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“'Ha? Talaga? Parang Juan dela Cruz na naman ito. Masaya na naman ito.'

“Sobrang saya ko, sobrang tuwang-tuwa ako at sobrang blessed ako nung binigay sa akin. I’m working again with my family, reunion na rin para sa amin.

“Ang sarap, e. Naka-ilang taping days na rin kami. Walang tension kasi nga Wansapanataym—para sa mga kabataan ito, para sa mga kids ngayong summer ito.

“More fun, more magical although there’s adventure but at the same time we also serve values for everyone.”

HONING HIS SINGING TALENT. Sa mga past interviews kay Arron ay nabanggit nito na gusto niyang subukan at pasukin ang mundo ng musika. Agad naming kinumusta sa aktor kung nasimulan na ba niya ang plano niya na maging isang singer.

Ayon kay Arron, “Hayun, patuloy pa rin na naghihintay.

Nag-eensayo ako, nag-aaral ako ng guitar lesson, ng voice lesson para 'pag nagkaroon ng pagkakataon, nabigyan ako ng project sa music, handa ako.

“Nag-recording na, my co-manager si Sir Erickson [Raymundo] of Cornerstone Entertainment, I was very happy dahil parang pinu-push niya talaga sa Ivory Records yung pagre-record ng album.

“Sabi ko sa kanya, 'Sir Erickson, I’m not in a hurry. I can wait anytime as soon as I’m ready. I’ll tell you that when I’m ready. That’s the time we can push through with my ideas.'”

“Nagsimula ako sa pagsasayaw pero naging inspirasyon ko si Bamboo, yung mga international singers natin like sila Adam Levine, sila Ed Sheeran.

“Kumbaga, sa akin hinahanap ko pa yung genre kung saan ako bagay.

“Gusto nila 'di pa rin mawala ang sayaw sa akin, siguro magiging similar to Justin Timberlake. Simple, mabango. Sing and dance, medyo sexy.”

NOT RUSHING TO COURT JASMINE. Bago pa man nagkarelasyon sina Jasmine Curtis-Smith at Sam Concepcion at nauwi sa breakup ang relasyon ng dalawa ay napabalita na unang nanligaw at napalapit sa dalaga si Arron. Ngayong hiwalay na ang dalawa, may pagkakataon kayang manligaw ulit ang aktor kay Jasmine?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m close to Sam Concepcion.

“Siguro it’s normal to ask what happened to them pero on the private side, on their relationship and what really happened, parang nahihiya naman akong magtanong. Both of them are my friends.

“'Di natin alam kasi maliit lang ang mundo natin. Pero ayoko munang magplano na, 'Hindi, liligawan kita.' Gusto ko darating na lang siya nang kusa.”

“Ngayon wala na kaming communication ni Jasmine, siyempre nakakahiya naman kay Sam,” saad niya.

HAPPY BEING SINGLE. Ayon kay Arron ay hindi naman siya nagmamadali na pumasok sa panibagong pakikipagrelasyon. Dito ay inamin ng aktor na seryoso talaga siya pagdating sa relationship dahil naranasan na niya noon kung paano lokohin at paasahin ng isang babae.

Diin niya, “'Di ako nagmamadali. My last relationship was June last year.

“Isa lang, loyal ako. Ha-ha-ha!

“'Pag nasa relasyon talaga ako, 'di ko kaya na sabay-sabay na dalawa.

“Kahit flings ayoko, mahirap din kasi kung yung babae gagawin din sa akin.

“Just being fair. Ayaw din naman natin na kunwari ako magtsi-chicks ako, gusto mo rin ba na yung girlfriend mo magbu-boys? Ang pangit, 'di ba?”

“Niloko ako before but it’s a good thing na rin that it happened to me early.

“Ganun lang ka-simple 'pag gusto mo relasyon, relasyon ka. 'Pag enjoy ka, enjoy lang.

“Ngayon, nag-e-enjoy ako, ang dami kong nakikilalang friends, grabe ang feeling ng single, kakaiba.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN