Sharon Cuneta claims flat-screen TV makes her look bigger

Megastar Sharon Cuneta posts photos on Facebook to prove that she looks bigger on television than her real weight.


Madalas sabihin na nadadagdagan ng 10 lbs. ang tao kapag ipinapakita sa telebisyon kumpara sa aktuwal niyang timbang, at tila ito ang himutok ni Megastar Sharon Cuneta sa kanyang Facebook post nitong Linggo ng umaga, March 15.

Ayon sa balik-Kapamilya singer-actress-host, nakapagbawas na siya ng 40 lbs. o higit pa kumpara sa dati nitong timbang.

Pero kabaliktaran ang nakikita sa telebisyon, partikular umano sa flat-screen TV.

Ani Sharon sa kanyang Facebook post: “Nagulat ako kasi flat screen ang TV namin sa bahay, so grrrrrr gusto ko isumpa ang nag-imbento niyan at nakakapunggok at lapad! Hahahahaha joke!

“Pero nakakapunggok at nakakalapad talaga!”

Sabi pa ng resident judge ng weekend celebrity showdown program na Your Face Sounds Familiar, hindi magandang inspirasyon ang ganito sa mga kagaya niyang sinisikap na magpapayat.

Sa sumunod na post ni Sharon, nag-attach siya ng dalawang larawan upang ikumpara ang kaibahan ng kanyang kuha sa telebisyon at kuha sa litrato.

(Left) Photo #2, (Right) Photo #1

Samantala, nag-post din kahapon ang Megastar tungkol isang advertisement na ginagamit daw ang kanyang pangalan nang walang paalam.

Sinabi ni Sharon na naiinis siya rito at wala raw katotohanan ang ad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN