Sharon Cuneta reacts to KC Concepcion’s breakup with Paulo Avelino: "Do I look like I’m surprised?"

Sharon Cuneta on KC Concepcion being secretive about her lovelife: “Minsan she won’t even tell me she’s with someone. Minsan malalaman ko na lang break na pala. ‘Ay, nag-on na ba kayo?’Alam niya ‘yan."


“You know what, I’ll tell you this honestly... do I look like I’m surprised?”

Ito ang pahayag ni Sharon Cuneta nang diretsahang tanungin tungkol sa hiwalayan ng anak niyang si KC Concepcion at boyfriend nitong si Paulo Avelino.

Read: Paulo Avelino admits he was in a relationship with KC Concepcion

Base sa sumunod na pahayag ng Megastar, tila itinago ni KC ang pinagdadaanan nito kaugnay ng pagkakalabuan nila ni Paulo kamakailan.

“KC, I think, ayaw niyang nag-o-open up sa akin kasi alam niya naa-affect ako.

"Siyempre kunwari may LQ [lovers' quarrel] or something.

“Minsan she won’t even tell me she’s with someone.

“Minsan malalaman ko na lang, break na pala. ‘A, nag-on na ba kayo?’

“Alam niya ‘yan. I’m just being honest.

“I love her to death but we’re very different in a lot of ways.

“I adore her, she’s my daughter. My god, I would die for her,” paliwanag ni Sharon sa taped interview niya kay Boy Abunda sa March 15 episode ng The Buzz.

Minsan nang naihayag ni Sharon na gaya ng hindi nila pagiging malapit ng kanyang yumaong ina na si Elaine Cuneta, hindi rin gaanong malapit ang Megastar sa anak niyang si KC sa kabila ng pagmamahal nila sa isa’t isa.

Read: Sharon Cuneta emotional at her eulogy for Mommy Elaine; still in denial over the loss of her mom

Paliwanag ni Sharon, bukod sa marami silang pagkakaiba ni KC, lumaking masyadong “independent” ang kanyang anak.

Kaya kahit na may pagkakataong alam na niyang may pinagdadaanang problema ang anak, hindi basta-basta inuusisa ng Megastar kung ano man ang saloobin ni KC hangga’t hindi ito nagsasabi nang kusang-loob.

“You know, KC and I, there’s a lot of love that we have for each other.

“But I think it’s hard because, ganito, e, alam mo yung may similarities kami, pero ang laki rin ng pagkakaiba namin sa isa’t isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero there’s no question that the love is there.

“So, I think I raised her to be independent, and I think through no fault of hers, siguro nasobrahan nang konti yung pagiging independent niya.

“'Tapos siyempre, as a mother, you want the best for your child so you give advice because you’ve been there and you’ve done that.

“Sometimes you see it coming, ‘di ba?”

Ngunit sa kabila ng pagkakaiba nila sa maraming bagay, nilinaw ni Sharon na mas nagiging bukas sila ni KC sa isa’t isa.

Kamakailan lang ay nagkita umano silang mag-ina, at nakapaglabas pa ng saloobin ang Megastar kay KC.

Sabi pa ni Sharon, “Oh, we’ve been together recently.

“She slept in the house like three days a couple of months ago.

“And she was with me when she brought Mama’s things to my house.

“I have to say we opened up to each other.

“I was crying to her about certain things, mostly about life, not really about her personal [issues].”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN