Rita de Guzman changes name to Rita Daniela; focuses on singing career

Kapuso actress Rita de Guzman, now known as Rita Daniela, says she has come of age and is ready to shed her teenybopper image: “’Tapos na po yung Rita na Popstar Kid, yung sweet. So this time si Rita Daniela, edgy and matured na siya.”


Rita Daniela na ang bagong pangalan ng Kapuso young actress na si Rita de Guzman.

Una siyang nakilala sa tunay niyang pangalan na Rita Iringan nang sumali ito sa singing contest ng QTV-11 na Popstar Kids noong 2005.

Si Rita ang tinanghal na grand winner at isa sa tinalo niya ay si Julie Anne San Jose.

Noong bini-build up siya bilang batang kontrabida sa mga teleserye, pinalitan ang pangalan niya to Rita de Guzman.

Kabilang sa mga kontrabida roles niya ay sa mga series na The Last Prince, Pahiram ng Isang Ina, Alice Bungisngis and Her Wonder Walis, Paroa: Ang Kuwento Ni Mariposa, Mundo Mo’y Akin at Strawberry Lane.

REPRISING HER SINGING CAREER. Ngayon ay gusto nang balikan ni Rita ang pag-awit kaya napagkasunduan ng GMA Artist Center na palitan muli ang name niya to Rita Daniela.

Last March 11 ay pumirma ng kontrata si Rita with GMA Records sa GMA-7 Employees’ Multi-Purpose Cooperative (GEMPC) Building.

Present sa kanyang contract-signing ay sina GMA Artist Center Assistant Vice President for Talent Imaging and Marketing Unit Simoun Ferrer, GMA Records Managing Director Rene A. Salta at ang manager ni Rita na si Anna Puno.

Sa edad niyang 19-anyos, handa na si Rita para sa mas mature na mga awitin..

NEW ALBUM. Matagal nang pangarap ni Rita na magkaroon siya ng album kunsaan siya mismo ang pipili lahat ng makakasamang awitin.

“Yung album ko po, may pagka-dance R&B siya 'tapos yung iba pang-chill lang, and ito po talaga yung sound ko.

“'Tapos na po yung Rita na Popstar Kid, yung sweet. So this time si Rita Daniela, edgy and matured na siya.

“Sobrang happy ako, kasi finally po mashe-share ko na sa mga tao yung album na matagal ko nang hinintay,” pagmamalaki niya.

Nakapag-record na ng kanyang unang single si Rita titled “Fly High” na ire-release sa darating na Abril.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN