Beauty Gonzalez on age gap with non-showbiz BF: “It’s not about the age—it’s about respect, it’s about the love.”

Beauty Gonzalez on her much older non-showbiz boyfriend: “Sa totoo lang, sa lahat ng boyfriends ko, ngayon lang ako nakakita ng tao na sinusuportahan ako. Parang wala akong problema, kahit late akong umuuwi sa bahay ko, matured siyang mag-isip. Open, wala kayong tinatago sa isa’t isa at masyado niya akong spoiled.”


Isa sa inaabangan sa seryeng Dream Dad ng ABS-CBN, bukod sa istorya ng pagiging mag-ama nina Baste at Baby sa istorya na ginagampanan nina Zanjoe Marudo at Jana Agoncillo, ay ang love angle sa pagitan ng mga karakter nina Baste at Alex, kung saan gumaganap naman bilang Alex ay ang dating PBB housemate na si Beauty Gonzalez.

Kung may KathNiel (Kathryn Bernardo-Daniel Padilla), o LizQuen (Liza Soberano-Enrique Gil) loveteams, nabuo rin ang tambalang BasLex kung saan pinagsama ang pangalang Baste at Alex.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Beauty sa nakaraang thanksgiving presscon ng Dream Dad nung Huwebes, March 12 sa 9501 resto sa ELJ bldg. ng ABS-CBN, aminado naman ang aktres na kahit siya ay hindi niya inasahan na mainit na tatanggapin ng mga manonood ang tambalan nila ni Zanjoe na siyang nag-level up ngayon sa kanya na maging isang leading lady material ng Kapamilya network.

Ayon kay Beauty, “Sobrang saya, sobrang nakakatuwa, 'di ko akalain na dadami ang fans namin.

“'Di ko nga inexpect na ako ang leading lady niya. I’m still on cloud nine. Nakakatuwa, I’m just enjoying the moment.

“Ewan ko ba, kasi simpleng hawak ng kamay, simpleng hug, kinikilig na sila. It’s maybe because it’s more natural, it’s more sincere, alam mo na totoo lang ang ginagawa namin.

“Totoong nangyayari sa totoong buhay ng tao, hindi yung pang-Disneyland. Yung ano sa amin, simpleng hawak ng kamay, nakakakilig na.”

UNEXPECTED BLESSING. Inamin din ni Beauty na hindi niya inasahan na mabigyan ng papel bilang leading lady.

Pag-amin niya, “As leading lady? Hindi, hindi ko in-expect.

“Simpleng tao lang naman ako, simple lang ang pangarap ko. Magkaroon ako ng trabaho, kasi gusto ko naman ang ginagawa ko.

“Yung naging leading lady ako, bonus na lang yun.

“I’m very thankful with my Dream Dad family, with ABS, I’m very thankful with everyone who believes in me and for making my dreams come true.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukas na aklat naman na masaya si Zanjoe sa girlfriend niyang si Bea Alonzo at may non-showbiz boyfriend naman si Beauty.

EFFECTIVE LOVETEAM. Tinanong namin siya kung ano sa palagay niya ang mayroon sa tambalan nila na kahit alam na may kani-kanya silang relasyon ay kinagat pa rin ng tao ang tambalan nila.

Sagot niya, “Maybe because we love our job, we love our characters, we’re good friends, we became good friends.

“'Di ko naman siya ganung ka-close. Nung nakilala ko si Zanjoe napaka-down to earth niya, napakadali lang ng trabaho namin kasi minamahal namin ang trabaho namin at may respeto kami sa isa’t isa.

“Saka simple lang naman ang ginagawa namin, 'di mahirap sa amin ang ganun and we respect our partners also.”

Dahil sa kilig at chemistry na nakikita sa kanila ni Zanjoe, hindi raw kaya nagseselos ang boyfriend niya sa kapareha?

Mabilis niyang tanggi, “No, not a thing, kasi I make sure naman.

“Sa akin kasi, 'di naman magseselos ang isang tao kung wala kang ginagawang masama, kung wala kang clue, wala kang initiative or wala kang binibigay na dahilan.

“I mean, walang rason para makaramdam siya ng selos. Kinikilig nga siyang manood sa amin, affected siya. That’s a good thing.”

NON-SHOWBIZ BF. May ilang showbiz gatherings na nakita na ring kasama ni Beauty ang kanyang non-showbiz boyfriend. May ilang nakapansin na mukhang malaki raw ang age gap nila ng kasintahan.

Ayon naman sa aktres ay hindi naging isyu sa kanya ang edad pagdating sa pag-ibig. Nagbigay rin ng kaunting detalye si Beauty tungkol sa identity ng boyfriend.

Kuwento niya, “We’ve been going out exclusively for six months. Honestly, I've dated guys of the same age, but it didn't turn out quite right kasi pareho kaming mga sinungaling. Ha-ha-ha-ha!

“Ako kasi, it’s not about the age—it’s about respect, it’s about the love.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Unang-una talaga yung respeto sa isa’t isa, yung mabuting tao ka.

“'Di isyu sa akin ang edad. Masarap nga kasi gagawin kang baby.

“He’s an art collector, he has a financing business. Common friend, Ellen Adarna.

“Nakita niya ako sa magazine and he looks for me. He’s not married, I clarified, he’s not with someone, he’s single, he has kids... kids before and I‘ve met with his kids.

“He has four beautiful boys, I’m really good with his kids, I’ve met with his ex also.

“We’re really friends with his family, both sides of our families are okay.

“Everything is okay, walang problema. Ang problema lang lagi akong busy at naiintindihan niya yun, sinusuportahan niya ang gusto ko.”

IS HE “THE ONE"? Para kay Beauty, sa ganda ng tinatakbo ng relasyon nila ng kasintahan ay nararamdaman niya na maaring ito na ang lalakeng pakakasalan niya sa tamang panahon.

“Sana, oo. Ako tingin ko siya na.

“Sa totoo lang, sa lahat ng boyfriends ko, ngayon lang ako nakakita ng tao na sinusuportahan ako.

“Parang wala akong problema, kahit late akong umuuwi sa bahay ko, matured siyang mag-isip.

“Open, wala kayong tinatago sa isa’t isa at masyado niya akong spoiled. I enjoy it that he really takes good care of me.”

“Simpleng bagay like I’m staying in the South now, so binilhan niya ako ng Easy Tag [toll card] para 'di na ako pipila.

“Before I go to work, he calls my yaya to prepare food for me. 'Di naman ako kumplikadong pasayahin,” lahad niya.

ADMIRATION FOR ZANJOE. Hindi maiiwasang may ilang fans ng tambalan nina Zanjoe at Beauty na umaasa na baka puwedeng mauwi pa rin sa totohanan ang pagtatambal nila. Hindi naman itinago ng aktres na madaling magustuhan si Zanjoe, pero malabo nga ito dahil masaya sila sa kanilang mga relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sino ba namang 'di magkakagusto kay Zanjoe? Matangkad, guwapo, mabait, gentleman. Maybe, siguro, yun nga lang may mga partners kami and we’re very happy with our lives.

“Si Bea, suwerte. Ang ganda ng relationship nina Bea and Zanjoe, very simple, tahimik.

“Sabi ko nga sa kanya, idol na idol ko ang relasyon nila. I understand why Bea really loves him,” banggit pa niya.

THANKFUL. Nagpahayag naman si Beauty ng sobra-sobrang pasasalamat sa masusugid na tagasubaybay ng Dream Dad na siyang rason kung bakit consistent ang high ratings ng show. Ibinahagi rin ng aktres na maraming pagbabago ang nangyari sa kanya mula nang maging bahagi siya ng Dream Dad at gampanan ang role bilang Alex Sta. Maria.

Pagpapasalamat niya, “Siyempre overwhelmed, thankful na mataas ang ratings namin, nakakatuwa, unbelievable. Salamat sa writers, the show wouldn’t turn na maganda without the writers na sumusulat ng istorya.”

“Madami, maraming nagbago sa akin, sobra. 'Pag pupunta ako ng mall before simple lang, walang nagkakagulo.

“Ngayon 'pag nagpupunta ako ng mall, hinahanap na sa akin si 'President.' Ngayon tinatawag na akong Alex, ang daming nagbabago talaga, imposible na walang magbago.

“Nagkatotoo ang mga dreams ko, yung gusto ko na ikukulot ako dati, ngayon kinukulot na ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN