Heart Evangelista clears issue about Angelica Panganiban’s claim that she wasn’t invited to the wedding

Heart Evangelista says that it’s not true that Angelica Panganiban wasn’t invited to her wedding. She recalls, “In-invite ko siya. We were able to talk, sabi ko mag-bridesmaid siya, but she said na matagal na raw naka-book yung Japan [trip niya], kasama ang family ni John Lloyd. I said baka puwede siya sa Manila reception sinabi din niya na nasa Japan siya. Hindi ko na siya kinulit.”


Itinuturing ni Heart Evangelista na “mini-honeymoon” muna ang mga bakasyon nila ni Senator Chiz Escudero.

Pagkatapos nilang magbakasyon sa Amanpulo ay sa Japan naman daw ang susunod. Pero hindi pa raw iyon ang honeymoon nila.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Heart sa studio ng Startalk kahapon, Sabado, March 14.

Naikuwento ng Kapuso actress na magsisimula muna sila sa mini-honeymoon bago ang matagal na nilang binabalak na honeymoon sa Europe.

Pahayag ng aktres, “Wala rin kasi kaming time na umalis.

“Mag-start na ako ng taping sa April, 'tapos si Chiz marami rin asikasuhin sa Senate.

"Pero meron kami isang window na sa Holy Week magdya-Japan kami."

Pagkatapos ng Japan ay back-to-work na raw sila at malamang na sa susunod na taon na ang kanilang honeymoon.

Sabi ni Heart, “Gusto ko pumunta sa Monaco, gusto ko mabisita ang grave ni Grace Kelly, kasi I’m an avid fan.

“I also want to go to Spain. I want to go to Asturias kasi dun nanggaling ang family ng mommy ko.”


FAMILY REUNION. Ang gusto sana nina Heart at Chiz, bago matuloy ang kanilang honeymoon sa Europe, matupad na ang matagal na nilang binabalak na makaharap ang mga magulang ng aktres, kasama si Chiz at ang buong pamilya nito.

Kuwento ni Heart, “My dad asked me… the whole family, ang family ni Chiz, kung puwede kami magkita-kita.

“Pinaplantsa lang namin. We wanna do it carefully also.

“We wanna make sure na okey na okey na ang lahat.

"I think mas importante para sa akin yung kami muna talaga mag-usap bago ko dalhin silang lahat."

Pero nakatakda na silang magkita ng kanyang ama at kung papayag daw ito, dadalhin na niya si Chiz.

Natawa na lang si Heart dahil parang baligtad na raw ang nangyari, nauna muna ang kasal bago ang pamamanhikan.


ISSUE WITH ANGELICA? Bago matapos ang aming panayam, nilinaw rin ni Heart ang isyu nila ni Angelica Panganiban, kung saan sinabi ng Kapamilya actress na hindi naman daw siya imbitado sa kasal ng Kapuso actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag ni Heart, “In-invite ko siya.

"We were able to talk, sabi ko mag-bridesmaid siya.

"But she said na matagal na raw naka-book yung Japan [trip niya], kasama ang family ni John Lloyd.

“I said baka puwede siya sa Manila reception, sinabi din niya na nasa Japan siya.

"Hindi ko na siya kinulit."

Sabi pa ng Kapuso actress-TV host, “Nagulat din ako [sa sinabi ni Angelica], but at that time, yung friend namin, si Sarah [Christophers], was also seeing her.

“Parang ang sinabi niya yata kay Sarah na dapat kinulit ko siya. Kulang pala ako sa kulit.

“I’m sure magkikita din kami ulit.

“I’ll always be excited to see her, but at that time kasi, siyempre sobrang dami ko rin inaasikaso para tawagan ko siya.

“Ang parents ko nga, hindi pumunta.

"Sana maintindihan din niya na hindi ko siya paulit-ulit na tinawagan."

Pagkatapos ng isyung ito, itinuturing pa rin ba niyang best friend si Angelica?

Sagot ni Heart, “Sana naman din from my hearts of hearts. Kasi sobrang dami naming pinagsamahan since 14 years old, 15.

“Siya ang masasabi kong unang naging best friend ko.

"Sana magkita uli kami."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN