Sharon Cuneta admits she regrets leaving ABS-CBN; opens up about being "too lazy" and "complacent" in the past

Sharon Cuneta on lessons learned from leaving ABS-CBN in 2011: “Like most people, you sometimes make decisions that you think are good at a certain time, and sometimes they’re based on very simple, nonsensical things like a tampo. And now I know that I should have talked to whoever I was in a tampo with here," says the Megastar in a taped interview aired on The Buzz this Sunday, March 15.


Inamin ni Sharon Cuneta, 49, na nag-ugat ang desisyon niyang umalis ng ABS-CBN noong 2011 dahil sa isang simpleng tampuhan sa isang 'di pinangalanang tao mula sa Kapamilya network.

Ngunit pagkatapos ng mga pagsubok na naranasan niya nitong mga nakalipas na taon ay natutunan umano ng Megastar na hindi dapat hayaang maapektuhan ng simpleng “tampo” ang mga importanteng desisyon niya sa buhay.

Mula sa pagiging exclusive star ng TV5 ay nagbalik-Kapamilya at opisyal na pumirma ng kontrata si Sharon noong nakaraang Lunes, March 9.

“I’m coming home from a place of humility.

“I have been disappointed millions of times in my life but not in this way so often.

“Maybe only once ever before compared to what I went through recently. Just those two periods.

“But I have never, ever allowed myself to feel defeated. Defeated is a different thing.

“I’m not defeated, I’m idle. That’s what I was telling myself.

“I had a good playing role and like most people, you sometimes make decisions that you think are good at a certain time, and sometimes they’re based on very simple, nonsensical things like a tampo.

“And now I know that I should have talked to whoever I was in a tampo with here.

“They know that very well here,” madamdaming pag-amin ni Sharon sa taped interview niya kay Boy Abunda sa The Buzz ngayong Linggo, March 15.

Pinagsisisihan ba niya ang pag-alis niya ng ABS-CBN?

Sagot ni Sharon, “I regret it because naturally I felt like a fish out of water.

“I really felt, 'Oh, now I can breathe again, I’m back in the ocean.'”

Aminado rin si Sharon na dumating siya sa punto na naging pabaya siya sa sarili at pati na rin sa kanyang showbiz career.

Sabi niya, “You get to a point that you keep trying and trying.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think I became too complacent, I became very lazy.

“I couldn’t even get to a point of pushing myself to lose weight ‘cause I was too complacent.”

Matatandaang noong August 2014, nagbahagi ng saloobin si Sharon tungkol sa kanyang pinagdaanang “mid-life crisis” sa pamamagitan ng kanyang emosyunal na Facebook posts.

Read: Sharon Cuneta apologizes to her fans: "I feel that I have let you down. I let myself go, I allowed myself to get fat and stay fat."

Sa pagpapatuloy ng kanyang panayam sa The Buzz, ipinaliwanag muli ni Sharon na isa sa mga dahilan kung bakit niya napabayaan ang kanyang showbiz career ay dahil masyado siyang nag-enjoy sa masaya niyang buhay-pamilya.

Aniya, “I was too contented so my career took a backseat kasi feeling ko nandiyan lang naman siya.

“It was really guilt over letting my Sharonians down. They were supporting even when they had nothing to support.

“And you were letting them down because you knew that in order to become a leading lady again. You have to lose weight.

“I was dying to release my creative juices, my acting chops and all, and I couldn’t do it because I was very limited.

“I had to make do with what was available.

“It was my fault too.”

Kasabay nito ay inamin ng Megastar na isa pa sa mga pagkakamali niya noon ay ang hindi pagbigay ng halaga sa oras ng kanyang mga kasamahan sa trabaho.

“That’s another thing. When you’re not happy where you are, parang ang hirap magbigay ng importansiya sa oras ng ibang tao, kung ano man naidudulot nila sa 'yo, sa buhay mo.

“That was I think my lowest point,” mapagkumbabang saad ng Megastar.

Sa kanyang pagbabalik sa ABS-CBN, kumpiyansa si Sharon na inspirado siyang magbalik-trabaho sa TV network na itinuturing niyang tunay na Kapamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lahad pa ng Megastar tungkol sa mga pagbabago at positibong pananaw niya sa trabaho: “Mas na-appreciate ko na ulit lahat ng grasya kaya nagpapasalamat din ako.

“’Tsaka alam mo, nung wala ako, I don’t wanna talk about other people, ako lang ‘to.

“Sabi ko nga, parang your feet may leave home but your heart stays.

“And before nasa kalye ako, naalala ko, minsan makikita ko ang van ng ABS-CBN, ang sakit-sakit sa puso ko, because I didn’t feel like I belonged anywhere else.”

Ayon pa kay Sharon, lubos siyang nagpapasalamat sa mainit na pagtanggap sa kanya ng big bosses ng ABS-CBN.

Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala kung paano siya itinuring na tunay na kapamilya ng mga ito, lalo na sa panahong may mga pinagdadaanan siyang depresyon.

“'Tapos ang hirap kasi hindi ko naman prinisinta yung sarili ko, pero kami nila Tita Charo [Santos-Concio, ABS-CBN President], we always kept in touch.

“Kami nila Tita Malou [Santos, Star Cinema managing director] we never talked about work, just love, just friendship.

“And when we had that secret meeting in August it’s so funny I didn’t know what the meeting was for.

“Baka sabi ko catching up lang dahil ang tagal naming hindi nagkita.

“And then they started talking about shows and movies.

“I was like this, just watching them and listening to them.

“And then when I asked Tita Charo, I said, ‘So, I’m coming home?’

“And the answer was, “Of course! Why are we here? Tinatanong pa ba yun Sharon? We’re a family.’

“So this is love, this is home, this is family.

“Like I said, I can breathe again. I’m this little fish back in the ocean,” masayang pagtatapos ni Sharon.

Read: Sharon Cuneta on leaving ABS-CBN before: "It was admittedly a little stupid of me and a little selfish."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN