Toni Gonzaga’s hosting stint in Binibining Pilipinas 2015 gets mixed reviews

Umani ng batikos si Toni Gonzaga para sa paraan ng paghu-host niya sa katatapos lang na Binibining Pilipinas 2015. Kabilang sa pumuna sa kanya ay ang dating Bb. Pilipinas-Universe na si Nina Ricci Alagao at ang fashion designer na si Cary Santiago.


Usap-usapan ngayon among netizens ang ginawang paghu-host ni Toni Gonzaga sa Binibining Pilipinas 2015 Coronation Night nitong Linggo ng gabi, March 15.

Kasamang nag-host ni Toni ang kapwa niya Kapamilya star na si Xian Lim.

Read: Pia Wurtzbach crowned Miss Universe-Philippines 2015


NINA RICCI ALAGAO. Isa sa mariing pumuna sa paraan ng paghu-host ni Toni ay si Bb. Pilipinas-Universe 2000 Nina Ricci Alagao.

Nag-post ang beauty queen-turned-actress ng pagkadismaya niya sa Pinoy Big Brother host sa kanyang Facebook account, na ngayo'y kumakalat na sa sTwitter, subalit binura na rin niya ito.

Sa naturang post, pinatutsadahan niya si Toni sa “over-confidence” na paghu-host nito.

Isang halimbawa ni Nina: “The way she prodded some of the judges to proceed with the Q&A was as if she was at par with these well-respected people in terms of age and experience.”

Paalala pa ng dating beauty queen, “Try going back 15 years to the time when she was brown-skinned, her nose untrimmed; to the time when she would pass by and you not take notice; and the time when she was not allowed into a TV network building because she was mistaken for an alalay.

“Maybe that would remind her how it once felt to be humiliated, and be a little more forgiving with people who aren't perfect.”

Dagdag pa ni Nina, “I hope she realized that the one person she ridiculed the most for the world to see was none other than herself, proving that even though she may have hosted many events and shows in the past, hosting a prestigious beauty pageant may not be for her.”

Diin pa ni Nina: “Leave that kind of hosting to PBB, not BBP.”

CARY SANTIAGO. Nagkomento rin ang Cebu-based designer na si Cary Santiago tungkol sa paghu-host ni Toni.

Aniya, “Toni you're being rude to the candidate whose nerves are shot already. #inappropriate #BbPilipinas.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May bumatikos sa Instagram post na ito ni Cary, subalit paglilinaw ng fashion designer: “Toni is one of the best! She's smart and beautiful, I did not like when dangled the contestants earring! #ThisIsMyWall #ItsMyPrevilage #ToEachHisOwn #AnongProblema?”

Ang tinutukoy ni Cary ay naganap sa Q&A portion, kung saan napansin ni Toni ang dangling earrings ni Binibini No. 28 Hannah Ruth Sison.

Pagbibiro ni Toni, who wore a Michael Cinco gown, “Your earrings has its own theme song, 'Chandelier.'”

Sabay kinanta ni Toni ang chorus ng popular na kanta ni Sia.

Nagbiro rin si Toni nang sabihin ni Binibini No. 14 Princess Joy Camu na first time niyang sumali sa Binibining Pilipinas.

Tanong ng Kapamilya host: “Are you looking forward to the second time?”

Sagot ni Princess Joy: “No.”

Hirit naman ni Toni: “MJ Lastimosa joined many times, let's not forget. Okay, we will see. You have to answer very well.”


GOOD JOB, TONI. Sa kabilang banda, mayroon din namang nagustuhan ang paghu-host ni Toni sa Binibining Pilipinas 2015.

Nagustuhan ng radio-TV host na si KC Montero ang pagiging "sarcastic" ni Toni sa pageant.

Naging “light” naman ang Q&A portion dahil kay Toni, ayon sa ilang nakapanood ng Binibining Pilipinas 2015 kagabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN