Sharon Cuneta reveals daughter KC Concepcion partially paid for the “eight-figure” hospital bill of the late Elaine Cuneta

Sharon Cuneta on the late Elaine Cuneta’s eight-figure hospital bill: “When my mama died, I didn’t know where I was gonna get the next million. At least KC gets her own. And then a month after, ’eto na, parang walang nangyari,” says Sharon, who revealed that her daughter KC Concepcion shouldered the hospital expenses following the death of the Megastar’s mom last November.


Ibinunyag ni Sharon Cuneta na bagama't walang-dudang siya ay financially stable, bahagya siyang namroblema kung saan kukuha ng pera nang pumanaw ang ina niyang si Elaine Cuneta noong November 5, 2014.

Ito ay sa kadahilanang umabot ng milyun-milyong piso ang halaga ng bill para sa pagkaka-confine sa ospital ng ina ng Megastar.

Sa eksklusibong panayam ng The Buzz host na si Boy Abunda, ipinaliwanag ni Sharon na karamihan sa naipon niyang pera ay naka-invest sa “high-end” real estate properties.

Kaya nang kinailangan ng Megastar ng pera ay hindi siya kaagad makapagbenta ng property na maaari sanang magpuno sa pambayad niya sa hospital bill ng ina.

“A few months ago, when my mommy was sick until the time she passed away, everything I had was in solid investments—in properties, mostly real estate, other solid investments.

“So you could not really dispose of them quickly because they’re all pretty high end.

“So, I can’t sell something in the amount of, you know what I mean, not overnight,” bungad na paliwanag ni Sharon sa isang taped interview na umere sa The Buzz kaninang hapon, March 15.

Ayon pa kay Sharon, ang anak niyang si KC Concepcion ang umakong magbayad ng initial payment na ginastos sa pampaospital ng yumaong ina ng Megastar.

Ngunit nilinaw ni Sharon na noong naibenta niya ang isa niyang pag-aaring real estate property ay ibinalik din niya agad kay KC ang inambag nitong halaga.

“It was an eight-figure bill. It was in tens of millions.

“So, si KC ang unang, siya yung nagbayad.

“'Tapos nung humingi ako ng deferred payment sa ospital for the last few million…

“And then the minute I gave it to someone—yung property alone, dito lang, malapit dito—I asked KC.

“Because she was insisting on paying kahit for small percentages kasi Mita [KC's monicker for her beloved Lola Elaine] niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So I said, ‘How much would you like to pay?’ She said, ‘Can we do this?’ I said, ‘No, I’ll give you bigger, I’ll give you this.’

“So binayaran ko siya 'tapos ok na, ok na ako,” paliwanag ni Sharon.

Dugtong pa niya, “'Tsaka marami akong naipon Kuya Boy, hindi nga lang sa cash.

“If I had something to sell, hindi ko naman ginagamit, benta ko na.”

Kuwento pa ni Sharon, isang buwan lang ang inabot ng paghahanap niya ng buyer sa naturang real estate property.

“When my mama died, I didn’t know where I was gonna get the next million.

“At least KC gets her own.

“And then a month after, eto na, parang walang nangyari.”

Diretsahan ding sinabi ni Sharon na walang masama kung magbenta man siya ng kanyang investment ‘tulad ng real estate property sa oras ng kagipitan.

Pahayag ng Megastar, “No, that’s why meron kang alahas. Meron kang real estate. Investments yun, e.

“Para pagdating ng araw, kapag kinailangan [ng cash], ibenta mo.

“Even some bags na hindi ko ginagamit, sabi ko, ‘These are my favorite bags, yung iba, yung mga luma na, they’re just taking up space, let’s sell na. So I did.’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN