Winwyn Marquez after failed Binibining Pilipinas 2015 bid: "WIN-WIN situation pa din ’to kahit natalo ako."

Malaki pa rin ang pasasalamat ni Winwyn Marquez kahit hindi siya nanalo o nakakuha ng anumang puwesto sa Binibining Pilipinas 2015 pageant. Nakakataba raw ng puso ang bumuhos na mensahe sa social media na nagsasabing siya ang ’true winner’ sa timpalak.


Halos iisa lang ang tanong ng netizens tungkol sa naging resulta ng Binibining Pilipinas 2015 kagabi, March 15: Bakit hindi nanalo o nakakuha ng kahit anumang puwesto si Teresita Ssen Marquez, o mas kilala sa pangalang Winwyn Marquez?

Isa sa early favorites sa Binibining Pilipinas this year si Winwyn, anak nina Joey Marquez at Alma Moreno, at pamangkin ni 1979 Miss International Melanie Marquez.

Bagamat nakapasok siya sa Top 15 at nakakuha ng tatlong special awards, walang nakuhang korona o titulo si Winwyn.

Read: Pia Wurtzback crowned Miss Universe-Philippines 2015

Pero base sa tweets ng 22-year-old Kapuso talent, ibinigay naman daw niya lahat ng kanyang makakaya para sa pageant.

Hindi man siya nanalo, pero parang panalo na rin daw ang kanyang nararamdaman dahil sa mga nababasa niyang mensahe mula sa ibang mga tao.

Bukod sa experience, may mga nakilala raw siyang mga bagong kaibigan at nagkaroon siya ng confidence pa sa kanyang sarili.

Narito ang sunud-sunod na tweets ni Winwyn:

Sa Instagram, nag-post naman si Winwyn ng larawan ng kanyang pamilya na todo ang pagsuporta sa kanya noong mismong coronation night ng Binibining Pilipinas.

PROUD TITA. Kahit natalo, sa tingin ng kanyang mga tagasuporta at mga kamag-anak, si Winwyn talaga ang "true winner" sa Binibining Pilipinas 2015.

Ilang oras matapos ang pageant, nag-post si Melanie Marquez sa Facebook ng mensahe para sa pamangkin.

Sabi niya: “Teresita Sen aka Winwyn Marquez #34 fought a good fight in the battle of the competition of Bb. Pilipinas last night She made me so proud & for me, She's a true winner!!!"

Sunod na post ni Melanie: "Proud to be the Tita! Teresita Sen aka Winwyn Marquez #34 fought a good fight in the battle of the competition in the Bb. Pilipinas last night! It's a fact & Nationwide viewers saw it!Congrats!"

PROUD FRIENDS. Ang mga kaibigan naman ni Winwyn sa showbiz, kahit dismayado sa naging resulta, ay nagsabi ring deserving ito sa isa sa mga titulo ng pageant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN